THE AGONY OF LOVE 2

Magsimula sa umpisa
                                    

She sighed. It's been six years since she left him without an explanation. Selfish na kung selfish but it's the only way para maiwasan at masaktan nila ang isa't-isa. Yon lamang ang alam niyang solusyon. Though, she hurt him sa ginawa niyang desisyon pero mas masasaktan niya ito kung papatagalin pa nila ang kanilang relasyon. Alam niyang kakamuhian din siya nito kapag nalaman nito ang totoo, ang pinakatago-tago niyang sekreto.

Sinundo siya sa airport ni Mang Simon, he's the family driver since she was a kid. Hindi niya pinaalis ang mga ito kahit anong financial status ang dinanas nila sa pamilya. Dahil pamilya na rin ang trato niya sa mga kasambahay o kasamahan sa bahay. Para na rin niyang ama ito. Asawa nito ang nanay Cecil na matagal na rin niyang katiwala at dakilang yaya noon. At bilang ganti sa kabutihan nila pinag-aral niya si Charmel sa isang university sa kanilang lugar, ang nag-iisang anak ng mag-asawa. Dahil summer naman ngayon she was sure na nasa bahay ito nagbabakasyon.

"Tay Simon, kumusta ho kayo dito." Nagagalak niyang tanong habang nagmamaneho siya ng kotse. Sumulyap siya sa salamin at ngumiti.

"Ganoon parin, Louise. Okay naman kaming lahat. Ikaw? Kumusta ang buhay London?" Pangungumusta nito.

"Okay, survived kahit papa'no. Madami kong pasalubong sa inyo. Si Charmel? Nasa bahay ba?" She's like a sister to her. Nananabik na rin siyang makita at makakwentuhan ang batang 'yon.

She's smart and pretty. Gusto niyang ma-enhance ang galing nito sa ibang bagay. She's music inclined. Kaya naman she enrolled her in a musical school. Charmel is only eighteen at magaling na magcompose ng music. Kaya ang lage niyang gift sa dalaga ay mga musical instruments. Last year lang pinabilhan niya ito ng piano. Kaya naman mas lalo itong na-iinspired sa pagtugtog ng musika.

"Naku Louise dahil sa pagspoiled mo sa batang yon, hindi na halos makaalis sa pyesa niya. Lageng nakaharap sa mga instrumento." Hindi naman maikakaila sa boses ng ama ang pagiging proud nito sa talented daughter.

She smile, "Hayaan niyo na po. Kaysa naman ibang bagay ang pagtuunan niya ng pansin. Iba na rin kasi ang mga kabataan ngayon. I'm so happy na nanalo siya sa isang open musical competition. Sayang hindi ko siya napanood personally. Pero nasa akin naman yong video." Nakangiti niyang pagsishare.

Nagkukuwentuhan parin silang dalawa hanggang sa makarating sa bahay. Agad naman silang sinalubong ng kanyang Tita Lusana, nanay Cecil at Charmel.

"Ate Louise!" Charmel hug her tightly then gave her quick kisses on her cheeks. Gumanti rin siya ng yakap dito at masaya silang pumasok sa loob.

Nang makita niya ang ama sa wheelchair nito ay naiiyak niya itong niyakap. Hindi man ito nakakapagsalita, nararamdaman naman niya ang emotional nitong pinagdadaanan nang masilayan siya. May namumuong butil ng luha sa mga mata nito at marahan niya itong pinahid.

"Dad I'm home... well, at least for now." Naiiyak at natatawa siyang nakangiti dito.

She knows how he hates seeing her crying like this. Kaya naman dinadaan na lang niya sa konting biro at tawa. Pero hindi rin maikukubli ang luha ng pait sa sitwasyong nakikita niya ang ama sa ganitong kalagayan ngayon.

"I miss you, Dad. I love you so much. Pagaling ka hah?"

***********************

After the emotional scene kanina, nauwi sa masayang biruan at kwentuhan sa hapag kainan. Everything went fine. Lahat masayang nagsalo-salo. She treat all of them as her family kaya kahit kasambahay kasabay niya itong kumakain sa lahat ng oras ng pagkain. Ayaw niyang iparamdam sa kanila na amo siya. She doesn't put a gap. Hindi niya kailanman ipinaramdam na iba siya sa mga ito, kesyo hindi niya kalebel ang mga ito or siya ang nagpapasahod. She treat them fairly with all her respect dahil hindi rin naman biro ang trabaho nila. Ni hindi nga sila tumatawag ng ma'am sa kanya dahil hindi niya ipinahihintulutan. Just by her first name, Louise or Rhean. That's how she treat them at para na rin siya nitong anak kung ituring. She was always being approachable. Nirerespeto naman siya ng mga ito as she is. Maybe they put boundaries for her, for some reasons but they are fine and comfortable with their set-up. She can hang up with them like her family and friends.

"Bukas pupunta dito si Atty. Suarez. Para malaman mo ang problema sa mga ari-arian na iniwan ng ina mo." Her Tita Lusana said.

Actually, her parents were not married kaya ang apelyido na dala niya ay sa kanyang Mama pa din. Her mother was still a single parent until she died in leukemia. She was fourteen when her mother died due to chronic illness. Her father worked in abroad to sustain her needs, until ito naman ang nagkasakit. Hindi siya umasa sa mana ng ina niya. Nagsikap siya at kahit long distance sila noon, hindi naman nagkulang ito na iparamdam sa kanya kung gaano siya nito kamahal. He's not her real father. Para sa kanya ang pagiging magulang ay hindi basehan ang blood to blood related. As long as he loves her with all his heart at tinatrato din naman siyang parang totoong anak o higit pa.

Her mother was a vagabond. She was a rebellious daughter to her grandparents dahil masyadong strict ang kanyang Lolo at lola noon. Dahil nga nag-iisang anak na babae. Nabuntis ito sa kanya at the age of nineteen. Sabi ng kinikilala niyang ama, ay isang mayamang negosyante ang nakabuntis sa mama niya, her biological Dad, pero dahil inilihim nito ang pagbubuntis, her Dad saved her Mom. Magbestfriend sila kaya inangkin ni daddy ang obligasyon pero hindi pumayag ang mommy niya na magpakasal sa stepfather niya dahil ayaw niyang itali ito and maybe for some reasons na hindi niya alam.

"Sana hindi ganun kalala ang problema ng mga properties."

The last time she knew, nagkaproblema sa pagtransfer ng mga pangalan ang buyer ng lupa nila dahil namatay na ang mommy niya bago ito naasikaso. Ang mga properties na naibenta nila noon ay nakapangalan na sa kanya na binili rin ng Dad niya for her. Pero yong mga minana, ilang parte lang ang nagalaw doon.

Huminto ang tita Lusana niya sa ginagawa at malungkot na ngumiti sa kanyang gawi.

"Nakuha na ng bangko ang ilang ektarya ng lupa sa Pangasinan, Louise. Pati ang mansion sa Quezon City."

Natigilan siya at ibinaba ang baso na naglalaman ng orange juice. Napamaang niyang tiningnan ito. The mansion na pinagawa ng Mom niya fourteen years ago ay wala na din? Oh God..

Tumayo siya humawak sa railing ng terasa. Ang tita ang pinagkakatiwalaan niya sa lahat. Dahil laon ito at hindi nag-asawa, nag-aalaga na lamang ito sa kanyang baldadong nakakatandang kapatid, her dad.

"Isinanla pala lahat ng mommy mo ang ari-arian niya sa panahong nagkasakit siya at inilihim niya sa atin. At 'yong iba ay itinaya sa pagsusugal at natalo ang mga ito sa casino."

Nalaglag ang panga niya sa narinig. Lahat? Diyos ko. She suddenly remembered how her Mom got into trouble dahil lang sa pagsusugal nito noon. Elementary pa siya noon at lage silang nag-aaway ng Dad niya dahil sa mga bisyo nito. Ang ina niya ay lango sa sugal at sa bisyong pag-inum noon. Kaya naman galit na galit ang mga grandparents niya sa ina dahil sa pinanggagawa nito noong nabubuhay pa.

"Paano itong bahay Tita? Ito na lamang ang alaala ko kay Lola at sa kanya." Maang niyang tanong dito. Matamlay itong yumuko at parang hindi niya nanaising marinig ang isasagot nito.

Napatakip siya ng dalawang kamay sa bibig. Oh God.. huwag naman sana ang bahay na ito. This house is memorable for her kahit hindi ito kasinglaki ng mansion nila sa Quezon City.

"Kausapin mo na lang ang attorney bukas, Louise. Mas mabuting siya ang magpapaliwanag ng lahat ng ito sayo."

She felt the sudden burden inside, like pasan niya ang mundo sa bigat ng nararamdaman. She is willing to pay kahit magkano huwag lang mawala ang antigong bahay na ito. Mahigit dalawang milyon din ang ginastos niya sa renovation ng bahay na ito last year tapos ito lang pala ang mangyayari? Baka isang araw na lang magigising na sila na iba na ang may-ari nito. Nanghihina siya sa kinauupuan.

Huwag naman sana hayaan na pati itong bahay ng kanyang yumaong lola ay mawala pa.

Malungkot siyang nakatingin sa kawalan. If she only knew sa ginawa ng kanyang ina noon, nasalba pa siguro niya ng maaga ang iba pa nilang mga ari-arian. Sa tatlong taon niyang script writer ay hindi padin sapat ang ipon niya to settle all the financial matters ng properties nila dahil marami siyang responsibilities plus ang mga treatment pa ng ama niya.

Napahilot siya sa kanyang batok dahil sa mga bagong natuklasang mga problema.

The Agony Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon