"Nice butt!" sumipol ang lalaki sa aking likod.

Wala pang limang minuto ay nararamdaman ko na ang pagtulo ng pawis ko.

"Wow legs!" sigaw pa ng isang lalaki.

Hindi ko iyon pinansin dahil hindi naman ako ang sinasabihan ng ganoon ngunit tingin ko ay nakakabastos pa din ito. Nagpatuloy na lamang ako hanggang sa marinig ang pagpito hudyat para matapos na ang warm up.

"Last, run three laps around the court." sabi ni coach kaya dumaing ang mga girls. Masakit na ang binti ko dahil sa pag iskway kanina ngunit kaya ko pa naman hindi katulad nila na parang nalumpo na.

I thank my mom for making me fit. Nasisiyahan ako ngayon at nag e enjoy pa.

"See that rack? That's gonna be mine tonight!" halakhak ng lalaki.

Tumalikod na ako para makapagsimula pero nakita ko si James at ang mga kaibigan niya na nakatingin sa gawi ko. Nakaupo sila sa pinakamalapit na bench at abala sa pagpasada ng tingin sa mga legs ng kaklase ko. Naabutan ko pang nakaturo ang amerikano sa akin ngunit ibinaba nya din iyon nang makita ako.

Humagalpak sa tawa ang mga kasama niya pati na din si James na umiiling. Ang amerikano ay namutla, tila ba nakakita ng multo.

Ako ba ang sinasabihan niya ng ganoon kanina pa?

"I didn't know she's sexy.." bulong nong amerikano pero nadinig ko pa din.

Pumito si coach at napatingin ako sa mga kaklase ko na tumatakbo na. Ako nalang ang natitira kaya tumakbo na ako!

Pagkatapos ng isang lap ay tumigil ako. Ang mga kaklase ko ay hingal din at tumigil para magwater break. Ilang metro para matapos ang isang lap at sapat na iyon para hingalin ang lahat.

Si James ay abala sa pakikipagtawanan sa mga kasamahan niya nang magtama ang tingin namin. Umiwas ako ngunit ibinalik din ang tingin sakanya. Diretso ang mata nya sa akin at pagkatapos ay ngumiti siya!

Pakiramdam ko ay kayang kaya kong takbuhin ang court ng higit pa sa sampung beses basta ba ay makita ko lang ulit ang ngiti nyang iyon!

Pinunasan ko ang pawis sa aking noo at pagkatapos ay tumakbo na ulit. Si Summer ay parang nag j jog lang at dahan dahan lang sa pagtakbo ngunit hinihingal na din siya. "You fine?" I asked.

"Hell yeah!" aniya sabay nilagpasan ako.

Tumawa ako at nakipag karerahan sakanya. Naabutan ko sya at nagtawanan kami. Kakaunti nalang ang mga babae at ang iba ay nakaupo na sa sahig, pagod at wala ng lakas para ipagpatuloy ang takbo.

"One more lap, girls come on!" anyaya ni Coach sa mga babae.

Dumaing ang iba at pagkatapos ay tamad na tumakbo ulit.

"This is just warm up, wala pa yung mismong game!" pag papaala sa amin ni coach.

This is burning my fats but more like burning my whole in hell. Napaka terror ni Coach, wala syang awa.

Umangal kaming lahat ngunit patuloy pa din sa pagtakbo ngunit napatigil kami ng natalisod si Summer at nadapa.

"Summer!" sabay naming sabi ni Coach.

Tinakbo ko ang malapit na distansya namin at tinulungan siyang tumayo. May gasgas ang baba niya at napuruhan ang tuhod niya. "Ayos lang ako-aray!" aniya hahang tinutulungan namin siyang umupo ng maayos.

Nagsilapitan ang mga babae kong kaklase para kamustahin si Summer. Nagulat ako sa presensya ni Chris na bigla nalang sumulpot sa harap ni Summer.

"I'll bring her to the infirmary." ani Chris sabay hawak nya sa isan kamay ni Summer at ipinatong iyon sa batok niya. Isinaklot niya ang binti ni Summer at walang hirap na binuhat bago pa man makapagsalita si coach. Pinagmasdan ko si Summer na nakatingin kay Chris.

Tumango si coach at sabay sabay namin silang tinignan palayo. Nginitian ko si Summer nang sumulyap sya sa akin. She'll be fine with Chris, I guess.

Isang oras lang ang game at maaga kaming dinismiss. Eto ang huling klase ko ngayong araw kaya pwede na akong umuwi. Tumawag naman si Summer sa akin at sinabing umuwi na siya kanina pa.

Nagpalit lamang ako ng damit at pagkatapos ay naghilamos lang ng mukha. Nagpony tail ako nang di nagsusuklay para mabawasan ang init na nararamdaman ko.

Lumabas ako sa dressing room at naabutan doon si James, nag aabang.

"There you are." ngumisi sya at pagkatapos ay hinigit ang aking kamay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 02, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When Ms. Geek meets Mr. NerdWhere stories live. Discover now