Hindi ba ito busy? Walang pinagkakaabalahan?

Good day!!!!!!!!! Maraming exclamation point kasi wala, happy ako today. Kumusta?

Bumuga ako ng marahas na hangin saka parang tangang tumawa nang binasa iyon. Nilapag ko ang ballpen na hawak saka sumandal sa upuan at napatakip sa bibig na parang illegal ang ginawang pagtawa.

How could he do that? Aware naman akong walang nakakatawa pero iba kapag siya? Wala rin namang joke tapos ang simple lang naman ng pag-construct ng sentence. Sumobra lang naman sa exclamation point. Nothing funny but I can hear the giggles of myself.

Wala. Ganito siguro kapag gusto ang tao. Everything is funny. Everything is laughable for no reason.

Four did that to me.

Fine as always. Bakit?

I waited for his reply. Hindi pa nga yata umabot ng isang minuto nang magreply ito ulit sa akin. Hindi ko alam kung anong trip niya. Basta-bastang nagcha-chat kahit wala namang kailangan?

Free ka today? Pwedeng punta ka rito malapit sa school? Di kami makatakas ni Dos amp.

Ha? Bakit ako? Bakit kailangang ako ang pumunta? Para sa anong rason?

Hindi pa nga ako nakakareply ay sinend na niya sa akin ang picture kung saan ang tinutukoy niya. Hindi ako pamilyar pero mukhang malapit lang sa eskwelahan. Ganitong oras kaya bakit kailangan ang presensya ko roon?

I didn't ask for some questions. Pumayag na lang ako since lalabas naman ako pagkatapos dito. Siguro mamimili ng kaunting makain. Walang stocks na kasi kaya medyo nasa timing naman siya.

Madalian ko lang na tinapos ang ginagawa tapos nagbihis na lang kinalaunan at umalis ng bahay. He keeps on chatting me while commuting. Hindi na lang ako nagreply dahil mukhang atat na atat itong makarating na ako sa kung nasaan nga sila ni Dos.

Kasama nga niya si Dos pero bakit pati ako kailangang naroon? Ano? Para makibonding sa kanila? Hindi naman niya sinabi sa akin kung bakit naroon sila. Sadyang pupunta lang daw nga ako.

Pagkarating ko roon ay saglit akong nanibago. The black exterior of the establishment gives me the vibe of something I cannot explain. Tirik na tirik ang araw kaya't sumilong ako sa lilim na naroon.

I chatted Four. Ang sabi ay pumasok lang daw ako dahil malapit lang naman daw sila sa entrance mismo. Gusto kong mag-inarte dahil parang nanloloko ito. I wanted to go somewhere and buy some stuffs but there's something inside me that has will to just go inside and find out everything.

Huminga ako ng malalim habang mahigpit na hawak ang bag na dala. Backpack kahit walang masyadong laman. Without thinking what I might see inside, I opened the door and the thing that welcomed me first was the loud noise and the music itself. Ear shattering.

Napatakip ako sa tainga saka mabilis na hinanap kung nasaan sina Four. Malapit lang daw sa entrance, eh. And why on Earth they're celebrating some party this time? Talagang hindi gabi? Uso ba 'yon?

Maraming tao tapos mukhang lasing ang iba. Napangiwi pa ako nang makita ang pasuray-suray na isa habang papunta sa kung saan. People nowadays are into alcoholic things. Pati na rin si Four. Tss.

I messaged him immediately. Hindi ko yata kakayaning nandito nang matagal. Sabi na nga ba't masama ang kutob ko rito, eh. He invited me here for god's sake! Tapos syempre ako, pumunta naman kasi nga ayokong naghihintay iyong tao.

I guess I have my fault since hindi nga ako nagtanong ng kumpleto sa kanya. Okay, I should blame myself for this. Mga late realizations ng sarili.

Ilang sandali pa siguro akong nakatayo roon nang madinig ang sigaw nito. Umangat nang dahan-dahan ang tingin ko sa kung saang direksyon nanggagaling ang sigaw niya.

Wildness of the Calm Seas (CSM Series 1)Where stories live. Discover now