"This papers.." sabay angat ni Ms. Hana sa mga papel nila, "I'll check it later at bukas niyo malalaman ang scores niyo, and before I go, any questions?"

Akmang aalis na sana si Ms. Hana nang nay maalala siya, "Oo nga pala, Mr. Monroe."

Isang lalakeng nagliligpit ng kaniyang gamit ay humangad nang tawagin siya ni Ms. Hana.

"Your coach wanted to see you for upcoming basketball game. I think you are already aware?"

Napunta ang tingin ng lahat ng kaklase niya sa kaniya at hinihintay ang sagot nito.

Naglabas ng ngiti ang lalake at tumango, "Yes, Ms. Hana. Thank you."

Siya si Archer Monroe, the basketball player hearthrob ng Brawny University. Maraming nagkakagusto sa kaniya dahil may kabaitan din ito sa kahit na sinong mahahalubilo niya.


Chemistry ang kasunod nilang subject at ilang minuto lang ay dumating na rin ang ang kanilang prof.

"Good morning, class."

"Good morning, Sir Davino.."

Kumuha ito ng pen sa gilid at nagsimula ng magsulat sa white board. "Copy this."

Nagtinginan at nagbulungan ang nga estudyante nang mapagtanto nilang wala naman sa kanila ang kanilang mga notebook. Napalingon ang prof nang marinig ang bulungan.

"What's wrong? Bakit hindi kayo kumukuha ng notebook ninyo?"

"Ah, sir na sa inyo po iyong notebooks namin.." saad ng isang naglakas-loob na tumayo.

Saglit na natigilan ang prof at napagtanto niyang tama na kinuha niya iyon last meeting. "Nandito ba ang president ninyo?"

"Absent.."

"Okay, Vice president."

"Present, sir!"

Isang babaeng may napakatamis na ngiti ay siyang tumayo. She is the vice president.

"May I know your name?"

"Naja Blair, sir, the vice president!"

Siya si Naja Blair, top 1 sa klase. Palagi niyang dala-dala ang ngiti niya saan man siya pumunta. Mag-isa siyang nakatira sa isang apartment at pumanaw na rin ang mga magulang niya noong bata pa lamang siya.

Kasalukuyan siyang naglalakad papasok ng office kung saan nandoon ang table ng kanilang prof, nandoon din ang kanilang mga notebooks.

°°°°°°


NAJA'S POINT OF VIEW

Malimutin talaga sir, pero 'di bale, atleast hindi siya strikto at malaki rin magbigay ng grades basta rerespetuhin mo lang siya.

Palapit na sana ako sa table ni sir nang kumuha sa atensyon ko ang lalakeng nakaluhod, may librong nakapatong sa dalawang kamay nito at gusot ang uniform.

Kawawa naman, ano kayang nagawang kasalanan niya?

Kinuha ko na ang mga notebook sa table ni sir, at dahil sa koryusidad ay nilapitan ko ang lalakeng iyon.

"Psst," Hindi ko siya kilala kaya psst nalang.

Tumingin siya sa akin at hindi umabot ng dalawang segundo ay siyang umiwas ng tingin.

Aba! Ang attitude, ah?

"Hoy manong." Pagtawag ko sa kaniya dahilan para lumingon siya ulit pero sa pagkakataon na ito ay masama ang tingin sa akin.

"What did you say?" Kita sa ekspresiyon niya ang inis.

Tinuro ko ang dalawang libro na nakapatong sa kamay niya. "Hindi ka nangangalay?"

"Screw off."

"Grabe.. nagtatanong lang 'yung tao."

Inis siyang umiwas ng tingin, "I don't know you, go away."

Imbes na pakinggan siya ay mas humakbang ako palapit sa kaniya. "Anong ginawa mong kasalanan kaya pinarusahan ka?"

Muli siyang tumingin sa akin habang nandoon pa rin ang inis sa mukha. "Who are you? I don't even know you to start any conversation with you."

Kaagad kong inabot ang aking kamay sa kaniya, "Naja, ang pangalan ko manong."

Napakurap ako nang mapagtantong may hawak palang libro ang dalawa niyang kamay.

"Can you just..-" saglit siyang napapikit at bumuntong hininga, "Please stop calling me manong, I am not that old!"

"MR. DARWELL!"

Napatalon ako sa gulat nang may biglang sumigaw sa likurang bahagi ko, paglingon ko roon ay isa ito sa counsilor ng opisina.

May dala siyang dalawang libro at napatakip ako ng bibig sa gulat nang nilagyan niya ng panibagong nga libro sa kamay ng lalake.

Ngayo'y mas bumigat na ang naging parusa ng lalakeng nagngangalang Mr. Damwell yata iyon?

"Ikaw, hija.. what are you still doing here, you better go!" Nabaling ng counsilor ang kaniyang atensyon sa akin kaya't dali-dali kong kinuha ang isang tambak na notebook at dumireto ng lakad.

Muli kong nilingon si Mr. Damwell at sana'y hindi ko nalang ginawa nang tumingin siya sa akin at tila nag-aapoy ang mga mata niya.
Nagpeace sign ako sa kaniya bago naglakad palabas ng office. Sana matanggap niya ang peace sign ko.

Grabe! Sana hindi na kami magkita!

Taste of Friendship [ON GOING]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ