7

0 0 0
                                    


It's already December 22, ang bilis lang ng panahon. Parang kailan lang nagcelebrate kami ng birthday ko last February tapos ngayon magpapasko na.

Nandito ako ngayon sa campus dahil kinuha ko ang iba kong gamit, kasama ko sina Dani at Elton habang si Zion naman nagaantay samin sa labas.

"Pwede naman ata tayong magcelebrate na magkakasama e?" rinig kong tanong ni Elton

"Pwede naman, ewan ko lang dito kina Jade at Zion." si Dani

Tumigil sila sa paglalakad saka ako hinarap. Nakapamewang si Dani na humarap sakin saka ako tinarayan.

Problema nito?

"Celebrate tayo ng pasko sa bar namin." sabi niya

"Oo nga Jade payag ka na, minsan lang naman" panggagatong ni Elton

"Tapos?" tanong ko

"Tapos inuman hanggang mamatay" si Elton

"Busy pa ako, next time nalang" sabi ko

Napasimangot si Dani. I rolled my eyes, alam na alam niya talaga kung paano ako pano ako mauto. I sighed. Malakas na tumili si Dani, niyakap niya ako ng mahigpit.

"Yeyheyy! Kita tayo sa 24 ha!" She cheerfully said

Tumango tango nalang ako saka naunang maglakad. Nakita kong nagaantay si Zion samin at nang makita niya ako lumapit siya agad sa gawi ko.

"What took you so long?" he asked

"Tanong mo dyan sa dalawa." sagot ko

Sobrang bagal maglakad nina Dani dahil ang landi landi nilang dalawa. Alam naman namin na gusto nila ang isa't isa pero ayaw lang nila magcommit.

"Sila na ba?"

"Hindi ko alam, ayoko makialam sa buhay ng iba."

Pumasok ako sa loob ng kotse at sumunod din si Zion pati sina Dani. Nakatingin lang ako sa labas hanggang sa makarating kamj sa bahay nina Elton.

Nararamdaman ko ang pagbabago sa ugali ko simula nang malaman ko ang sekretong yon nina mommy. Malayo na ang loob ko sakanila pero nirerespesto ko parin sila gaya ng dati.

"Tulala ka nanaman." si Dani

I looked at her.

"Andito na tayo." si Zion.

Binuksan ko ang pintuan saka lumabas ng kotse. Andito kami ngayon sa bahay nina Elton kasi inimbitahan kami ni Tita Ella dahil anniversary nila ni Tito Ramon. Naunang pumasok ng bahay si Elton na agad ding sinalubong ng mga maids.

Pumunta kami sa dining, nakita namin ang mga magulang namin na ansa table. Close ang mga parents namin kaya kapag may salo salo, lahat kami imbidato.

Lumapit ako sakanila saka nakipagbeso sa mga magulang namin. Tuwang tuwa si Tita Candy dahil kompleto kami ngayon.

Tita Candy and Tito Zin is Zion's parents. Tita Ella and Tito Ramos is Elton's parents and Tita Rafa and Tito Azel is Daniela's parents.

Tinignan ko silang lahat, I envy them. Buti pa sila walang family issues. Ngumiti habang pinagmamasdan silang lahat. Naiingit ako, inaamin ko. Nakakainggit lang na kasama nila mga magulang nila habang ako, hindi ko man lang nakasama ang totoo kong magulang.

Naramdaman ko ang ang paghawak ni Mommy sa kamay ko kaya napatingin ako sakanya. Nginitian niya ako saka pinunasan ang mukha ko.

"You're crying, are you okay?" she asked

"Im okay, my." i whispered

Buti nalang busy ang mga kasama namin sa paguusap. Pinunasan ko ang mukha ko saka humarap ulit sa mga kasama ko. Hindi ako nakaligtas sa mga mata ni Zion.

Napalunok ako sa paraan ng pagtingin niya sakin. Ang dilim ng mga mata niya na parang nagtataka, alam kong nakita niya ang pagiyak ko kaya napaubo ako.

Nagexcuse muna ako na lalabas ako saglit pata magpahangin. Tumayo ako sa may balcony saka napabuga ng hangin.

Ano ba Arianne? Tumino ka nga.

"Bakit ka umiiyak kanina?"

I was stunned.

Hindi ko siya nilingon at nanatiling nakatingin sa malayo. Ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ako mapakali. Tumikhim ako kunwari saka mahinang natawa

"What are you talking about? Napuwing lang ako." maangmaangan ko

"Don't lie to me, Arianne." mariin niyang sabi

Iniharam niya ako sakanya at doon ko nakita ang nagaalab niyang mga mata. Galit siya. Maraming beses na niya akong tinanong tungkol sa problema ko pero lagi kong sinasabing wala.

"Tell me."

"I c-cant.." bulong ko

"Arianne, I'm warning you." pagbabanta niya sakin. "Sabihin mo naman na sakin ang mga problema mo, Jade! Napakahirap manghula! Hindi ko alan kung anong iisipin ko sa tuwing umiiyak ka sa hindi ko malamang dahilan!" sigaw niya

"Hindi ko sinabi sayong manghula at makialam ka!" sigaw ko pabalik

"Come on, Jade! Hindi na tayo bata, ano ka ba? Bakit ganon ba kalalim yang problema mo at di mo magawang sabihin sakin? Ha!"

"Oo!" I shot back. Nagsimulang manlabo ang mga mata ko dahil sa mga luha kong nagbabadya.

"Oo, Zion! Ganon kalalim! Tingin mo ba mababaw lang yung nalaman akong hindi ako totoong anak nina mommy? ha? Hindi!" i cried

"Arianne...."

"Malalim, Zion. Sobrang lalim na parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa dahil hindi ko kinakaya lahat!"

Nauubos ang lakas ko sa sobrang pagiyak ko. Nanatili siyang nakikinig sakin at sinusubukang hawakan ang mga kamay ko pero iniiwas ko ang sarili ko sakanya.

" Hindi mo ako masisisi kung pinili kong itago sainyong lahat dahil baka husgahan niyo ako agad. P-pero habang tumatagal, pakiramdam ko para akong k-kandilang nauupos."

I tried to calm myself.

"P-pagod na ako, Zion."

He hugged me. Mas lalo akong naiyak dahil sa yakap niya, nararaamdam ko ang paghaplos niya at paghalik sa ulo ko. Nakita ko ang biglang pasulpot nina Elton sa may bintana. Tinignan nila ako na may malulungkot na mata.

Lumapit sila saming dalawa sa yumakap na din. Lalo akong naiyak.

"I love you, Jade." bulong sakin ni Dani

Nagtagal ng ilang minuto ang iyakan hanggang sa tumahan ako. Hawak hawak parin ni Zion ang kamay ko.

"Okay ka na ba?" tanong ni Elton

Tumango saka ngumiti

"Dapat sinabi mo na samin agad, edi sana di ka magisang hinaharap ang problema mo." si Dani

"Ayoko lang kayo idamay." sagot ko

Npabuntong hininga siya saka ako niyakap.

"Jade naman e." si Dani

Tinawanan ko siya saka kumalas sa yakap niya, at ngumiti.

"Okay ako, Dani." I assured her

Tumango nalang siya biglang pagsuko. Tumingin ako kay Zion na hanggang ngayon nakatingin parin sakin. Tinaasan ko siya ng kilay at ganon din siya.

"Iwan niyo muna kami." sabi ni Zion

Agad naman nagpaalam sina Elton samin at nauna na bumalik sa dining area. Sila na daw bahalang magsabi kung bakit kami natagalan.

"May sasabihin ka ba?" I asked

"Can i keep you?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Setting Fires Where stories live. Discover now