Chapter 14

73 3 0
                                    

VYAbik

R18+

Mabilis ang takbo ng panahon, hindi ko namalayan na ilang araw nalang ay pasko na. Parang may kulang kasi sa puso ko. Hindi ko alam kung ano.

Inimbitahan ako ni Mrs. Fiona / Ina ni leo na bisitahin sila roon sa mansion nila, hindi naman ako pwedeng tumanggi dahil na m-miss ko na rin si.... Nevermind, baka nagugutom lang ako.

I'm here, Staring at this huge mansion. Nakasuot ako ng Red dress, at high heels, naka ponytail lang ang buhok ko at kunting make-up.

Pinapasok ako ng Gwardya sa loob ng mansion, hindi ko mapigilang mailang dahil sa titig nitong Guard na'to. Sarap sipain.

"Hello po"

"Siya ba si Mrs. Hera? Ang asawa ni Sir. Leo? Ang ganda niya"

"Ang tangkad naman niya"

"Kung ganiyan ako kaganda, sigurado akong ako ang magiging asawa ni Sir. Lance, type ko yun e"

"Oy, puro ka chismis mag trabaho na tayo"

Hindi ko mapigilang mamula dahil sa mga bulong-bulongan ng mga servant dito sa mansion nila. Inayos ko muna ang buhok ko sa bandang tainga, bago ako umapak sa loob ng mansion nila huminga muna ako ng malalim.

"Oh, hija you're here" bati sa akin ni Mrs. Fiona, nag biso kami at napatingin ako kay Leo at Lance na nakaupo sa sala. Naka jersey lang si Leo at naka shorts, habang si Leo. Pormado ang suot nito.

"Leo, sinabi ko naman sa'yo maligo ka muna, may bisita tayo"

"Mom, kakatapos ko lang maglaro baka mapasma po ako, um hello hera" Malungkot ang boses nito. Hindi ko naman alam ano ang pinagdadaan niya. Tumayo si Lance sa sofa at binati ako.

"Hello, Mrs. Hera, Merry Christmas"

"Merry Christmas too"

Napatingin ulit ako kay Leo na nakaupo sa sofa, parang hindi siya masaya na nandito ako. Ba't ang cold niya?

"Hija, you okay? "

Hindi ko namalayang nakatitig lang pala ako kay Leo, nakakahiya naman kay Tita, oo mas mabuti nga kung tita nalang ang itatawag ko sa kaniya. At kay Lance, siguro Kuya Lance?

"Opo tita, I mean madam Fiona"

"No, it's alright just call me Tita, okay? "

Tumango ako sa kaniya tyaka ngumiti. Nakita ko si Jamaica ang Stepsister ni Leo. Nakasuot ito ng Half Shoulder na dress kulay black ito. Masasabi kong bagay naman ito sa kaniya dahil maputi ito at chubby chick.

"Sumama kana sa amin, kakain na tayo" Saad ni Tita. Napatingin ako kay Lance na kanina pa nakatingin sa'kin.  Ngumiti ako sa kaniya at umiwas ng tingin. " Here, dito ka umupo tabi na lang kayo ni Lance, okay lang ba? "

Grabe ang daming pagkain sa mesa, hindi pa naman pasko, well siguro ganito lang sila pag may bisita pag pasko? I guess.

"Opo, okay na okay lang po" magalang kong sagot. Hinila ni Lance ang upuan upang umupo ako roon, Napaka gentleman naman talaga nitong si Lance. "Thank you"

Ng uupo na sana si Lance sa tabi ko, hinawakan siya sa braso ni Leo kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. Nakatingin lang sa akin si Jamaica, parang tinatanong nito kung ano ang nangyayari.

"Ako ang uupo dito" Walang ganang saad ni Leo. Nagbago na ito, hindi naman siya ganito noon, noong nasa condo ko pa sila. Nag c-celebrate.

"Narinig mo ba ang sinabi ni mom? Ako ang uupo dito" Medyo may diin ang boses ni lance ng sinabi niya iyon.

I WAS RAPED(Completed)Where stories live. Discover now