001

21 1 0
                                    

Madison's POV

Papunta ako sa bundok ng Samara kung saan nakatira ang Tatlong mag kakapatid na Gorgon's doon Kase naninirahan ang aking Ina hindi ko alam kung bakit mas gustong manirhan ni Ina sa bundok ng Samara e pwede naman siyang tumira sakin.

Ang bundok ng Samara ay isa sa mga mapanganib na bundok dito sa buong Rohana.Dahil dito naninirahan ang mga pinaka makamandag na ahas at syempre ang Tatlong mag kakapatid hindi ka basta basta makakalabas dito ng Buhay kaya wala ng nagtangkang pumunta rito.

Sa entrance pa lang siguro ng bundok na iyon ay tigok ka na hehe syempre may nag aabang ng mga pinaka makamandag na ahas eh.Hindi ko napansin na malapit na pala ako sa bundok ng Samara.Nalalanghap Kuna Kase ang Amoy ng bundok na ito mabaho ang Amoy pero saakin ay mabango kaya lalo akong nae-excite hehe.

Ala una na ng tanghali ako umalis sa Bahay at alas otso na ng gabi pitong oras Bago ka makarating sa bundok ng Samara kapag naglakbay ka.Ang Bahay ko Kase ay nasa sentro ng Odin, Ang Odin ay isang malaking gubat Tatlong oras Bago ka makalabas kasunod naman ng Odin ay ang Rigor malawak din ito apat na oras Bago ka marating sa bundok ng Samara.

Wala akong bitbit na gamit maliban na lang sa Potion na ginawa ko ng limang buwan na dapat ay ilang taon mo pa matatapos dahil nga isa raw akong genius sabi nila limang buwan ko lamang ito natapos ipapainom ko ito Kay ina. Mahirap Kaseng hanapin ang mga ingredients nito at ang iba naman ay rare pero para sakin madali lamang itong hanapin at gawin syempre ako pa ba.hehe

Nasa Entrance na ako ng Bundok ng Samara pero hindi ako papasok diyan gagamit ako ng isa sa mga ability na meron ako ang teleportation kaya mapapadali na lamang saakin ito.Kaagad akong nag teleport sa kweba kung saan nakatira ang aking Ina.

Excited akong pumasok sa loob ng kweba unang bumungad sa akin ang mga pinaka makamandag na ahas ng Makita nila ako sila ay na siyuko

"Sss...sss...sss....sss....sss" (Magandang Gabi mahal naming prinsesa)

"Magandang Gabi rin sa inyo.Lalo kayong lumaki ah"

"Sss...ssss...sss....sss..." (Maraming salamat po sa iyong papuri mahal na prinsesa, nag hihintay na sainyo Ang iyong Ina) Pag papasalamat ng ahas

"Ganon ba sige tuloy na ako bukas na lang Tayo mag kwentuhan ah, Dating gawi Paalam" Pag papaalam ko sa mga ahas kaya yumuko na lamang ang mga ahas bilang tugon.

Nag patuloy ako sa pag lakad sa bawat gilid na dinaraanan ko may mga nakatayong rebolto ng tao ang mga Nagtatakang patayin si Ina.Makikita mo rito ang mga reaksyon ng mga rebolto may nakanganga, may naka TaaS ang kamay dahil siguro sa bigla, at may natatakot na reaksyon.

Pag dating ko sa tore kung saan naninirahan ang si ina pumasok ako loob at nadatnan ko ito na nananahi ng mga damit habang ang mga auntie ko ay nakahiga sa malaking-malaki na sofa Tig isa sila.Mukhang hindi pa nila ako napansin dahil nakatulala sila sa kisame mukhang nag bibilang ng mga alikabok.

"Kailan kaya darating ang napakaganda kong pamangkin namimiss ko na siya" Nakatulalang Saad ni Auntie Euryale

"Hayy oo nga eh miss ko na rin pati yung mga Potion niyang palpak" Saad naman ni Auntie Stheno kaya napabusangot na lamang ang aking Mukha sakanyang sinabi

Medusa's DaughterWhere stories live. Discover now