I'm a geek, he uttered. He only sees me as a geek. I'm just an awkward midget, what's my worth, right? or do I even have any worth..

"Tell them I won't come." sabay talikod sa amin at naglakad palayo. Sumunod ang iba hanggang sa mawala na sila sa paningin namin.

Naglahad ng panyo ang lalaking nakasalamin. Tinanggap ko iyon para punasan ang bagsak ng luha ko. Pinakalma ako ni Summer sa pamamagitan ng paghaplos ng aking likod.

"Your letter.." ani ng lalaki at inabot ang letter ko.

Tumango ako at kinuha ito. Tinignan ko ng mabuti ang sulat at tumulo nanaman ang luha ko doon. Nabasa ang enevelope at halos mapunit na nga ito.

Naglakad ako mag isa palayo sakanila. Narinig ko ang pagtawag ni Summer ngunit hindi ko siya hinarap, nagpatuloy pa din ako sa paglalakad. Hindi nya ako hinabol at tingin ko ay pinigilan siya nong lalaki.

Nagpunta ako sa malawak na field at umupo sa bakanteng bench. Tanaw ko ang mga lalaki at babaeng naglalaro sa soccer field. Rinig ko naman sa kaliwa ang mga babaeng naghihikgikan at sa kanan ang mga couple na malambing na nag uusap. Lahat sila masaya at busy sa kanya kanyang ginagawa samantalang ako ay ninanamnam ang salitang mga binitawan ni James sa akin. I'm hurt. He doesn't want me, even as his friend. Akala ko nong una ay may chance ngunit wala naman pala talaga.

Wala ni katiting na interes siya para sa akin. I'm just nobody. I don't exist in his life. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang panyo ng lalaki. Ni hindi man ako nagpasalamat sa paghiram ko nito. Nakita ko sa dulo ng tela ang maliit na pangalang "Peter" na nakaburda ng kulay itim na sinulid. Marahil ito ang pangalan ng lalaking nakasalamin.

Sa tabi ko ay ang sulat na lukot lukot at may kaunting punit na dahil sa luha ko. I'm glad that I bumped into peter and exchanged letters. Nang sa ganoon ay hindi na tuluyang nakita pa ni James ang sulat ko para sakanya. Hindi ko kayang maatim na marinig ang pag reject niya at pagbato ng matatalim na salita sa akin.

Sa mga sinabi niya tungkol sa akin ay sapat na para malaman kung gaano niya kinaususklaman ang mga gaya ko.

Kinabukasan ay first time kong malate sa klase. Nag alala si Summer sa akin at pinuntahan ako pagkatapos makuha ang sermon ng professor namin.

"Bakit late ka? May nangyari ba?" nag aalalang tanong niya.

Umiling ako at tipid na ngumiti. "Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi.." paliwanag ko.

Tumango siya at niyakap ako ng mahigpit. Nanlaki ang mga mata ko ngunit yumakap din naman ako pabalik. Wala siyang sinabi pero ramdam ko ang pag comfort niya sa akin. Hindi niya ako pinagsabihan o pinagalitan man lang. Alam niyang ayaw kong pag usapan ang nangyari kahapon.

"Namamaga pa din ang mga mata mo." bulong niya sa akin.

Buong gabi akong tulala pagkatapos kong umiyak. Pilit kong pinapasok sa isip ko ang mga sinabi ng kaibigan ni James at si James mismo. Ang mga tulad ko ay dapat nasa isang sulok lang, nagbabasa o di kaya'y nag aaral. Para sakanila ay walang puwang ang social o lovelife sa mga tulad namin.

Dumiretso kami sa dressing room para makapag palit ng pe uniform. Sa unang dalawang taon namin sa kolehiyo ay kailangan naming i enroll ang pe class. Pinili namin ang volleyball dahil iyon ang pinakamadali.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 02, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When Ms. Geek meets Mr. NerdWhere stories live. Discover now