“Hoy!” bumalik ako sa sarili ko nang tapikin ako sa balikat nang kung sino.Inangat ko ang tingin ko at nakatingin sa'kin ngayon ang lahat ng Section Z at ang iba ay nagtataka akong tinignan.

“Wala ka bang plano tumayo Shianna?” nagtatakang tanong sa'kin ni Adrian.

“Ha?” sagot ko nito sabay lingon sa paligid at ngayon ko lang napansin na wala na ang nagsasalitang Dean kanina at mga teachers na nakaupo kanina sa stage.Wala na rin ang ibang mga students.Tanging mga monoblocks nalang na upuan ang nakikita ko ngayon.

“Where are they?” takang tanong ko na nakatingin sa paligid.

“You mean yung mga tao dito kanina?” tanong ni Rian.Binalik ko ang tingin ko sa kanila at tumango.

“Kanina pa sila umalis.Kanina pa natapos yung Assembly Shianna.Actually paalis na sana nga kami eh pero napansin naming hindi ka tumatayo at nakatulala lang.” nagtatakang sagot ni Steve.

“Ganun ba?” tipid kong sagot at bumuga ng hangin.Tumayo na ako hinarap sila.“Tara na...” aya ko at nauna nang maglakad sa kanila.Dumako ang tingin ko kay Tristan at seryoso lang itong nakatingin sa'kin.Nilagpasan ko lang ito at naramdaman kong nakasunod sila sa'kin.Si Rian naman ay na sa tabi ko at sa kabila ay si Vince.

Pagdating namin sa playing Area andun na ibang students na nagkukumpulan na naka squat at sa harapan nito ay si Miss Sanchez at Sir Albert na mukhang may ina-announce.Naramdaman siguro nilang andito na kami kaya lumingon sa gawi namin si Miss Sanchez na naka-cross arm at nakataas ang kaliwang kilay.

“O?andito na pala ang Section Z na masyadong paspecial...” sarcastic nitong sabi at sabay namang lumingon samin ang mga students sa ibat ibang section na nagtatawanan at ang iba ay nagbubulongan maliban as Top Section.

Hindi na lang kami pumatol pa kay Miss Sanchez.Lumapit nalang kami sa kanila at umupo na.Sinundan kami ng tingin ni Miss Sanchez at nakataas parin ang kilay.Umiling nalang si Sir Albert dahil sa actions ni Miss Sanchez.

“So Since all sections are here.Shall we start?” tanong ni Miss Sanchez.

“Yes Miss!” all students answer in unison.

“Good morning Students.Here I am in front of you with my co-teacher Mr.Albert Doluza.We will announce the program for our school camping today.10 AM to 11 AM will be our game time.Bawat section ay magpaparticipate sa mga laro.Bawal ang nega dito.Dapat ay makisama kayo sa iba pa ninyong co-students.Ang unang laro ay bring me at mahuli taya.12 AM will be our lunch time.Lahat ng students ay magsisipunta sa kanilang campsite para maglunch with their assigned teachers.1 PM ay babalik kayo rito sa Playing Ground Area para sa next game natin.Ang laro ay magsisimula ng 1:30 PM to 3 PM.Ang laro sa oras na ito ay patintero,Mahuli-taya,Sack Race and Lastly find the 10 red flags na nasa loob ng kakahoyan.At ang panghuli ay sa 4 PM.Dapat nakabalik na rito lahat para sa ating dinner time.Same routine,babalik kayo sa campsite ninyo para sa inyong dinner at pagkatapos ay magsitulugan na kayo.” mahabang saad ni Miss Sanchez.Pagkatapos magsalita ni Maam ay nagsipalakpakan ang katabi ko na Students at ang iba naman ay nagbubulongan na excited na raw sila.

After the announcement ay isa-isa na kaming nagsitayuan at lumapit na sa gaming area.

“Shianna,sasali ka ba sa laro?mukha kasing kanina ka pa hindi ok eh.” rinig kong bulong ni Rian sa'kin.Tinignan ko siya at ngumiti.

“Oo naman Ria.Sasali ako,ako lang ang nag-iisang babae sa Section natin tapos hindi ako sasali?Ayoko non.” I replied and smiled at him genuinely.Ngumiti lang ito sa akin at sumunod na laming maglakad sa iba pang students.

Irene's P.O.V

This day will be the right day.I broke up Ivan for his sake.I know nagseselos siya everytime nalalaman niyang magkasama kami ni Ivan,and I know very well too that he wants me back to his life.Ako rin naman,miss na miss ko na rin siya.Gustong-gusto ko siyang yakapin everytime nakikita ko siya pinipigilan ko ang sarili ko dahil kami pa ni Ivan sa mga oras na iyon.But now?no one can stop me.

I will bring you back to my life Tristan..
Walang makakapigil sa akin kahit pa ang section Z at mas lalo pa ang Shianna na yan...

Eerrrrgg!!!umiinit talaga ulo ko lagi dahil sa Shianna na yan.Palagi niya nalang kasama ang Section Z,means she's always with my man.

“Hey Irene,are you ok?” I turn my gaze to Charity and smiled at her sweetly.

“Of course Charity I'm always fine.” I asnwered.

“You sure?” si Irish naman ang nagtanong.Lumingon ako sa kaniya ang ngumiti ng matamis.

“Don't worry girls.Palagi naman akong ok diba?” sagot ko sa kanilang dalawa.Ngumiti sila sa'kin at hindi a nagtanong pa.

I'm fine,I'm always fine.And I will 100% fine once Tristan will be mine again...

Sabi ko sa sarili ko at ngumiti pagkatapos ay lumapit na sa mga students na naghahanda na para sa first game na patintero.

|A Q U A V I A M O U R|
[TOGOSZ]

S1:The Only Girl of Section Z | COMPLETEDWhere stories live. Discover now