Simula

5 2 5
                                    

Kasalukuyang naglalakad ako pabalik sa aming tahanan galing ako sa puntod ni mama at papa. Ako na ata ang pinakamatapang na tao sa balat ng lupa.

Sino ang makakagawa nito? Wala kung hindi ako lang,ako lang ang taong pupunta sa sementeryo kahit gabi na. Hindi ako takot dahil patay na naman ang nandito. At saka baka pagnakita nila ako ay sila pa ang matakot sa akin dahil sa itsura ko.

Pangit akong babae,peklatin,maitim ang mga singit singit  at hindi din masyadong maganda ang pag uugali ko ayon kay tiya.

Sino ga namang tiyahin na magagandahan sa pag uugali ko? Sinasagot ko na sya eh kung nung una kinakaya ko pa ang masasakit na salita na ipinaparatang nya sa pagkatao ko pero ngayon hindi na dahil pati mga magulang ko dinadamay na nya.

Napakahirap mamuhay ng isang pangit na katulad ko, dahil yun na lang at yun ang nakikita ng lahat ng tao sayo. Hindi na nila pinapansin ang Iba mong  mga katangian.

Kahit sina mama at papa ikinakahiya ako nung nabubuhay pa sila ni hindi nila nga ako matingnan ng diretso sa mukha ko ng dahil sa peklat na nakalatay sa mukha ko

Ayon kayna mama at papa ay mga apat na taon  daw ako ng naaksidente daw ako at ito ay nag-iwan ng isang markang ekis sa aking mukha. Nakaligtas ako pero kapalit naman ng pagkaligtas kong yon ay ang pagkutya ng mga tao sa akin.

Sana lang di na ako naligtas sa aksidenteng na yon para di ko nararanasan ang mga nararanasan ko ngayon.

Dumating sa punto na pinatigil ako nina mama at papa sa pag aaral dahil nakakahiya daw ako dahil pangit daw ako.

Diba pag magulang mo sasabihan ka ng maganda ka pero ni minsan sa buhay ko  hindi ako naging maging maganda sa paningin nila.

Nagpapasalamat talaga ako kay  Senyora Trein Azalea dahil tinuruan nya ako ng mga dapat kong matutunan sa paaralan tulad na lang ng pagmumultiply,pagdidivide, pagbabasa ng English at pagsasalita na nakatulong sa akin para kahit papaano hindi ako maging Tanga.

Di nagkakalayo ang edad namin ni Senyora Trein kaya naging magkasundo din kami sa mga bagay bagay,parehas kami ng hilig. Napakabait na bata ni Senyora.

Siguro kung naririnig nya ngayon ang pinagsasabi ko baka magalit yon dahil tinatawag ko na naman syang senyora dahil ang gusto nyang itawag ko sa kanya ay Ate, dalawang taon ang tanda sa akin ni ate trein.

Sa pamamagitan din ni ate Trein kaya nakilala ko ang idolo kong si Shawn Mendes. Idol din ni ate si Shawn Mendes sya ang naging dahilan kung bakit ko naging idolo si Shawn mahluvs.

Balita ko may bagong girlfriend ulit ang aking mahluvs Shawn pagkatapos ng break up nila ni Camila Cabello. Napaka babaero talaga ng aking mahluvs.

Napatigalgal ako ng may narinig akong busina ng mga  sasakyan. Dali Dali akong tumabi sa kalsada. Napakatanga ko talaga  pano kung nasagasaan ako ng sasakyan na yon? Baka mamatay ako ng hindi pa nakikita si mahlabs.

Haist apaka Tanga ko talaga.

Nabigla ako ng lumapit ang isang sasakyan papunta sa aking pwesto. Nako baka kikidnapin ako kidnap for ransom wala namang magtutubos sa akin dahil wala naman akong Pera o di kaya'y kukuhain ang mga lamang loob ko at bibigay sa mga mayayaman.

Nako naman po, huwag naman sana po dahil gusto ko pang makita si mahluvs bago ako lagutan ng hininga.

Nanlaki ang mga mata ko ng biglang may lumabas na tao sa sasakyan.

Tatakbo na sana ako ng makita ko kung sino ang bumaba sa sasakyan. Si Rist pala yung lalaking lagi kong nakikita na nakamasid noon sa bahay nina ate Trein.

"Oyy, Aria ikaw pala yan" Sabi ni Rist habang nagugulat

"Ayy, hindi, hindi, manikin lang toh, manikin na nagsasalita" Sabi ko Kay Rist sabay Irap

Night With Mr. MendesWhere stories live. Discover now