004

11 1 0
                                    

Pagpasok ko namangha ako sa mga nakikita ko ngayon mas maganda pala rito sa loob maganda naman sa labas ng school kase maraming nakapalibot na mga halaman at bulaklak pero mas maganda rito sa loob Kase andaming kumikislap na mga bagay pero nasusuka ako sa mga kulay. Iww

Aking muling pinagmamasdan ang buong school at imini-memorize ang bawat parte ng skwelahang ito at nagpatuloy sa pag-lakad.

Papunta ako ngayon sa Headmaster's Office para mag rehistro wala rin akong nakikitang istudyante na pakalat-kalat dito siguro sila ay nasa dormitory dahil hindi pa ang oras para sa dinner.

Nang makarating ako sa Headmaster's Office kumatok Muna ako bago pumasok Kase yun Ang turo ni Ina sakin pero ito na Ang last na gagawin ko ito.

Naabutan ko ang isang lalaking may kayumangging buhok Pati na rin Ang balat nito siguro na 40's na ito.Nakaupo ito at busy ito sa mga papeles niya Hindi niya pa ako tinatapunan ng tingin kaya ako na ang unang nagsalita

"Narito po ako para mag rehistro" tamad kong sabi rito nakuha ko ang kanyang atensiyon napatulala Muna ito sakin Bago ngumiti

"Ganon ba binibini osige heto sagutin mo lang iyan para mangging official kanang ma-aaral dito" sabay bigay niya ng papel.kulay ginto Ang kanyang biluging mga mata sino nga ba sa mga Diyos Ang may ginto na mga mata.Tinignan ko ang Registration Paper na binigay niya.

Name: Madison Ellis

Age:19

Birthday: January, 12, 2***

Live in Odin

Name of mother: N/A
Deities: N/A
Abilities:N/A

Name of Father: Omar Ellis
Deities:  N/A
Abilities: Hunter

Deities: N/A

Abilities: Hunter

Motto: I hate Deities

Pagkatapos kung sagutin ibinigay ko ito sakanya binasa niya ito at nakikita ko sa Mukha niya ang pagtataka, Sino ba naman ang Hindi mag tataka diba.Tsk.

Ako ay napakunot noo sa sinabi Niya

"So anak ka pala ni Omar Ellis ang isa sa mga pinakamagaling na Hunter noon Hmm..." Kilala niya si ama, Oo dating pinakamagaling na Hunter si ama noon kahit ito ay Purong Mortal.

So kilala niya si ama?.Psh Madison Sino bang Hindi makakakilala sa ama mo eh siya ang kaisa-isang mortal na napili ni Diyosang si Artemis bilang isang pinakamagaling na Hunter noon.

Hindi na siya muling nag-salita at may kinukuha siya sa ilalim ng table niya habang hinihintay siya pinagmamasdan ko ang kanyang opisina pangkaraniwang opisina Ang meron siya tulad ng kanyang mga mata ay ganoon din Ang kulay ng opisina niya.

Napatingin ako sa kanya ng bigla itong mag salita

"So Ms.Ellis ilalagay kita sa Beta Class at itong ang schedule mo at ang itong dorm key may makakasama ka doon 2 babae nasa dorm mo na rin pala ang iyong school uniform at ito Ang iyong Silver Pin patunay na dito kana nag aaral "Sabi Niya sabay bigay ng maliit na papel, Yung Silver Pin ko at susi.

"Headmaster gusto ko Sana na wala akong kasama sa dorm gusto ko ako lang mag-isa tsaka nasa tradition namin na bawal magsuot ng ibang kulay na damit maliban sa itim, ginto, pilak kabastusan ito para sa mga auntie ko" Pakiusap ko sa kanya na ngayon ay mariin na nakikinig saakin

"Ganon ba Ms.Ellis okay sige pagbibigyan kita sa nais mo pero Sana kapag dumating ang Araw na kakailanganin ko Ang tulong mo eh sana pagbigyan mo rin ako" Sabi niya wala naman akong magagawa kaya tumango na lamang ako na ikinangiti Niya.Ibinigay ko sa kanya Ang susi at pinalitan Niya ito ng bago.

"Okay it's settled.Nga pala ako si Headmaster  
Felix Lopez the only son of Helios

Welcome to Olimbos University Ms.Ellis"

A son of a titan huh.

Helios the sun god, sometimes called a Titan. He drove a chariot daily from east to west across the sky and sailed around the northerly stream of Ocean each night in a huge cup.

Walang sabi ako lumabas sa opisina niya at nag teleport sa labas ng Girls Dormitory.Nasa East ang mga Dormitory hiwalay Ang dorm ng girls sa boys naglakad ako papasok ng dormitory ng girls at hinanap ang dorm ko 1203 Ang number ng room ko

Nasa third floor na ako hindi ko pa rin Makita ang dorm ko.kainis naman!

4th Floor...

5th floor...

6th Floor..

7th Floor

8th Floor

9th Floor

1201,..

1203,..

And gotcha!Sa wakas na hanap ko narin ang room ko my god akala ko dito na lang ako sa hallway matutulog.

Pumasok na ako sa dorm ko kulay pula ang pinto at ayoko sa pula kaya pinalitan ko ito ng itim.Ako lang ang naiibang pinto sa lahat ng floor na ito dahil halos kulay pula lahat tsk!.

At naasiwa ako sa kulay ng dorm ko sa loob!Halos pink!at ayaw na ayaw ko sa pink!!!!kaya pinalitan ko ito ng itim.Lahat itim wala akong pinalagpas na gamit!.

Ang dorm ko ay may kusina, Sala, 1 Cr , tapos 2 kwarto pumasok ako sa isang kwarto may queen Size bed, Cabinet, Study table, May bangyo rin, Tapos may chandelier pa sa itaas naka tiles din.Ang kaso Kulay pink rin!! Pinalitan ko nalang ng itim na kulay!!.

Tsk.

Inilapit ko Ang porselas na suot ko sa aking bibig at nag salita.

"Paki-labas lahat ng mga gamit na inimpake ni auntie Stheno" tamad na utos ko rito at halos mapanganga ako sa sobrang dami ng mga gamit na inimpake ni auntie may 4 na malaking maleta tapos may mga paper bag pa ito yung binili ni auntie Euryale sakin sobrang dami.at dahil nga tamad ako in just a snap nasa cabinet na lahat ang mga gamit ko.

Humilata ako sa kama ko Hindi na ako nag atubiling mag palit ng damit dahil sa pagod.
Hindi na rin ako kakain, bukas na lang busog pa naman Kase ako.

Dahil sa sobra pagod Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako...

Zzz...

.

.

.

-------------------End of the Chapter 4-------------------


Medusa's DaughterМесто, где живут истории. Откройте их для себя