The White Curse

28 1 0
                                    


Note: Excuse my grammatical error at baka nagkamali rin ako sa ibang information. I am not a writer. Ginawa ko lang ito para ma-refresh lagi sa mga details about VentreCanard's Vampire world dahil maraming stories ang connected dito at invested talaga ako.

Their might be confusing parts as I only prioritize important informations in writing the summary. If you are confused or wants to ask for clarification, feel free to ask me in the comment section. I will try my best to recall small details I didn't put here and answer you.

~~

The White Curse

Si Kalla ay isang alipin sa imperyo ng Lodoss. Alipin siya ng prinsesang si Theresa na lagi siyang pinapahirapan at pinapagawa ng mga takdang aralin nito.

Isang araw ay bumisita ang Hari at Reynang Gazellian sa kanilang kaharian. Nabubog si Kalla dahil kay Theresa nang pinaligpit nito ang mga hinagis nitong kubyertos na nabasag.

Bumaba si Kalla at nakita si Reyna Talisha na kasama si lumps, ang alagang kuneho ng reyna. Nakita ni Reyna Talisha ang sugat kaya ginamot niya ito. Dumating ang hari at nawili din ito kay Kalla. Nakita ni Theresa ang nangyari at nainggit.

Dahil sa inggit ay sinaktan nito si Kalla hanggang sa magpakita ang isang embargo na mula lamang sa ilusyon ni Finn. Nakita ito ng hari ng Lodoss at sinabing hindi na makakabalik ng buhay ang mga taga Parsua dahil nalaman nito ang kapangyarihan ng prinsepe. Hindi ito nangyari nang ginamit ni Kalla ang kaniyang kapangyarihan ng hindi niya alam.

Sinabi ni Kalla sa pagkakataong iyon na sana'y hindi maalala ng lahat ng nakakita ang nangyari at iyon ang naganap. She possessed the power of 5 mythical wishes that allows her to make her wishes from her heart come true.

Nasilayan ni Haring Thaddeus ang lahat at nalaman ang kapangyarihan ni Kalla. Sinabi nitong matagal na niyang hinahanap ang bampirang nagtataglay ng ganitong kapangyarihan.

King Thaddeus whispered something to his son, Finn, asked him to bite on Kalla's wrist. Ito rin ang pinagawa ng hari kay Kalla. They were mated at that point. King Thaddeus used his powers na siyang naging dahilan para makalimutan nina Kalla and Finn ang mga nangyari.

Kalla woke up in her bed. Nasa hapag ang mga bisita mula sa Parsua at nagtaka naman si Finn kung paano nalaman ng ama na sumama siya. Sa hapag-kainan ay dumating si Kalla at naagaw ng kaniyang presensiya ang atensyon ng hari at reyna.

Ito namang si Theresa ay hantarang nagsinungaling at sinabing matalik niyang kaibigan si Kalla at siya pa ang nagtuturo nito ng mga bagay at pinapahiram niya ang kaniyang mga libro rito. Sinang-ayunan ito ni Reyna Talisha maliban kay Finn at King Thaddeus na nanatiling tahimik. Mananatili ang mga taga Parsua doon ng dalawang Linggo.

Isang araw ay pumunta si Finn sa silid-aklatan kung saan andoon si Kalla. Inutusan niya si Kalla na sagutan ang kaniyang mga takdang-aralin at tinakot pa itong susunugin ang silid kung hindi siya nito susundin.

Mangiyak-ngiyak ni Kalla na sinagutan ang takdang-aralin ni Finn. Nagulat naman si Finn dahil umiyak ito kaya sinubukan niya itong patawanin. Sinabi ni Kalla na lahat ng mga maharlika ay pinagkakaisahan siya. Narinig naman ni Finn ang boses ng ina kaya't pinatahimik niya sa pag-iyak si Kalla dahil nasisiguro niyang pagagalitan siya ng ina.

Sinabi ni Kalla na gusto niyang makita ang ama at gamit ang kapangyarihan ni Finn ay lumabas ang ama ni Kalla na nagbiling mahalin at ingatan ang ina. Sinabi ni Finn na bayaran siya ni Kalla ng halik upang ipakita niya uli ang ama nito.

Nang sandaling hinalikan siya ni Kalla sa pisngi ay biglang nagningas ang mga mata ni Finn. Akma nitong kakagatin ang leeg ni Kalla nang dumating si Haring Thaddeus upang pigilan ang anak. Pinatulog nito ang prinsepe at may binigay na libro kay Kalla.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

VentreCanard's Vampire StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon