"N-nagkabalikan sila?" tumango siya at marahan akong pinagmamasdan "P-paano sila nagkabalikan? I mean kakabalik lang ni Julia last month, hindi ba?" marahan kong tanong na tinanguan niyang muli.

"I don't know how they forgive each other, but we all know that Axton will do everything just to have my cousin again. He's that persistent to get back to her. And then, ayon, nagulat na lang kami na nagkabalikan na sila at magpapakasal na." he chuckled mischievously. "Ayaw na talaga niyang pakawalan ang pinsan ko dahil mahal na mahal niya 'yon." I also smiled hearing that.

Sana may ganiyan ding magmahal sa akin. Na kahit anong galit ko sa kaniya hindi niya ako iiwan. Hindi niya ako hahayaang malunod sa galit ko at gagawin ang lahat para lang mapatawad ko siya. Something tugged my heart at the thought. Kung hindi man ako mahal ni Cyrus at manatili lamang sa pagkagusto ang kaniyang nararamdaman sa akin, tatanggapin ko. At least we were together just for a short time.

"That's awesome. Love is sweeter the second time around talaga, 'no?" I smiled bitterly at nowhere.

Maya-maya ay naramdaman ko ang pagpatong ng kaniyang baba sa aking balikat sabay halik doon nang marahan. Napayuko ako, nahihiya sa mga kaibigan niya kahit na hindi naman ang mga ito nakatingin sa amin at abala sa pag-uusap.

"Are you saying that you and your ex will have a chance to get back together?" he asked softly but dangerous.

Sa sobrang rahan no'n ay nakakatakot na ang ibig sabihin.

"Huh? Anong pingsasabi mo riyan? May sinabi ba ako na makikipagbalikan ako kay Sherwin?" sambit ko sabay irap sa kaniya.

"Siguraduhin mo lang na hindi ka na makikipagbalikan don'." aniya sa nagbabantang boses.

"Ewan ko sa 'yo, Cyrus." napaka-possessive at seloso mo.

"I just don't like the thoughts of you with your bastard ex-boyfriend." wow. Nagsalita ang magaling na si Jian Cyrus Salazar.

"We're just in a good friendship now," I said in a soft voice.

"Just friend?" paninigurado niya.

"Yes," I answered breathily.

"Alright . . ." bulong niya bago ako niyakap mula sa gilid.

Napatingin akong muli ako sa mga kaibigan niya at nakita kong nakangising nakatingin sa amin si Yisroel, nang-aasar na ngisi. Namula ako nang magtama ang tingin naming dalawa lalo na nang ngumiti siya nang palakaibigan bago umuklo at bumulong kay Yadiel na katabi niya sa mahabang sofa.

"Employee nga lang daw kasi, ma-issue kayo." seryosong sambit ni Raven pero may mapang-asar na ngisi sa labi.

"Hoy, Cyrus! Sabi mo iinom tayo kasi free day mo ngayon at walang girlfriend na isasama?" si Yadiel sabay lagok ng scotch na in-order niya.

"Na-miss ko, e." ngisi ni Cyrus at hinigpitan ang yakap sa akin. Nahiya ako bigla sa mga nangyayari at para pang ahas itong si Cyrus kung makalingkis sa akin. Akala mo naman may aagaw sa akin dito.

"Na-miss ka ba? Kita mo nga sabi niya 'employee' mo lang daw." Yisroel said teasingly, emphasizing the word 'employe'.

"Gago ka talaga, Yro. Wala talagang preno 'yang bibig mo." ani Raven sabay bato rito ng takip ng boteng iniinom.

"Sabi ni Yadiel asarin ko raw, e." sabay turo sa kaibigang tumatawa sa gilid niya. Binatukan niya ito hanggang sa magtalo na sila roon.

"Don't mind them. They're crazy." bulong ni Cyrus bago bahagyang kumalas sa akin para kumuha ng alak at ininom 'yon.

"How many bottles did you drink?" I asked, arching a brow at him.

"Just this black label," aniya at inginuso ang bote ng black label sa mesa. Tumango ako. Hindi pa naman nangangalahati 'yon kaya paniguradong hindi pa siya lasing.

Luscious Man Series 2: Jian Cyrus SalazarWhere stories live. Discover now