"I envy your legs, they're so firm." aniya sabay nguso sa akin.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga binti ko. Maputi ito at walang bahid ng anumang peklat. Palagi kasi akong nakapantalon kaya hindi nasisinagan ng araw.
"Legs lang naman ang maganda sa akin.." nahihiya kong tugon bago isuot ang t shirt.
"Don't think like that!" pagalit niyang sabi.
Tinignan ko si Summer na abala sa pag sisintas ng kanyang rubber shoes. Kinuha ko ang sapatos ko sa aking locker at pagkatapos ay nagsintas na din.
"Do you still jog?"
Tumango ako, "Sometimes. Mom's always busy, walang namimilit." tumawa ako.
"Mag jog ka! Para ma-maintain mo ang sexy legs." kindat niya.
Natawa na lamang ako at pagkatapos ay kinuha ang water jag sa bag ko.
"Let's go?" aniya habang tumatalon talon para itry ang kanyang sapatos.
"Una ka na, magrerefill muna ako ng tubig." itinaas at inalog ko ang lalagyan na walang laman.
"I can wait." ngumiti siya.
Tumango ako at tumakbo papunta sa drinking fountain. Binuksan ko ang lalagyan at mabilis na sinalinan ng tubig. Napatingin ako kay Summer na kumakaway sa akin at sumenyas na kailangan na nyang lumabas. Tumango ako at kumaway pabalik.
Dumiretso ako kung nasaan ang bag ko at inilagay iyon sa tabi ng bag ni Summer. Kinuha ko ang water jag niya at sinalinan na din ng tubig.
Lumabas ako at nakita ko na silang napakila para sa stretching. Hindi naman ako napagalitan dahil sa pagiging makupad ko. Tumungo ako sa pinakahuling pila at sumunod na sa warm up. Si Summer naman ay abala pa din sa pakikipag usap sa isa pang coach.
"Okay, heads up!" sabi ni coach at sinunod ang kanyang gusto.
Habang ginagawa iyon ay kadadating lamang ni Elle. Napakamot sya ng ulo at pilit na ipinapakita ang kanyang charm para hindi mapagalitan sa pagiging huli sa klase. Tumawa ito at mabilis na pumunta sa harap.
Maputi ito at makinis ang balat. Malaki ang binti ngunit maliit ang mga braso na parang kapag hinawakan ay matatanggal na ito. Matangos ang ilong at mapula ang pisngi. Maiksi ang buhok nya na abot lamang hanggang leeg. Sa gupit ng buhok niya ay mas lalong lumiit ang kanyang mukha. Mukha siyang buhay na manika.
"Jog in place!" sigaw ni coach.
Pagkalingon ng katawan ko sa kaliwa ay nakita ko si James na nakikipag usap sa mga kasamahan niya. Malayo palang sila pero sya agad ang nakita ng mga mata ko. Sumikip ang dibdib ko habang inuunat ang aking kamay. Hindi ko alam kung dahil ito sa pag stretch o dahil kay James. Wala pang 8 counts bago kami humarap sa likod ay tumalikod na ako para hindi nila ako makita.
Ang susunod na routine ay ang squat. Hindi ako masyadong nahirapan dahil ginagawa namin ito ni mommy sa bahay. Natuto akong mag work out para maging healthy ang aking katawan. I worked out to be fit, not to be sexy.
"Lower!" kumbinsi ni coach.
Binaba ko pa ang taas ng binti ko at medyo inilabas ang aking pwetan. Humawak ako sa dalawang binti ko bilang suporta sa aking likod.
YOU ARE READING
When Ms. Geek meets Mr. Nerd
RomanceIba ang babae sa lalaki. Iba ang bobo sa tanga. Iba din ang manhid sa nagpapakatanga lang. At sympre, iba ang nerd sa geek. Pero alam nyo ba kung ano ang iisang meron ang lahat? Pag ibig. Ang lalaki ay umiibig, ang babae ay umiibig. Ang bobo o tanga...
Chapter 1
Start from the beginning
