Chapter 2

0 0 0
                                    

Dalawang linggo ang lumipas ng huling maka-usap ko si Gaen. At sa loob ng dalawang linggo na iyon ay walang ibang laman ang isip ko kunde ang mga sinasabe nila.

Nandito ako ngayon sa harap ng bahay nila Peirce. At hindi ko alam kong bakit nga ba ako nandito. Tatlong linggo na kaming hindi nag-uusap.

"A-mira anong ginagawa mo dito?" bungad sa akin ng kaniyang kapatid na babae.

Ngumiti ako. "Ang kuya Peirce mo? nasaan?"

Kita ko ang pag lunok niya at pag baling ng kaniyang likod. Hindi ka magaling mag panggap bata. "A-te kasi ano..umalis si kuya bukas pa ang balik nila."

"Nila?" tanong ko.

"Ano ate..kasi..ano..ano kasi pumunta sila sa France kasama si...si mama at tsaka si dad."

Tumango ako. "Sege, pakisabi nalang na galing ako dito."

Tumango siya. "S-ege ate, makakarating po kay kuya."

Matamis akong ngumiti sa kaniya. "Batang bata kapa kaya siguro hindi kapa masyadong marunong magsinungaling."

"A-te..."

Tumawa ako ng mahina. "Okay lang Peri, wag kang umiyak naiintindihan kita." Inilagay ko sa palad niya ang maliit na box at ngumiti.

"A-te ano toh?"

Ngumiti ako. "Pakibigay nalang iyan sa kuya mo, Peri."

Namumula ang mata niya ng makita ang kong anong nasa loob non. "A-te..bakit mo isasahuli kay k-uya ito?"

Ngumiti ako. "Kasi alam kong hindi na ako, Peri. At tsaka maaaring naging kami pero hindi kami ang magkakasama sa huli. Hindi ako karapat dapat sa bagay na iyan Peri. At tsaka hindi kami pwede." maling mali ito eh, maling mali ang nagawa kong desisyon. Kailangan kong bumalik at pag bayaran ang lahat na nagawa ko.

"P-ero ate ikaw ang gusto ko para kay kuya." mangingiyak niyang sabi sa akin.

Niyakap ko siya. "Sabihin na nating gusto mo ako para sa kuya mo, pero Peri, hindi kami para sa isa't isa. Siguro pinagtagpo kami pero hindi itinadhana." dahil nararapat lang akong ikasal sa kauri ko. Sabihin na nating may isang kagaya ko na itinakda para sa akin pag dating ng tamang panahon. Pero maaari ring wala para sa akin gaya ng aking tiyahin na si Amarett. Ang dating reyna ng timog-silangan.

Tama sina Jirakit at Gaen. Isa akong makasarili. Hindi ko iniisip ang mangyayari kapag ako'y umalis doon.

Tama nga ang sinasabi nila na nasa huli na ang pag-sisi. Pero ngayon, buong tapang kong haharapin ang aking parusa para lang pagbayaran ang aking nagawang pagkakamali. Haharapin ko ang kamatayan sa pagbabalik ko sa Jaquiba.

At kong totoo mang pinagkakaila ako ng aking ama bilang anak nila ay maiintindihan ko. Nararapat lang sa akin iyon. Kaya tatanggapin ko ang kong anong parusa ang ihahatol sa akin.

Pagkatapos kong magpaalam sa kapatid ni Peirce ay dumiretso na ako sa condo ko at kinuha agad ang crystal na aking ninakaw na ngayon ay aking lubusang pinagsisihan.

Kumikinang ito at napaka ganda niya. Hindi ko lubusang maisip kong bakit ko nga ba nagawa ang pagnanakaw sa crystal na ito at ang pagtalikod ko sa Jaquiba. At ang pagtalikod ko sa gampanin ko bilang reyna ng timog-silangan.

Ama, ina, nawa'y mapatawad niyo ako sa aking nagawa. Pati sarili ko ay hindi ko alam kong bakit ko iyon nagawa, pangako, babalik ako at pagbabayarin ko ang sarili ko.

She's A QueenWhere stories live. Discover now