Kabanata 1

1 1 13
                                    

"Trein pede gang bumaba na ako, parang ayaw ko na lang tumuloy pede gang bukas na lang tayo magkita, tsaka tingnan mo ang suot ko hindi bagay dyan sa mansyon nyong bahay" Sabi ko Kay Trein na hindi mapakali

Kung kanina ay medyo malakas ang loob ko ngayon ay nawala na , lahat ata ng dugo ko ay nawala na din dahil sa kaputlaan at ang puso ko ay parang tambol sa lakas ng pagdagundong nito.

Lahat naman siguro ganito ang mararamdaman pag makikita mo ulit ang lalaking unang nagpatibok ng puso mo.

Ng dahil sa pag aalala ko sa aking nararamdaman ay hindi ko na napansin na may mga taong nagkakagulo sa may tabing kalsada na malayo layo sa hacienda azalea.

Hindi ko na napansin na papasok na pala kami sa gate ng mga Azalea.

"Ay Aria andito na tayo oh" Sabi ni Trein sabay ngiti ng malawak

Napakaganda ng hacienda azalea, napakalawak at napakalinis ,dati ay madalas akong nagpupunta pero ng dahil sa nangyari noon ay madalang na akong nagpupunta dito.

Dahil sa tuwing magpupunta ako dito ay puro sakit lang Ang naaalala ko ,ang pag iwan sa akin ng mga taong pinakamamahal ko, si nanay at tatay ay dito sa lugar na ito binawian ng buhay at dito din sa lugar na ito ako iniwan ng taong una kong minahal.

"Uyy, Aria baba na" Sabi sa akin ni Rist

Dali Dali akong bumaba sa sasakyan at sumunod Kay Trein.

Sa bawat hakbang na aking tinatahak papasok sa bahay nina Trein ay mas lalong tumitibok ng malakas ang puso ko. Parang galing ako sa takbo dahil sa bilis ng tibok nito

Nagbabatian ang mga mag Ina tsaka si Rist. May nakita akong tatlong bata na nasa dalawang taon ata ang edad, napakagwapo ng mga ito. Kamukha ni-.

Naputol ang pag iisip ko ng tinawag ako ni Trein at ni tita Marsha.

"Aria" sabay tawag Nung mag Ina

"Ahh, magandang Gabi po sa inyong lahat" bati ko

"Good evening din Aria" bati sa akin ni Tita

"Mom, oo nga pala si kuya tsaka si ate nasaan po?" Sabi ni Trein habang pinagpipisil ang mukha Nung tatlong bata.

Sa pagkarinig ko ng tanong na iyon ni Trein ay unti unti akong humakbang pabalik.

"Aria, pasan ka?" Narinig Kong tanong ni Trein

"Magpapahangin lang ako sa labas" sagot ko Kay Trein ng hindi sya nililingon.

Wala akong lakas na lingunin si Trein dahil hindi ko alam kung anong mangyayari pag nilingon ko sya.

Ilang taon na pero bakit? Bakit bumalik pa sya? Kung pede namang huwag na syang bumalik dito sa Pilipinas. Sana nanatili na lang sya kung saan sya naroroon dati, Ang dahilan ng pag iwan nya sa akin .

Hindi ko alam ang gagawin ko. Babalik ba ako don sa loob o uuwi na lang? Siguro mas magandang umuwi na lang ako.

Akmang palabas na ako ng gate ay biglang may tumawag sa akin.

Tangina talaga, alam ko kung kaninong boses iyon.

"Fica!" Tawag sa akin ni Leandro Akien

Anong gagawin ko lilingon ba ako. Tangina talaga bat ga kailangan ko pang maranasan itong gabing ito.

Sa pagtawag nyang iyon ay alam ko ng si Leandro yon dahil sya lang ang natawag na FICA sa akin.

Tangina kailangan kong lumingon para ipamukha sa lalaking ito na wala na sa akin Ang nangyari noon. Na I'm totally move on.

Night With Mr. MendesWhere stories live. Discover now