000

44 3 0
                                    

"Ina ayaw ko pa pong matulog, hindi pa po ako inaantok eh" Pag susumamo ng isang batang babae sa kanyang ina Na nasa siyam na taong gulang

"Anak naman dis oras na nang gabi ayaw mo pang matulog? Gusto mo bang isumbong KITA sa iyong ama ah?" Pananakot ng kanyang ina natahimik naman ang batang babae sa sinabi ng kanyang ina sapagkat alam nito na hindi magugustuhan ng kanyang ama kapag ito ay sumuway sa kanyang ina.Kaya napa haba na lang kanyang mapupulang labi sa sinabi ng kanyang ina

"Opo Ina matutulog na po ako pero po..."Pabitin na pakikiusap nito sa kanyang ina kaya napa kunot noo na lamang ang Ina nito isip isip ng kanyang ina na Matutulog na lamang ito may pakiusap pa aba iba rin to ah!

"At ano naman iyon?" Masungit na tanong ng kanyang ina sa kanya kaya napa hagikhik ang batang babae sa reaksyon ng kanyang ina.

"Kwentuhan niyo po ako tungkol sa isinumpa ng Diyosang si Athena" galak na sagot nito sa kanyang ina kaya napa kunot noo muli ito.

"Sinong tinutukoy mo na isinumpa ng Diyosang si Athena?" May halong kabang tanong nito sa kanyang anak kaya napa isip ito dahil parang alam na nito ang isasagot ng kanyang anak

Wag mong sabihin

"Si MEDUSA Ina!" Masayang sagot nito sa kanyang ina "alam niyo ba Ina lalo akong nagagalak na marinig ang kwento ni MEDUSA Kase po kapangalan niyo po siya pero mas maganda pa po kayo doon hehe" pag papatuloy na may halong pambobola na sabi sa kanyang ina kaya napangiti na lamang ito sa itinuran ng kanyang anak

"Nambola kapa alam mo naman na hindi KITA matiis pero sige kwe-kwentuhan kita Bago ka matulog pero anak saan mo naman narinig yan ah?" Tanong nito sa kanyang anak na ngayon ay kung saan saan dumadako ang napaka gandang asul nitong mata

"Narinig ko po kayo ni auntie Euryale nung isang Araw na naguusap tungkol Kay MEDUSA Ina tapos po na banggit niyo rin po na isinumpa siya ng Diyosang si Athena pero hindi ko po alam kung bakit at anong sumpa po iyo Ina sapagkat umalis rin po ako Kase hindi niyo po magugustuhan kapag nakinig ako sa usapan ng matatanda" mahabang sabi nito habang nakayuko at nilalaro ang kanyang mga daliri kaya napa buntong hininga na lamang ang kanyang ina

"Okay sige humiga kana sa iyong higaan at mag kwe-kwento na ako" kaya nag madaling pumunta ang batang babae sa kanyang tulugan dahil sobra ang galak nito na marinig ang kwento ni MEDUSA na kapangalan ng kanyang ina.humiga na ito at nag hihintay na mag kwento ang kanyang ina na nakatayo sa harap niya

"Noong unang panahon may isang babae na nagngangalang Medusa na may kakaibang ganda na naninirahan sa bayan ng Athens siya.Si Medusa ay ipinanganak na may kakaibang kagandahan kaya kahit saan man ito mag punta siya napupukaw ng dalagang ito mga puso ninuman..." Pag putol ng kanyang ina sa kwento tumingin ito sa kanyan anak at umupo sa tabi Niya at hinahaplos ang kanyang nakakahumaling na itim na Hanggang balikat na buhok.

"Si Medusa ay mayroon na mapang akit na itsura siya rin ay inosente,malinis at dalisay sapagkat hinahangaan nito ang Diyosang si Athena.Kaya napag pasyahan ni Medusa na mangging isang paring babae sa templo ni Athena madali lamang itong mangging paring babae sapagkat siya ay birhen at may kadalisayan

Medusa's DaughterWhere stories live. Discover now