Napatigil siya sa pagkain at inangat ang tingin sakin. He took the tissue that was on his side and wiped his mouth before leaning against the backrest.

Tinitigan niya ako kaya nilabanan ko rin ang titig niya.

He bit his lips before smirking at me.

"Sure. How many do you want?" Tanong niya na parang wala lang sa kaniya.

Napakurap ako. Balak ba niyang seryosohin ang sinabi ko?

Feeling ko ang sarap maging friend ni Kairus hihi.

"Seryoso ka?"

Tumango siya. "Hmm."

"Nagbibiro lang ako." Saad ko, natatawa.

"And I'm not joking," Sumeryoso ang mukha niya. "How many do you like?"

Umiling ako. "Joke lang iyon, h'wag mong seryosohin."

Tiningnan niya ako nang masama at inirapan. Narinig ko pa siyang may binubulong-bulong.

Masama bang tumanggi sa grasya?

Pagkatapos naming kumain, lumabas na kami nang restaurant.

"Ako naman ang tulungan mong maghanap ng regalo para sa kapatid mo," Wika ko. "Sa tingin mo, anong magandang i-regalo?" Tanong ko.

"Nagpatulong nga lang ako sayong mag hanap nang regalo tapos sasabihin mong tulungan kitang maghanap nang regalo," Tumawa siya nang mahina. "But whatever you give, he will accept as long as it comes from you. I know my little brother, he will accept everything you give to him no matter what it is."

Naninibago talaga ako kay Kairus ngayon. Bumait siya, mga 5%.

Pero nakakagaan ng loob yung sinabi niya. At ngayon may naisip na akong ir-regalo sa Baby Adam ko.

***

"Ang daya mo naman!" Reklamo ko pagkalabas namin nang Timezone.

Tumaas ang kilay niya. "I'm not madaya, I'm just really good." He smirked.

Medyo conyo ni gago oh.

Inirapan ko siya at sumimangot. Dinaya niya ako sa paglalaro nang basketball! O baka hindi na talaga ako marunong maglaro nang basketball kaya gano'n?

Napatingin ako sa hawak kong maliit na teddy bear at pinaglaruan ang ilong niya, kinuha niya sakin 'to kanina sa Machine. Yung machine na ano, yung pwede kang kumuha nang mga teddy bear, manunungkit ka gano'n.

Basta 'yon putangina. Hindi ko alam tawag do'n e.

Madami siyang nasungkit kanina pero pinamigay namin sa ibang mga bata na nandoon. Tapos nag tira rin kami para kay Adam at Axl.

Ewan ko lang kung gusto ni Axl.

Saka, pansin ko lang kanina, ang saya nang mga mata ni Kairus.

Kahit hindi niya ipakita, alam at ramdam ko.

Nabalik lang ako sa reyalidad nang marinig ko ang mahinang pagtawa ni Kairus.

Tumingin ako sa kaniya at nakita kong nakatingin siya sa malayo, at nakakagat ang labi, pinipigilan ang pagtawa.

Si Kairus ba talaga 'to? O baka naman sinapian siya?

Bumaling ang tingin niya sakin. "Why is your face like that?" He asked with a laugh.

"Kairus..." Niyakap ko siya. "Tumawa ka! Gago!"

Narinig ko na siyang tumawa pero iba 'to. Ibang-iba talaga!

Saka, parang ngayon lang siya naging masaya.

Bahagya niya akong tinulak at nandidiring tumingin sakin.

Putanginang 'to. Napaka arte!

Bumalik ang walang emosyon niyang mukha. Parang hindi siya tumawa kanina ah.

"Don't fucking hug me again, I fucking hate it. And I don't laugh so shut the fuck up." He said seriously bago ako talikuran.

What the hell?

Hindi ako makapaniwalang sumunod sa kaniya. Kung alam niya lang na pinapatay ko na siya sa isip ko.

Gagong Kairus 'to! Parang hindi siya tuwang-tuwa kanina nung naglalaro kami sa timezone kanina!

Sama ng ugali amputa. Akala mo kung sino.

Kairus, pwede ka nang humimlay. Putangina mo.

Malapit na kami sa parking lot nang huminto siya kaya nagsalubong ang kilay ko.

"Oh, ano?" Inis na saad ko nang humarap siya.

Lumapit siya sakin at binigay ang mga hawak niya na ang laman ay ang mga pinamili namin.

H'wag niya sabihin na ako ang paghahawakin niya nang lahat ng ito kung kailan malapit na kami sa parking lot?

At saka putangina, may klase nga pala kami! Gago!

"You bring those at mauna kana sa parking lot. I will go back inside because I forgot to buy something. Wait for me in the car, Faye Katherine." Inabot niya sakin ang susi ng kotse niya at tumakbo pabalik sa loob ng mall.

Napairap ako.

Sinikap kong bitbitin lahat nang pinamili namin hanggang sa makarating ako sa tapat ng kotse niya.

I unloaded everything we brought before opening the compartment of his car.

Nang masigurado ko nang nailagay ko na lahat, saka ko lang sinarado ang compartment.

Nailgay ko na lahat, wala pa rin siya? Tagal naman non.

O baka naman ng babae na ang putanginang 'yon?

Gusto ko siyang sundan kaso ang sabi niya maghintay nalang daw ako sa loob ng kotse niya.

Hihintayin ko na nga lang siya loob.

Bubuksan ko na sana ang pintuan nang passenger seat ng may naramdaman akong tao sa likod ko.

Kanina pa. Kanina ko pa ramdam na may nakatingin at nakasunod sa amin ni Kairus.

I kept myself calm.

I was about to face the person behind me when I felt someone hit my back.

Putangina.

Napaupo ako dahil sa lakas nang hampas sakin, dalawang tao yata ang humampas sakin.

Napapikit ako dahil sa sakit ng likod ko.

Para akong mawawalan ng malay ano mang oras. Nang hihina ako.

Where are you, Kairus?

Idinilat ko ang mga mata ko bago sinubukang tumayo pero putangina, hindi pa ako tuluyang nakakatayo nang may nag takip ng panyo sakin para bumagsak na naman ako.

Gago putangina. Lagot ang mga 'to sakin.

Bago ko tuluyang ipikit ang mga mata ko, narinig ko pa ang sinabi ng isang lalaki.

"Boss, nakuha na namin ang shota ni Kairus. Hawak na namin siya."

Mga jejemon ang mga gagong 'to. Shota amputa, kadiri.

***
Did you miss them? They miss you too!

Sorry for the late update. Sobrang busy talaga, bawi ako sa bakasyon. Anyway, I changed my username, inkserenenity is now my username and no longer itsmelieserenity or lesleigh4kemi. At balak ko po na palitan yung pangalan ng readers ko (kung meron man) Serenenities ang balak kong ipalit.

Please, inform me if anyone already owns the name Serenenities para po alam ko. Baka kasi meron ng ganito ang tawag sa readers nila.

Thank you! Have a nice day! Enjoy Reading.

Papunta pa lang tayo sa exciting part.

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now