Chapter Forty One

Start from the beginning
                                    

Ngisian lang siya nito at tinawag ang waiter. Umorder ito para sa kanila. Hindi na siya tinanong. Di rin naman niya alam kung anong gusto niya. Sorry, pero di siya pang-five star hotel.

So, ano, pang-Sogo ka?

Hindi rin naman sa ganoon. And to be honest, mahal na rin sa Sogo.

Hindi lang si Shamcey sanay sa ambience. Feeling niya para siyang kakain sa plato at kutsara na gawa sa ginto.

"Huwag ka ma-out of place. My mom owned this hotel." sabi nito pagkatapos kunin ng waiter ang order. "Isa lang ito sa five star hotel na nasa ilalim ng pangalan ng mom ko."

Napatango lang siya. Nalulula siya sa yaman na meron ang mag-ina. Kaya hanggang ngayon may pagdududa siya kay Kiefer. Sa lahat ng babae na magugustuhan at mapipili nito, bakit siya pa? Ang daming babae na nasa same level nito ang magkandarapa dito. At for sure, gugustuhin din ng mom nito.

"Ang yaman ng pamilya mo, Kiefer. Are you sure hindi nyo pag-aari ang buong Manila? Karamihan yata ng hotels and night clubs, under sa company nyo."

"Kasama ka sa pag-aari ko."

Nag-init ang pisngi niya. "Naisingit mo pa talaga 'yan."

"Marami na akong business bago ako umalis ng Pinas. Nagpapatuloy pa rin 'yon kahit noong nawala ako."

Hindi nito naikwento pa sa kanya iyon. Bakit ito nagpunta ng ibang bansa? Nag-aral? Ayaw niya muna mag-usisa.

"My mom is the one who handled all my business. The resorts and the night clubs. Pati ito. I co-owned this restaurant."

"Ah, so, mahilig ka sa mga european cuisine?"

"Not much. I'm part colombian, part puerto rican and french. Sa totoo lang, 'yong parents ko, parehas konti lang ang dugong Pinoy. Mga one fourth lang. Pero dahil nandito nakabase 'yong karamihan ng business nila, dito na rin sila nag-stay."

"And you?"

"I have other business abroad. Nag-focus din ako sa mga negosyo ko sa ibansa.. Especially when I stayed in US."

"Ikaw lang mag-isa?"

"Ako lang."

Ah, kaya siguro umalis ito ng Pinas. She was impressed. Hanga talaga siya sa isang lalaki na maraming pangarap sa buhay. Marunong tumayo sa sariling paa.

"Okay. Kala ko naman may ibang dahilan kaya ka umalis ng Pinas, eh."

"Anong dahilan?"

"Malay ko kung ano. Posibleng heartbreak?" Tumawa siya. "We know that's impossible. Mukhang ikaw ang heartbreaker."

Natigilan siya nang mapansin na naging seryoso ito. Tila may bumikig sa lalamunan nito. Nagtagis ang bagang nito at dumaan ang miserableng kinang sa mata nito. Ngumit mabilis lang iyon. Sa sobrang bilis ay hindi niya alam kung tama ba ang emosyon na nakita niya.

Hindi nga kaya... Napalunok siya. May iba siyang nararamdaman. Hindi niya mabigyan ng pangalan. Inignora niya iyon.

DUMATING na ang pagkain nila ni Shamcey kaya agad na naliko ang usapan nila. He's not ready to answer her. Magsisinungaling siya kung sumagot siya sa tanong nito. Matagal na rin naman iyon. Hindi na 'yon mahalaga pa para maging concern niya sa relasyon nila ni Shamcey.

She's different from her. Napakalaki ng pagkakaiba. Hindi na rin dapat pa malaman ni Shamcey ang tungkol sa nakaraan niya.

Nalagpasan na niya iyon. Walang mapapala na hukayin ang mga alaala na nailibing na niya. It's already in the past.

Claiming the BeautyWhere stories live. Discover now