“O?Bakit kayo nandito Rian?Vince?Hindi pa ba nagsisimula ang last game?” Rylle asked curiously nang makalapit ang dalawa sa'min.

“Rylle kulang kasi kami ng Isa.Madidisqualified ang section natin kapag hindi kami makokompleto.Wala rin kasi si Stanley at Tristan.” hinihingal na sagot ni Vince habang nakahawak sa magkabilang tuhod nito.

Bakit ba naman kasi sila tumakbo?pwede namang maglakad ah.Hindi naman gaanong kalayo ang campsite namin sa playing area.Tssk

“Oo nga,kanina pa nga namin hinihintay si Stanley at Tristan para sana isa kanila ang sasali pero naghintay na kami ng ilang minuto wala parin sila kaya pinuntahan ka nalang namin dito para ikaw nalang yung isasali namin.” sunod namang ani ni Rian.Tumingin muna sa'kin si Rylle at nginitian ko lang ito Nakuha siguro niya ang ibig kong sabihin na ayos lang kahit ako lang ang mag-isa dito sa campsite.

“Sige para makapagpahinga na rin tayong lahat pagkatapos ng game.” Rylle said calmly and stood up.

“Shianna—”

“I'm fine,punta na kayo dun.Baka hinihintay na kayo ng iba.Ayos lang ako dito promise.” pagtaboy ko sa kanila.Rylle breathe heavily at naglakad na ito kasama nila ni Rian at Vince.

Ako nalang ang naiwan dito.Ang tahimik talaga nang lugar na ito.Tanging mga tunog lang ng ibon ang naririnig ko.

“Ang sarap siguro sa pakiramdam nang manatili rito ng ilang araw na mag-isa lang.”

Nakangiti ako habang nakatanaw lang sa paligid hanggang sa may pumasok na idea sa utak ko.

I wonder if may ilog kaya rito?

Napangiti ako dahil sa naisip ko at dali-daling tumayo.Lumingin muna ako sa likuran ko kung may nakatingin ba sakin o may iba bang tao.Baka kasi bigla nalang bumalik si Rian dito.

Nakahinga ako ng maluwag dahil wala nang ibang tao.Siguro ay na sa playing area na ang lahat.

Lumapit ako sa tent ko at pumasok.Kumuha ako ng jacket,towel,tubig at syempre hindi mawawala ang pagkain.

Nang makuha mo na lahat ng kakailanganin ko ay lumabas na ako ng tent at nagsimula nang maglakad.

Adrian's P.O.V

“Adrian saan ka pupunta?” nagtatakang tanong ni Rian.Napatigil ako sa paglalakad at sabay silang tumingin sa'kin.

“Nauuhaw ako ok?kukunin ko lang yung tumbler ko sa tent.” sagot ko sa kanila.Tumango lang ito at tumalikod na ako.

Tinatahak ko na ang daan papunta sa Campsite namin nang may para akong naaninag sa gilid ko na tao.Pero paglingon ko ay wala naman pala.

“Dahil siguro 'to sa uhaw kaya kong ano-ano nalang nakikita ko.” napa-iling nalang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nang makarating ako sa campsite namin ay dumiretso ako sa tent para kunin ang tumbler ko.Kinuha ko nalang rin ang tumbler ng iba para kung sakaling mauhaw kami sa pagpasok sa kakahoyan.

Aalis na sana ako pero napansin kong wala si Shianna.

Dito lang namin siya iniwan kanina ah.Saan kaya yun nagpunta?

Luminga-linga ako sa paligid pero ni-anino nito ay hindi ko man lang makita.Tumigil ang paningin ko sa tent ni Shianna at napagtantong baka nagpapahinga lang ito sa loob.Lalapit sana ako sa tent niya pero naisipan kong baka magalit ito kapag inistorbo ko pa kaya naglakad nalang ako pabalik sa playing area.

Shianna's P.O.V

“Woaaaaah!ang ganda!!!” my eyes widened as I saw a river hindi malayo sa campsite ng Section namin.Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang ganda nito at ang mas lalong nakakamangha pa ay ang kulay nito na skyblue.Para siyang dagat.Maraming malalaking kahoy na nakapalibot sa buong ilog at mas lalong nakadagdag sa ganda nito ang mga ugat ng kahoy na nakatayo sa tubig at nakikita na sa sobrang linaw ng tubig.

S1:The Only Girl of Section Z | COMPLETEDWhere stories live. Discover now