003

12 2 0
                                    

Kinabukasan...

Nagising ako ng naramdaman ko ang sikat ng Araw na tumatama sa aking Mukha kahit tumayo ako at naglakad papunta sa bintana upang isarado ito.

Bumalik ako sa aking kama at ipinagpatuloy ang aking pag-tulog.Muli ay naramdaman ko nanaman ang sikat ng Araw na tumatama sa aking magandang pagmumukha.

Isinarado ko na ito ah bakit bukas bumukas nanaman ulit...

Hinayaan ko na lang na nakabukas Ang bintana at nagtalukbong ng kumot Hindi pa naman ako nakakabalik sa pag-tulog ko ng may sumigaw.

"ANO BA?! HINDI KA PA BA TATAYO RIYAN AT MAG AYOS?!ABA TUMAYO KANA RIYAN DAHIL NGAYON NA ANG ALIS MO!!" Dahil sa pagka-bigla ko sa pag-sigaw nya dali-dali akong tumakbo sa Banyo.

Dahil kung hindi pa ako tatayo malalagot ako Kay Auntie Stheno nakakatakot pa naman siyang Magalit.

Pag-labas ko sa banyo wala na si auntie Stheno at nakasarado na Ang bintana ko.Dali-dali akong nag bihis ng fitted black dress na isang dangkal lang ay nasa tuhod na nag suot din ako ng coat na kulay itim na lagpas tuhod at above the knee boots syempre kulay itim din at nag lipstick na kulay itim at kumuha ng isang shade nilagay ko ito sa bulsa ng coat ko susuotin ko ito mamaya.

Pag-labas ko ng aking kwarto dumiretso ako sa hapag kainan nakita ko Kase sila ruon nag sisimula ng kumain.

"Kaliméra mamá, theía" (Magandang Umaga Ina, Auntie) Pag-bati ko using Greek language at isa-isa silang hinalikan sa pisnge ngumiti lamang sila bilang tugon.

Pumunta na ako sa upuan ko at nag-simula na ring kumain."Ganda mo be" Papuri ni auntie Euryale na nakatingin sakin ng nakangiti.

"Salamat auntie Euryale" Pagpapasalamat ko sa kanya Pagkatapos nun wala na ni-isa samin ang nag-salita ganito talaga kami kapag kumakain tahimik lang ang tanging nag-bibigay ingay lang ay ang mga kubyertos namin.

Nang matapos na kaming kumain inaya kami ni Ina na pumunta sa Sala para ruon raw mag usap.Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan kaya Hindi na lang ako kumibo

Umupo ako sa single sofa gayun din sila naunang nag-salita si Auntie Sthe kaya napatingin ako rito.

"Ikaw ba Pamangkin ko ay sigurado na sa desisyon mo yan ah?" Mataray na tanong ni auntie Sthe ngumiti muna ako Bago sumagot.

"Opo auntie"

"Oh? Sigurado na pala siya eh,Tsaka  Wala naman tayong magagawa kahit pigilan pa natin siya" untie Eu lalo akong napangiti sa sinabi ni auntie Eu Tama naman kase eh kapag gusto ko gusto ko walang makakapigil saakin kahit si Ina pa hehe.

"Kasalanan mo Kase to eh!hayss" Paninis ni auntie Sthe pero itong si auntie Eu bineletan lang siya nito napa buntong hininga na lang si auntie Sthe at muling nag salita.

"Madison Hindi manggiging madali ang Buhay mo ruon lalong-lalo na ruon din namamasukan Ang mga anak at Tagapagmana ng mga Diyos at Diyosa kaya mag iingat ka ruon hmm" bilin ni auntie Stheno lalo akong napangiti ng natanggap na niya na duon na mag-aaral.

"Tama ang auntie Sthe mo pamangkin ko mangging alisto ka at wag paiiralin ang panggiging Tanga okay?" Pagsang ayon ni auntie Euryale na ikinasimangot ko kaya napatawa sila

"Tama sila anak" si Ina, humarap siya sakin at sinenyasan Niya ako na lumapit sakanya paglapit ko mahigpit na yakap ang naramdaman ko lalo ako napangiti sa ginawa ni Ina.

"Mag-iingat ka duon ah, lalo na't wala kami sa tabi mo pero alam ko naman na kakayanin mo anak basta may tiwala ka lang sa sarili mo.Wag  mong hahayaan na kontrolin ka ng Galit mo hmm." Malambing na sabi ni Ina habang hinahaplos ang aking buhok.

Medusa's DaughterWhere stories live. Discover now