chap 23- hello hello

Start from the beginning
                                        

"pa-paanong nangyari ito? H-hindi ka naman gumalaw ah? S-sinong gumawa nito?" bantay 3

Nagpalinga linga pa siya sa paligid namin pero kami lang talaga.

At halla! Panoong hindi daw ako gumalaw? Eh paano ko mahihiwa ang mga leeg nila kung hindi ako gumalaw? Bubulag ng mga ito eh. Porket mabilis iyong galaw ko kanina at hindi nila nakita kasi bulag sila ibig sabihin di na ako gumalaw?

Aba?!! Di naman na makatarungan yun!! Nagsakripisyo ang mga fats at muscles ko na gumalaw para lang patayin ung dalawang kasamahan nila tapos di nila maaappreci
ate?!!

Kaka stress kayo kuya ha?!!

ZEVI'S POV

Napangiti ako nang makapasok na si Missaki sa loob ng study room.

Yosh! Ako naman ang bahala dito sa labas. Alam ninyo na baka may makakita sa mga bangkay na ito.

Oh! Speaking! Magkabilang panig pa ng hallway may mga dumating.

Tsk. Tsk. Di ba nila alam na hindi ko sila papayagang istorbohin si Missaki sa loob?

I stepped out dito sa malaking jar na pinagtataguan ko. Pumuwesto ako sa gitna nitong hallway.

Agad naman nila akong nakita at nagtakbuhan papunta sa akin.

May ilang mga bumaril pero di naman ako natatamaan. Mga nagsasayang ng bala.

Ako naman!

Inilabas ko sa bulsa nitong jacket na suot ko ang magkabilang kamay ko na parehong may hawak na baril na may silencer.

I stretched them both on my two sides.

And poof!

Bagsak na silang lahat. Ten nga pala sila. Anim sa kaliwa apat sa kanan.

Tinignan ko iyong relong suot ko.

20 seconds. Tss.

Kulang pa! Kung si Missaki ang pumatay sa kanila kota na ang 5 seconds. Max na un!

Hay sana may mga dumating pa para maka pagpraktis pa ako.

Ni reload ko ang dalawang baril na dala ko at saka ako umupo sa sahig at sumandal sa ding ding.

Sampung hakbang ang layo ko sa may pinto noong study room na may apat na bangkay.

Napangiwi ako sa naaamoy ko. Malansa.

Pero bakit si Missaki gustong gusto ang amoy na ito. Hay..

Mukhang pati ang amoy ng dugo ay kailangan ko na ring pagpraktisan na magustuhan.

Pag ibig nga naman.

MISSA'S POV

Pagkapasok ko sa study room ay di naman ako nahirapan hanapin ang pakay ko. Naandoon lang kasi siya sa table niya at may mga papel na binabasa.

Nakaharap din ang table niya sa may pinto kaya agad kong nakuha ang atensiyon niya.

"F-Fujin!"

Oh? Gulat? Sabagay di naman siya nga pala aware na pupuntahan ko siya. Hihi

"hello po! Kamusta!"

Oh ha! With kaway kaway pa yan. Mabait naman ako at marunong akong mangamusta ano.

"a-anong ginagawa mo dito?"

Oh? Why so kabado?

"Ugh!!" daing niya.

"ooops! Sorry po! Nadulas!"

Agad akong lumapit sa kanya at tinanggal ko iyong Ninjato ko na bumaon sa kaliwang kamay niya.

THE END OF THE GAMEWhere stories live. Discover now