"hey" he gently said and held my hand. Napaangat ako ng tingin sa kanya. "I'm your husband, you can tell me everything. Pakikinggan kita."

Yumuko ako at tiningnan ang kamay niya sa kamay ko. Napalunok ako bago dahan dahang tumingin sa kanya. " ok lang talaga ako Thaigo" I faked a smile and removed my hand from his hold.

Nakita ko kung paano nagbago ang reaksyon ng mukha niya. Biglang lumungkot ang mata niya ng alisin ko ang kamay niya.

Before I couldn't take it anymore, I walked away and went to our room.




Huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang aking cellphone. Nakahinga ako ng maluwag ng wala akong matanggap na text. Binuksan ko ang data ng cellphone ko agad kong natanggap ang mensahe galing kay ate lisa. Nangangamusta siya. Nagtipa ako ng reply bago ko ito iwan sa ibabaw ng kama at bumaba.

Kinahapunan ay tumulong ako sa mga kasambahay kasi wala naman akong magawa.

"Naku, Ma'am baka mapagalitan po kami ni Sir Thaigo" sabi ng isang kasambahay habang nag ma-mop ako ng sahig.

Pinunasan ko ang pawis sa aking noo bago siya nginitian. "ok lang po. Wala din naman po akong gagawin."

Pagkatapos kong mag mop ay mga bintana naman ang sunod kong pinunasan.

"Huy, si Ma'am! Alalalayan niyo!" sigaw ni Manang Isabel ng bumaba ako sa hagdan. Agad naman na lumapit ang dalawang tauhan sa akin. Ang isa ay humawak sa hagdanan ang isa ay hinawakan ang kamay ko, inalalayan ako pababa.

Nagpahinga muna ako pagkatapos kong maglinis ng bintana. Umupo ako sa sala at agad naman akong binigyan ng mga kasambahay ng makakain.

"Ma'am, tissue po"

" Ma'am, paypayan ko po kayo para mabilis na mawala ang pawis niyo"

"Eto Ma'am oh, dinagdagan ko ng sandwich para mabusog kayo."

I smiled and murmured my thanks to them. Kung hindi lang ako pagod ngayun ay hindi ko sila hahayaan na gawin ang mga 'to kaso medyo madami akong ginawa kaya hinayaan ko nalang sila na pagsilbihan ko.

Tatayo na sana ako para mag banyo ng biglang bumukas ang pintuan.

"Sir Thaigo!?" napasigaw si manang Isabel at tumakbo patungo kay Thaigo na inaalalayan ng isa niyang tauhan. Natataranta na tumayo na ang mga kasambahay habang ang mga tauhan ay nagkalat sa loob ng mansyon. Nakita ko ang iba na kakababa lang sa kotse sa labas. Nagsitakbuhan ang iba at ang iba'y nagtataka kung anong nangyare.

"kaya ko na" mahinang sabi ni Thaigo at binitawan siya ng tauhan niya.

"Anong nangyare?" sabi ko at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Pinagpapawisan siya at hinihingal. May hawak rin siyang baril kanina pero binigay niya ito sa tauhan niya.

"Naku, Sir may sugat po kayo" nag-aalalang wika ni manang Isabel. Dumapo ang mata ko sa tiyan niya at hinawi ang suot niyang coat. Nakita ko ang dugo sa puting button-down dress niya.

"T-Thaigo... napano ka? Pumunta tayo sa hospital!" natataranta kong sabi at hinawakan ang braso niya.

"Daplis lang to. I'll be fine. Manang, pakihatid ng first aid kit sa taas" sabi niya at naglakad patungo sa hagdan.

Agad akong sumunod sa kanya. "Alalayan na kita"

"No. I'm okay" sabi niya kaya naman sumunod nalang ako sa likod niya.

Napano siya? Napaaway ba siya? May bumaril sa kanya??

Agad niyang hinubad ang damit niya at umupo sa kama. Napangiwi siya habang hinahawakan ang sugat niya. Kinuha ko naman ang first aid kit na hinatid ni Manang Isabel.

Beautiful Mistake (Mafia Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu