"Oo na lang," natatawa niyang sabi. Nangunot naman ang noo ni Amadeus at binigyan ng masamang tingin si Aiden. "Alis na 'ko, Milada!"

Nangingiti akong tumango sa kanya at kumaway. Bumaling ako kay Amadeus na naupo na rin sa tabi ko at ipinatong ang isang binti sa isa niyang hita.

Malakas ang hampas ng hangin kaya hindi maiwasan na hanginin ang hanggang balikat kong buhok. Gano'n din ang kay Amadeus na kahit ang puti niyang rounded plain white shirt ay hinahangin din.

"Tapos na kayo sa meeting?” he simply nodded.

"Anong pinag-usapan niyo?" tiningnan ko siya.

Kahit hindi ito nakatingin sa akin ay kitang-kita ko ang pagkakakunot ng noo niya. His lips are in a thin line while his perfect jaw clenched.

"Nino? Ni Aiden?" tanong ko pabalik.

"Hmm, may iba ka pa bang kinausap bukod kay Aiden?" natawa ako ng mahina ng tumingin na ito sa'kin.

"Bakit gusto mo malaman?" pabiro kong tanong.

"Tsk!" I heard him murmured something.

"Tungkol lang naman 'yon kung bakit ako mag-isa rito..." mahina kong sabi at iniwas na ang tingin sa kanya.

Hindi ko sasabihin ang napag-usapan namin ni Aiden tungkol sa pag-amin ko sa kanya noon.

Natanaw ko ang iilang kasamahan na naglalaro sa mababaw na bahagi ng dagat. Sigurado ako na mas matutuwa pa sila kapag nagsimula na ang bonfire. Palubog na ang araw at talaga namang maganda itong panoorin lalo na kapag ang dagat ang kaharap mo.

"You should enjoy," I smiled and nod my head.

"I'm already enjoying myself, Amadeus." Ramdam ko ang tingin niya sa'kin kaya sinalubong ko 'yon.

"There's a fireworks display later... do you want to watch it?" nakagat ko ang aking ibabang labi at napaiwas ng tingin.

"Gusto ko... ah..." nahihiya akong tumingin sa kanya. "Ayos lang ba?"

Nagtagal ang tingin niya sa'kin bago tumango.

"It's fine, Milada..." I smiled again and decided to stand up.

"Gusto kong maglakad-lakad muna," pinanood niya ang galaw ko. "Alam kong magiging busy kayo dahil kayo ang mag-aasikaso para sa bonfire. Hindi naman ako lalayo at hanggang doon lang ako sa punong 'yon..."

Sabay turo ko sa coconut tree na medyo malayo na sa puwesto namin. Nilingon ko siya ulit pero nagtataka ko itong tiningnan ng tumayo na rin ito.

"Samahan na kita," pinagdikit ko ang mga labi ko dahil sa gulat.

"H-Ha? Naku! Baka makaabala lang ako. I'm sure na nakakapagod na ang ginawa niyo para sa araw na ito. Tapos may gagawin pa kayo mamaya. 'Wag na, Amadeus. I'll be fine..." pangungumbinsi ko pero mukhang buo na ang desisyon niya.

"Let's go," napasinghap ako ng hawakan niya ang pulsuhan ako para masama sa kanyang paglalakad.

Alam kong may iilang kapwa estudyante ang nakakita sa amin ng dumaan kami sa puwesto nila. But Amadeus looks not bothered with it. Preskong-presko pa ang kanyang paglalakad samantalang ako ay pilit inaayos ang sarili dahil sa kahihiyan lalo't hawak-hawak niya ako.

Sumabog ang buhok ko sa buong mukha ko dahil sa malakas na paghampas ng hangin. Nabitawan ako ni Amadeus dahil sa mabilis kong pag-alis ng buhok sa aking mukha. Pero dahil tuloy-tuloy ang paghampas ng hangin ay paulit-ulit lang din itong bumabalik sa mukha ko.

Operation: Secret GlancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon