"Ang sarap iumpog sa pader?"

"Oo, ayun." Natawa kami ni Jared. "Nakakagigil siya tangina mahal ko na nga yata."

"Mahal mo kahit sadista?" natatawang tanong ko.

"Ewan ko ba," umiling iling siya. "nababaliw na ata ako."

"That's just how love works," sabi bigla ni Jared kaya naman parehas kaming napatingin sakanya ni Henry. "you fall inlove with the person you never thought you could ever love. It's seems so wrong but it feels so right."

"Okay kunwari nalang naintindihan ko lahat 'yun," ani Henry na nakapagpatawa nanaman sakin. "dapat 'tol mag writer ka nalang e."

"Bakit naman?"

"Andami mong alam," tumawa nanaman ako at ganun na din 'yung dalawa. Tinapik ako ni Henry sa balikat, "Sige na, dito na ako. Babye."

"Bye Hens, ingat ka."

"Bye Henry," paalam naman ni Jared.

Kinawayan kami ni Henry at naglakad na papuntang 9th street. Inilabas ko 'yung cellphone ko at nakitang malapit nang mag 11pm. Napahikab ako at hinawakan na ulit 'yung braso ni Jared para mahila siya papunta sa tapat ng mini stop.

"Inaantok na ako," sabi ko sakanya para lang mabasag ang katahimikan.

Humikab si Jared at napakamot sa batok niya, 'yung damit niya medyo tumaas pa. "Yeah, me too. It's really late na."

"Anong oras ka ba natutulog?"

Pumamulsa niya at nagkibit balikat, "I'm already asleep at this time. But since I'm a light sleeper, palagi din akong nagigising."

"Talaga? Ako naman heavy sleeper, as in kailangan mo pa akong yugyugin para magising."

Natawa siya sa sinabi ko lalo na't inakto ko pa talaga 'yung pagyugyog. Napahawak siya sa batok niya, "So pano ko pala every morning?"

"Yung ate ko hinahampas ako ng walis," biro ko. "De joke, may alarm 'yung cp ko."

"For a second there, I actually thought you were serious."

Ngumisi ako, 'yung tipong ngiti na naging singkit na 'yung mata ko. Hinawakan ko 'yung pisngi ni Jared at pinisil ito, "Napaka uto uto mo, kyot." Tinapik ko muna pisngi niya bago ko ibinaba 'yung kamay ko. "English pa ng english, 'di naman barok magtagalog. Bulol lang."

"I feel like pa-simple mo akong nilalait."

Natawa ako, "Hindi naman masyado."

Inilipat ni Jared 'yung bigat niya sa kanang paa niya sabay itinaas 'yung noo niya bago ako tignang mabuti. Napaka angas ng postura niya, iisipin mo sa lalaking naka suot napaka pormal na damit; pulang button down shirt na naka tupi ang sleeves sa may siko at bukas ang dalawang itaas na butones tapos itim na pantalon at chucks, hindi niya kakayanin ang magmukhang maangas. Pero nagawa niya.

Binigyan niya ako ng isang pilyong ngiti, "Ayos ah."

Humalukipkip ako at itinaas din ang noo ko, "Ah, asan na 'yung mahiyaing Jared? Bigla atang naglaho?"

Ngumisi siya at in-extend 'yung kamay niya saakin, "Hi, I'm Lionel."

"Pfft," bigla na lamang akong napatawa ng malakas. Itinulak ko pa si Jared palayo sakin habang tumatawa.

"What's so funny?"

"Ulitin mo ngaー" ginaya ko 'yung postura niya kanina at in-extend din ang kamay ko sakanya tapos nilaliman ko boses ko. "Hi, I'm LionelーHAHAHA kingina ang korni." Agad na napatakip si Jared sa mukha niya at mas lalo lamang akong napatawa. "Awww nahihiya na siya!"

"Stop it, Adi." Aniya habang nakatakip parin sa mukha niya.

"Ano? Angas pa bilis!" Hinila ko 'yung braso niya para maalis niya 'yung pagkakatakip niya sa mukha niya pero dahil mas malakas siya, wala 'tong masyadong nagawa. "Tanggalin moーayan na 'yung jeep!" Mabilis kong kinurot 'yung tyan ni Jared, "Tara na!" sabay tumakbo na ako papunta sa gilid ng kalsada.

"H-Hey wait!"

Naputol ang pag sigaw ko nang para nung hilain bigla ni Jared 'yung likod ng blouse ko. Sakto naman ay tumigil 'yung jeep sa harap namin. 'Yung gulong dumaan malapit sa tinatayuan ko kanina.

Nilingon ko si Jared, "Hehe, thank you."

Buntong hininga lamang ang isinagot niya.

Sumakay na kaming dalawa sa loob ng jeep at agad na nagbayad. Pauwi na din ang driver kaya naman kami na ang huli niyang pasahero, ibig sabihin tuloy tuloy na ang byahe namin hanggang Block 1 kung saan kami bababa para makasakay pa ng tricycle.

Tahimik lamang kami sa jeep, pinapakinggan 'yung pinapatugtog ng driver. Naalala ko tuloy kaagad 'yung kanina dahil Ngiti din ang pinapatugtog ni Manong Driver.

Sumulyap ako kay Jared para matignan kung naka ngisi ba siya o ano pero nagtaka ako nang makita kong nakasimangot siya sa phone niya.

"Anyare?" tanong ko.

"Huh?" Kunot noong nilingon niya ako bago niya na-realize 'yung itinanong ko. "Oh, uh may nagtext kasi sakin na unknown number."

Ay baka si Asher

"Anong two last number?" tanong ko.

"Uh.. wait.. uhm.. 84"

"Ah," tumango tango ako. "Si Asher nga, anong sabe?"

"Oh uh.. mag-ingat kayo kundiーwho's Whitey.."

"Bakit?" natatawang tanong ko. "Patingin ako."

Iniabot ni Jared saakin 'yung iphone niya kaya naman madali ko nalang nabasa 'yung text ni Asher kay Jared.

+63915*******: Kasama mo ba si Adrianna? Mag-ingat kayo kundi ipapalapa kita kay Whitey.

'Ku po, Asher.

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now