Chapter 13

85 3 0
                                    

VYAbik

Finally, nakauwi na ako sa condo ko. Napapaiyak tuloy ako, ilang months din ang nakakaraan simula noong nakayakap ko ang anak ko. Sa video call lang kasi kami nag-uusap.

Si leo, hindi ko alam kung nasaan na siya basta ang alam ko, masaya na ako kung anong meron ako.

Nakatayo ako ngayong sa pintuan ng condo ko, nakikita ko ang anak ko na karga-karga ni lilly. Kinakagat pa nito ang index finger niya.

"Baby! " hindi ko mapigilang mapasigaw ng makita ko si Klirr na nakatalikod at yakap yakap si Lilly.

Lumingon ito sa akin at nanlaki ang mga mata, agad-agad itong tumakbo papunta sa akin. Nakatayo lang ako at hinihintay siyang lumapit sa'kin.

"Mommy, i miss you so much" She cried. Umiyak rin ako dahil sa saya, ang saya-saya ko sapagkat nakayakap ko na ulit ang pinakamamahal kong anak. Kinarga ko siya at niyakap ng mahigpit.

"I miss you too, baby, how are ya? " I can't stop crying. Ng inimulat ko ang mata ko, nakita ko si lilly na pinupunasan din ang luha nito, pati si Nev na galing siguro sa kusina, at si Juliet na may hawak-hawak na torotot.

Si mommy may hawak-hawak na balloons, and of course si daddy, umiiyak ito at nakayakap kay mommy.

Doon ko lang nakita ang nakasulat sa wall ko. 'Welcome back Hera Feña'

Napatingin ako sa anak ko na mahigpit ang pagkakayakap sa akin.
Pumikit ulit ako at ngumiti sa kanila.

Para akong nasa langit, nasa ulap, napakasaya ng pakiramdam.

"Welcome back, Mrs. Hera"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang familiar na boses. It was Mrs. Fiona, Leo, Lance may dala-dala silang isang bouquet ng roses.

Ngumiti lang ako sa kanila, pero hindi kay Leo. Hindi pa rin ako komportable na nakikita ko siya.

"Daddy! " Klirr shouted. Binaba ko ito sa pagkakakarga at tumakbo ito papunta sa... Sa totoong daddy niya.

"Oh, hi baby klirr, how are ya? " Saad ni Leo ng kargahin niya si Klirr. Nagkatinginan pa kami ng mata pero umiwas ako ng tingin at pumasok sa loob ng condo, Sinalubong ako ng mahihigpit na yakap ng mga kaibigan ko, at ng parents ko.

"You did it" bulong ni nev na nakayakap pa rin sa akin. Ngumisi ako sa kaniya kahit hindi niya nakikita.

"Yeah... I'm so glad" I replied.

"Oh... Tama na ang drama"

Napatingin ako sa likuran ko ng mapagtanto na nandito rin si Jonnie.
Nakasuot ito ng White T-shirt at long pants, black pair shoes. Nakasuot pa ito ng sunglasses. May dala-dala itong Gift na kulay pink.

Humiwalay ako sa pagkakayap kay nev at niyakap si Jon. Masaya ako na nakarating siya.

"Am i late? " bulong pa nito sa tainga ko.

"No"

"Oh my gosh, is that you? Jon?" Sabay na tanong ni Nev at Juliet. Hindi ko inaasahang sasama rin sila sa yakapan namin ni Jon.

Nakita ko si Leo na nakatingin sa'kin. Seryuso ang mukha nito, and when i caught him staring at me, umiwas ito ng tingin at tinuon ang attention kay Klirr. I'm still inlove with you Leo.

Pati si Lance ay nakikipaglaro kay Klirr habang karga-karga ni Leo. Para itong sissy kung makipaglaro haha.

Lumapit si dad' sa akin at yumuko. Matangkad kasi ito at hanggang kili-kili lang niya ako.

"I'm sorry, honey. Marami akong pagkukulang sa iyo, pati sa apo ko, you know naman 'di ba? Ginagawa ko 'to para sa inyo, sa apo ko"

Huminga ako ng malalim at humarap kay Daddy, he was crying. Hindi ko pa siya nakikitang umiiyak. Maybe he's glad to see me again?

"Dad, it's okay, actually i'm thankful na meron akong daddy at mommy na katulad ninyo"

Lumingon ako kay mom' at ngumiti ako sa kaniya. Nakangiti rin siya sa akin, tumingin ulit ako kay dad' na patuloy na umiiyak.

"Dad, stop crying... I'm alive" biro ko pa pero sumeryoso ang mukha nilang lahat sa akin.

"Let's eat! " sigaw ni Klirr kaya napatawa kaming lahat.

But before that, kukunin ko muna si Klirr kay Leo dahil ako ang nagpapakain sa kaniya, sinusubuan ko 'to.

Hindi ko mapigilang mailang ng nasa harapan na ako ni Leo, he was staring at me. Again.

"Tara baby, kain na tayo? " Inilalahad ko ang mga braso ko sa kaniya para kargahin ko ito, ibinigay naman siya sa'kin ni Leo, pero nakangiti si Leo sa akin.

"Let's go, darling"

Bigla akong napaubo sa sinabin ni Leo. Ano daw, darling? Ang kapal naman ata ng mukha nito. Pero umiral pa rin ang puso ko keysa sa utak ko.

"Let's go, daddy and mommy"

Si klirr pala ang tinutukoy niyang darling at hindi ako, nakakahiya naman. Iniisip niya sigurong may gusto ako sa kaniya. Bahala na.

"Amh... Hera? I'm... I'm so sorry" It was Leo, hindi ko namalayang nasa likuran ko na siya.

Kakatapos lang ng celebration at natutulog na si Klirr, umuwi na rin sina Neversa, Juliet at Jonnie, Mrs. Fiona, Lance except kay Leo.

"Woaah! " napasigaw tuloy ako sa gulat. Hayst kakatapos ko lang sa opera e parang gusto na akong patayin nitong si Leo.

"Oh, hehehe i'm sorry again, sorry sa lahat lahat ng ginawa ko. Patawarin mo sana ako, pwede bang maging mag kaibigan tayo?... For klirr? "

Hindi ko siya pinansin, at kumuha ako ng tubig sa kusina upang inomin.
Hindi ko man nakikita si Leo dahil hindi ko ito nililingon pero alam kong nakatitig siya sa likuran ko.

*phone ringing*

Napatingin ako sa kaniya dahil biglang tumunog ang telepono nito. Akala ako kasi sa akin iyon. Wala naman akong pake kung sino 'yang tumawag sa kaniya. Nakatitig lang siya sa akin at hinihintay akong magsalita.

"Oh? " pagtataray ko.

"Sasagutin ko lang" Malambot niyang sagot. Inirapan ko lang siya at uminom ulit ng tubig. Hindi ko na siya pinansin at ng tumingin ulit ako sa likuran ko, he's gone.

Okay, relax girl hayaan mo na siya kung sinong babae 'yang kausap niya, ganoon naman ang mga lalaki 'di ba?

Sana mali ako. Teka nga, bakit ba ako umaasa na walang iba si Leo? Eh hindi naman kami kasal. Si Klirr lang ang dahilan bakit siya pumupunta sa condo ko.

Noong una kami magkasama sa isang kwarto, sa isang hotel ng beach. Si Klirr yung unang tumawag kay Leo na 'daddy' at hindi ko inaasahang siya pala ang totoong ama nito. Hindi ko siya maalala, hindi ko alam kung bakit. Pero noong narinig ko ang kwentohan nila ng kaibigan sa isang Hawaii Restaurant, doon ko lang naalala ang mukha niya.

Ngunit bakit siya nagkukunware na hindi ako kilala? Ganoon ba siya kasinungaling? O may dahilan  ang lahat?


Ilang linggo ko na siyang hindi nakikita, pero wala naman akong pakealam, ang importante lang sa akin ay ang Anak ko, Parents ko, Kaibigan ko. Specially itong coffe shop ko. Naipasara ko 'to noong nasa Hospital ako. Medyo nalugi ako pero ayos lang, This is the meaning of life. Minsan babagsak minsan tataas.

Kahit naman napatawad na natin ang isang tao, it does not mean na wala ng kirot sa puso natin. Pinatawad lang natin ang isang tao pero buhay pa rin ang ating nakaraan. Hindi nga lang pwedeng balikan.

Mapaglaro talaga ang tadhana, marami akong sinaktan. Pinaiyak, pero sa kabila ng mga ito. Masama nga ba akong tao? Dapat ba akong mahalin? I don't.... I don't think so.



I WAS RAPED(Completed)Where stories live. Discover now