Ruin

17 5 0
                                    


"Kain na." Nakangiting sambit ko kay Ian.

Ngunit isang tango lang ang natanggap ko mula sa kanya.

Napabusangot ako pero agad akong umiling staka agad na tumakbo papalapit sa kanya tsaka ko ipinulupot ang braso sa braso nya.

"Labas tayo? Hmm? Anniversary na natin bukas. Hindi mo naman siguro nakalimutan no?" Panlalambing ko sa kanya.

Kampante naman ako na hindi nya nakalimutan, siguro nung last year lang medyo pagod sya kaya nakalimutan nya.

Laging sya ang nag hahanda ng lakad namin para sa ganitong okasyon pero hindi nung last year. Ako yung naghanda at nag effort non. 

Naalala ko pa kung ganong pagod at effort ang ginawa ko non.

Hindi sya sumagot ngunit agad nyang inialis ang braso ko mula sa kanya tsaka nya ko hinatak papalapit sa kanya at agad nyang ipinulupot ang braso nya sakin. 

Ang pagyakap nya sakin ng mahigpit ay nagdala sakin ng kung anong bigat.

Matapos nung anniversary namin last year ay naging tahimik na talaga sya, hindi na rin sya umaalis ng bahay at naging malayo ang loob nya sakin ngunit madalas ay bigla nya nalang akong yayakapin habang nakangiti.

Hindi ko alam kung anong problema nya pero ayoko rin namang magtanong. Sasabihin nya naman yon pag ready na sya.

"Tama na... Okay lang ako." Agad akong napatingala sa kanya ng sabihin nya yon.

Naramdaman ko ang pagdampi ng palad nya sa pisngi ko, dun ko lang nalaman na umiiyak na pala ako.

"I-Ian..."

Agad na nakaramdam ako ng kirot sa dibdib nang muli syang ngumiti.

Ian...

"Hindi ako galit, naiintindihan kita."

Napakunot noo ako. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya.

"Ian ano---"

"Hindi kita sinisisi kaya tama na. Patawarin mo na rin ang sarili mo. Maging masaya ka ulit. Tanggap ko. Wag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan. Feya... Palayain mo na ang sarili mo---"

Agad ko syang tinulak papalayo sakin.

Galit ko syang nilingon.

"Ano bang sinasabi mo?! Hindi kita maintindihan ih! Kung iniisip mo na napipilitan lang ako sa relasyon na to pwes nagkakamali ka! Ian! Ano bang problema?!" Agad nagsibagsakan ang mga luha ko.

Sa isang taon na dumaan simula ng magbago sya ay ngayon na lang ulit kami nakapag usap ng ganito katagal, ang malala pa ay purong pasigaw. Hindi kami nagkakaintidihan.

Wala akong naiintindihan.

"Feya..." Malungkot nyang smabit.

"Ian... please naman, bumalik kana. Yung dati, bumalik na tayo sa dati." Nagmamakaawang sambit ko ngunit tanging pag iling ang iginanti nya.

"Hindi pwede... Hindi na pewde."

Agad akong napalunok.

Ano bang problema? Hindi ba kami okay?

"Anong hindi na pwede? Ipaliwanag mo kasi hindi ko naiintindihan!"

"Hindi mo ba naaalala?" Mahinang sambit nya.

"Anong---"

"Wala na ko Feya."

Agad akong nanlamig sa sinambit nya.

Ruin (One-Shot)Onde histórias criam vida. Descubra agora