"Nothing" Umiling siya at kinuha ang kan'yang kutsara. Hindi naglaho ang ngiti sa kan'yang labi. Kumunot ang noo ko dahil dun.

Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga kami ng kaonti bago ko pinakuha kay Manang ang cellphone at laptop ko sa kwarto. Binilhan pala ako ni Thaigo ng bagong cellphone at laptop narin para sa online class ko.

Kumakain ako ng ice cream habang nakikinig sa klase namin. Naka harap ako sa pool kaya naman hindi ko mapigilang hindi mapasulyap kay Thaigo na lumalangoy. Hindi na nga ako makapag concentrate sa klase ko kasi na didistract ako sa kanya.

Sa kalagitnaan ng discussion ay biglang tumunog ang cellphone ko.

Tumatawag si Auntie lorna

"Hello po" sabi ko

"Uy, Eris kumusta ka na?" masigla nitong wika

"ok naman po"

Napasulyap ako sa banda ni Thaigo ng huminto siya sa paglangoy

"Padalhan mo ako ng pera next month ah"

Kumunot naman ang noo ko. Sa pagkakaalam ko, buwan buwan sila pinapadalhan ni Thaigo, natanong ko kay Dion noon at alam kong malaking halaga ang pinapadala ni Thaigo sa kanila.

"Ubos na po ba ang pinadala ni Thaigo sa inyo?"

"Aba, syempre! Namili kami ng mga gamit sa bahay at nag shopping narin. Tsaka bumili kami ng malaking tv!" tuwang tuwa niyang wika

Napabuntong hininga naman ako

"Hindi ko po maipapangako na makakapadala po ako sa inyo sa susunod na buwan. Tumigil po kasi ako sa trabaho"

"Ano?!" sigaw niya sa kabilang linya "Ba't ka naman tumigil sa trabaho? Ang sabihin mo, gusto mo lang masolo ang pera ng boyfriend mo! Ano? Hahayaan mo kaming mamatay sa gutom dito?"

"Hindi na-"

"Mahiya ka naman Eris! Hindi porket nakabingwit ka ng mayamang lalake ay mag-eenjoy ka nalang diyan sa buhay prinsesa mo! Habang naghihirap naman kami dito"

"S-Sige po, gagawan ko po ng paraan" I sighed and looked at the screen of my laptop. Hindi ko na tuloy alam pinag uusapan nila

"Kelan ka magpapadala?"

"Hindi ko pa po masasabi kung kela-"

"Sino yan?"

Napahinto ako sa pagsasalita ng tumabi sa akin si Thaigo. Basang basa pa siya.

"Si Auntie" sabi ko at binaba ko muna ang cellphone para hindi kami marinig ni Auntie

"Humihingi na naman ba ng pera?" wika niya at kinuha ang puting tuwalya sa likod ng upuan ko

Hindi ko naman siya sinagot. Binalik ko muna ang cellphone sa tenga ko.

"Nakikinig ka pa ba?" inis na wika ni Auntie Lorna " At 'yong Axel, nakailang punta dito sa bahay. Hinahanap ka"

"Si Axel?" gulat na wika ko

"Oo. Mukhang mayaman din ang isang 'yon ah. Boyfriend mo din 'yon?" Bakas ang ngisi sa tono ng boses niya

"Hin-" Napatigil ako sa pagsasalita ng makita kong lumapit sa amin si Dion na may hawak na maliit na papel

Cheque?

Tinakpan ko muna ang speaker ng cellphone ko

"Ano 'yan?" tanong ko kay Thaigo ng pirmahan niya iyon

Titinignan ko pa sana kung magkano iyon pero agad niya iyong binigay kay Dion matapos niya itong pirmahan.

"Sapat na siguro yun para tigilan ka na nila"

Beautiful Mistake (Mafia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon