Chapter 1
Kabado ako habang tinitignan siyang seryoso na nagbabasa sa hawak niyang papel. It took him one glance to read the whole message.
Pakiramdam ko ay bibigay na ang mga paa ko sa pagkakatayo. He's not interested. Wala pang sampung segundo ay ibinaling niya ang tingin sa akin at ibinalik sa envelope ang papel.
Bigla kong naisip ang polo shirt at slacks ko. I should have wore better to look more presentable. Sana ay nag dress at leggings ako.
"What's wrong dude?" narinig kong tanong ng kaibigan niya.
I wasn't in the mood to look away from his bored glaze. He is obviously disinterested.
"You worked for the guidance?" tanong ni James bago ibigay ang papel sa mga kaibigan.
"Huh?" nagtataka kong tanong sakanya. What's with his sudden question? I, working for guidance?
"You delivered a letter from guidance. Don't "huh" me." humalukipkip siya.
Humagalpak sa tawa ang mga kaibigan niya kaya napatingin ako doon. Si Summer ay parehas kong nagtapon ng nagtatakang mukha.
What the fuck is happening?
"Pinapatawag ka sa guidance dude, advance condolences from us. You'll be dead meat." natatawang sabi ng matangkad.
Tamad na ngumisi si James at tumingin sa akin. I'm still dumbfounded.
"The secret has been spilled out. Mukhang may nakakita sainyo ni Elle." ani Chris.
May biglang pumasok na kung ano sa aking isip at tingin ko ay iyon lang talaga ang posibleng nangyari kay James at Elle.
Elle Christine Trinidad is the daughter of the CEO of this University. She's totally packaged, she has the beauty, power and fame. No wonder James will date someone like her.
"I don't work for guidance. There must be a misunderstanding. I didn't know anything about the letter." umiling ako at tumingin sakanya.
"Then who?" tumaas ang tono ng boses ni James sa akin.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa nakakatakot nyang ekspresyon. Matapang na hinarap ni Summer si James at inilagay nya ako sa likod niya.
"Ako. I let her ran some errands. She didn't know what's the content of that letter." mababang boses ang umalingawngaw sa lugar.
Lumapit ang lalaking nakasalamin at kalmado ang kanyang ekspresyon. Hawak hawak niya ang mga papel na natapon kanina nang mabangga niya ako. Hindi na ako nagtaka muli kung paano napunta ang sulat ng guidance sa locker ni James. Siguradong napalitan ang sulat ko at nahalo ito sa mga hawak niya ngayon.
"Don't you dare raise your voice on my friend!" banta ni Summer habang dinuduro niya si James ngunit ngumisi lang ito at hinawi ang kamay ni Summer.
"She's just a geek." walang ganang sagot ni James sakanya. Tumawa ang amerikano at tinapik tapik ang likod ni James.
"Aba-" naputol ang linya ni Summer.
"The guidance has been eyeing on you for a week. You have an issue, Lee." kalamado pa din ang lalaking may salamin na para bang walang alam sa tensyong nagaganap dito ngayon.
YOU ARE READING
When Ms. Geek meets Mr. Nerd
RomanceIba ang babae sa lalaki. Iba ang bobo sa tanga. Iba din ang manhid sa nagpapakatanga lang. At sympre, iba ang nerd sa geek. Pero alam nyo ba kung ano ang iisang meron ang lahat? Pag ibig. Ang lalaki ay umiibig, ang babae ay umiibig. Ang bobo o tanga...
