Prelude

171 17 4
                                        

Prelude

Uminom ako ng kaunting coke sa baso ko sabay subo ng lays. Tinignan ko ang mga stationaries na nakakalat sa harapan ko. Hindi ako makapili kung anong papel ba ang pagsusulatan ko, kung iyong pink ba na amoy rosas o ang blue.

Nilipat ko ang tingin ko kay Summer na hindi magkandaugaga sa binabasa niyang libro.

"I don't know why are you so fond of that novel." umiling ako.

Hindi ko makuha kung anong meron si Edward at Bella dahilan para kainin nila ang kaibigan ko.

"Shut up. Continue what you're doing." aniya sabay basa ulit sa libro.

Sumandal ako sa headrest ng kama ko at inunat ang aking mga paa. "Pumunta ka ba dito para magbasa ng twilight? You're no help, Summer." ngumuso ako sabay turo sa mga stationaries na wala pa ding kasulat-sulat.

Maayos niyang tiniklop ang Twilight New Moon book niya bago ilagay ito sa kanyang bag. Tamad siyang tumayo sa mini office table ko at pumunta sa aking kama.

Pumulot siya ng isang pink na papel at sininghot ito. "I like this scent, ito nalang ang gamitin mo."

Umiling ako at kumuha ng kulay blue na papel. "Masyadong girly ang dating niyan para sakanya, baka hindi niya basahin. Eto nalang kaya?" utas ko habang pinaglalaruan ang gtech sa kabilang kamay.

Inikot niya ang kanyang mga mata at sinabing, "Why don't you just chat or text him? You don't need to use such papers to tell your feelings for him. You are too primitive, Lexy."

Ngumuso ako. She's in her asshole mode again. I disturbed her from reading her favorite novel, of course she'll turn into some mad gorilla again. "Hindi romantic ang ganoon."

"Then tell him personally?"

Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. That can't be, I can't.

"You can't right?" Huminga siya ng malalim.

Tumango ako at binagsak ang tingin sa mga papel. Summer didn't like the idea. Ayaw niyang magconfess ako ng feelings para kay James. But hell, I like him more than netflix.

"Just so you know, I warned you. Hindi magandang ideya ito." pagbabanta niya ulit.

Kinuha ko ang pink na papel at sinulatan ito ng "Dear James."

"I won't tolerate my feelings Lexy, relax. Once I confessed, sigurado akong mawawala na ito." That's for sure. Kilala ko ang sarili ko and I know I will overcome this feeling for James.

"You sure? You have a crush on him for like 3 years! Paano kung saktan ka lang niya?"

"He won't like me back, we both know that. That's why I'm sure my feelings will get fade in no time." paninigurado ko sakanya.

"What if kung-"

"Enough with the what ifs! Just help me out, 'kay?" putol ko sakanya.

"Fine!" Kumuha sya ng maliit na envelope at napilitang maglagay ng pabango doon. Tumingin ang busangot nyang mukha kaya binigyan ko siya ng matamis na ngiti pero mas lalo lang siyang sumimangot.

Summer is concerned with the outcome. Nag aalala siya kung paano mag rereact si James sa akin  at kung paano ako mawawasak. James won't like me. Sino nga naman ang magkakagusto sa isang tulad ko? Anti social, awkward and unfashionable human being.

The truth is, I'm scared. Natatakot ako sa nararamdaman ko para sakanya. Tingin ko ay masyado itong delikado. Eventually, my heart will get hurt from doing this. I don't know if I can tolerate myself liking him from afar. I'm still hoping for a percent that he'll be happy for telling him my feelings. Umaasa pa din ako kahit hanggang kaibigan man lang. I think that will be enough.

When Ms. Geek meets Mr. NerdWhere stories live. Discover now