Chapter 6

0 0 0
                                    

JAQUIBA PALACE
-third person pov-

"Hindi parin ako lubusang makapaniwala sa nangyari kanina kanina lamang." sambit ni Craney.

"Wala binanggit sa atin ang reyna Amira na isa pala siyang reyna ng mga ganong uring hayop."

"Ngayong nakabalik na ang reyna Amira, ay mahahatulan siya ang parusa, ay possibleng makakaharap niya ang kamatayan." saad ng kasamahan nilang nag ngangalan Kasper.

"Ang reyna ng timog-silangan bumalik dito sa Jaquiba upang pagbayaran ang kaniyang nagawang kasalanan at handa siyang tanggapin ang kahit na anong parusa." sambit naman ni Warati.

"Ama? ngayong nag balik na ang aking kapatid anong balak mong gawin." tanong ni Amora.

"Kinakailangan na magpagaling ni Amira bago hatulan ng parusa at pagbayarin sa kaniyang pagtalikod anim na taon ang lumipas." sambit ng hari.

"Ngunit nababasa ko sa iyong isipan mahala na hari na marami kang katanungan." Warati.

Tumango ang hari. "Hindi maialis sa aking isipan kong paano at saang lagusan nakapasok si Amira at nakarating siya dito sa Jaquiba."

Tumango ang nga kasamahan nila. "Iyan rin ang nasa aking isipan, ang natatanging lagusan na kaniyang ninakawan ng crystal ay sarado at hindi iyon bubukas hanggat wala sa natatanging tahanan ang crystal na iyon." saad ng reyna.

"Ang lagusan ng Kagusa." Gaen.

"Kapag ikaw ay galing sa mundo ng mga tao at sa lagusan ka ng kagusa dadaan ay kinakailangan mong mag kitil ng isang tao sa mismo harap ng lagusan na iyon Gaen." Warati.

"At hindi gawain ng aking kapatid ang kumitil ng buhay ng isang inosenteng tao." Amora.

"Tama ang reyna Amora, oo at nagawang nakawin ng reyna ng TS ang crystal ng lagusan at tinalikuran ang TS noon at pinabayaan pero alam naman nating kong anong klaseng reyna ang mayroon ang taga TS." Varin.

"Kong ganoon, saan maaaring dumaan ang reyna Amira pabalik dito sa Jaquiba?" Kasper.

"Warati..." tawag ni Jirakit kay Warati na kinokontrol ang isip na alamin kong saang lagusan nga ba dumaan ang reyna Amira pero hindi magawa.

Bumuntong hinga si Warati. "Hindi magawa ng aking kapangyarihan na alamin at ipakita sa akin kong saan lagusan." saad nito na mas lalong nag bigay ng kanilang bagong kaisipan.

"Ngunit ikaw lamang may kayang gawin ang hanapin ang isang bagay o pangyayari gamit ang iyong isipan Warati, bakit ngayon tila'y hindi mo ito magagawa." Gaen.

"Kailangan nating lumapit sa kataas taasan upang alamin kong anong nangyayari sa iyong kapangyarihan Warati, kong bakit ito'y hindi gumagana." saad ng hari Alsit.

"Ngunit kamahalan, tanging kay reyna Amira lamang hindi umiipekto ang aking kapangyarihan."

"May hindi tayo nalalaman tungkol dito, may nakalig-taan tayong alamin." Jirakit.

"Kamahalan, kayo ba'y may alam sa ganitong pangyayari?" tanong ni Craney sa kamahalan.

Sabay itong umiling. "Sa matagal ko ng naging hari ng buong Jaquiba ay ngayon ko lamang ito namamataan. Pati narin ang pag-iibang kulay ng crystal ay ngayon lamang iyon nangyari." Batid ng lahat na nagsasabi ng totoo ang kanilang hari.

She's A QueenWhere stories live. Discover now