"Single?" I asked because it's super important to check if single!

"Feeling ko, dokie," she replied. "Pero 'di kasi ma-chika 'yon kaya 'di rin verified. Ask mo na lang! Mabait naman daw 'yon 'di lang machika."

"Okay. Thank you, April!" I said. In the end, I gave her the coffee na lang and hindi ko na nahanap pa si Chester because duty called.

* * *

It had been an eventful day. Flu season kaya ang daming may sakit na bata. It was tiring, but very fulfilling. Kahit na tinutukso ako ni Rhys na wala akong pera, I didn't really care. I love what I am doing. And I'm not doing this for the money naman because if I am doing this for money? I would have quit the first day of med school. Ang hirap kaya! Halos mabaliw ako sa dami ng memorization.

At the end of my shift, I was yawning on my way to get my coffee. I needed coffee to keep me awake. Ayoko magdrive na inaantok. Back when I was doing my ER rotation, half ata nun ay road related accident. Since then, I'd been more careful whenever I am driving.

I was midyawn nang mapa-tigil ako dahil nakita ko na napa-tingin din sa direction ko si Chester. Gosh! Sa lahat naman ng opportunity na makita niya ako, doon pa sa naka-bukas nang malaki iyong bibig ko!

Mabilis kong isinara iyong bibig ko. I forced a smile as I waved at him. He was wearing his coat with his scrubs underneath. May hawak din siya na board. Mukhang may binabasa siya before siya mapatingin sa gawi ko.

Chester slightly nodded at me. Tama nga si April—hindi siya machika. It meant na ako dapat iyong chumika kasi if wala, ano ang mangyayari sa aming dalawa?

"Hi!" I said as I walked towards him. Hindi naman siguro weird kasi doon din naman talaga ako dadaan since iyon iyong way palabas ng hospital kasi bibili ako ng coffee.

"Hello," he replied. Napatitig ako sa naka-stitch sa pocket ng coat niya. Chester Viste, MD. So weird na ngayon ko lang nalaman na magkapatid sila! But come to think of it, no wonder magkapatid nga sila ni Cha... Parehong matipid sa words. But I hoped that like Cha na give it some time at magiging madaldal din. I mean, given the right topic, ang dami-dami kaya sinasabi ni Cha.

"Thank you pala ulit sa pagpunta," I told him.

He gave me a small nod once again. It was starting to seem like this was his favorite response. "Naka-usap mo na si Iñigo?" he asked.

"Not yet," I replied. We already agreed to meet this Sunday afternoon, though. Doon ko sasabihin sa kanya lahat ng nangyari nung date ko. Okay lang naman sa akin na sabihin kay Iñigo kasi sure ako na hindi niya sasabihin kay Rhys. Siguro sa lahat ng tao sa buhay ko, kay Rhys ko pinaka-ayaw na sabihin kasi for sure he'd make a really big deal out of it. Pero okay naman ako and wala akong plano na makita ulit 'yung Patrick na 'yon. Also, wala akong plano makipagdate in the near future...

Muli siyang tumango. "Okay," he replied. "Just asking kasi nag-aalala 'yon."

"Oh, I know," sabi ko sa kanya. "He must've pestered you na puntahan ako."

"Hindi naman," he replied tapos ay bahagyang tumingin sa hawak niyang papel. It looked like he was working. I wanted to to leave to give him time to work but at the same time, it seemed like ang hirap niyang hanapin sa ospital na 'to so I wanted to cherish this moment. I was torn!

"Kasi you looked like you just got out of bed nung pinuntahan mo ako."

Napa-tingin siya sa akin na bahagyang nakakunot ang noo. "Di naman ako nakapajama."

"So nakapajama ka kapag natutulog?" I asked, suddenly intrigued by the idea of a grown man like him wearing pajamas. Kasi kahit si Rhys kapag natutulog 'yun ang suot niya lang 'yung PE shorts from college and random white shirt.

(Yours Series # 5) Always Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon