Chapter 4: KNOCK OUT

Start from the beginning
                                    

WTF?!

"Haha. Pero oo nga. biglang pumogi si Tyler. Baka inspire lang siya kasi1 nandiyan palagi si Ate Zia para suportahan siya"

Yeah!

"Oo nga!Ayiee kinikilig ako sa kanila!"

"Ako rin!Nakakainggit!"

Napangiti naman ako habang naglalakad dahil sa narinig ko. Maganda ang gising ko kaya maganda rin ang umaga ko.

hehe makikita ko na naman si Zia!

Hindi ko maiwasang kiligin dahil tanging si Zia lang ang nagpapaganda ng araw ko, kahit hindi ko man siya makita ay sapat na sa'kin marinig lang ang pangalan niya.

"Bro!New look ha!" ngiting bungad sakin ni Sevi.

"This is our last year Bro. Graduate na tayo next year kaya huling pagpapapogi na natin to" mukhang naintindihan naman niya ang ibig kong sabihin kaya nagtawanan kaming pareho.

"Where's Lix?" tanong ko.

"Papasok palang" sagot niya.

Kinuha na namin ang lahat ng student list at agad pumwesto sa grand entrance.

Bawat isa ay tinatanong kung nasaan ang school id's nila at kung transfer sila at kung saang school sila nanggaling. Madali lang naman ang trabaho ko dahil iche-check ko lang ang bawat student na pumapasok.

"Nandito na pala si Lix" napalingon naman ako sa kaya kita kong papalapit si Kalix samin.

"Good Morning Bro" bati niya saming pareho.

"Good Morning!" Sevi.

"Yeah morning" ako.

"Wala pa siya?" nagkatinginan kami ng sabihin iyon ni Kalix.

"Tsk. Alam mo naman 'yun. Ang haba ng pinaghuhugotan!" biro ni Sevi kaso hindi siya pinasin ni Kalix.

"Sinabi niya sakin na papasok siya" Kalix.

"Hindi na ako maniniwala. Mataas ang pride non kaya malabong sundin niya kung anong sinabi niya sayo tsk." sabat ko.

"Yeah, alam ko pero oras na para tigilan na ang away sa pagitan niyo Bro" seryosong sabi ni Kalix.

Palibhasa'y mas close sila keysa samin ni Sevi.

"Hindi ko na kasalanan kung bakit umabot sa ganito ang lahat" sabi ko saka umiwas ng tingin nag-usap silang dalawa samantalang nakatunganga naman ako sa mga studyante.

Nanaliksik ang mata ko at biglaan akong napatigil sa paghinga.

Who is she?

Oh my god! Look at her!"

"Oh! Newbies"

Nagsitakbohan naman ang estudyante malapit sa gate habang nagbubulongan tungkol sa bagong pasok na babae.

"I can't deny it, but she looks so pretty huhu." ani ng isang babae.

Hmm...she's so different!

Hindi ko namalayan ang sarili kong lumakad papalapit sa mga nagsitipon-tipon na mga lalaki.

"Ows!Chupapi Monyenyo~"

WTF!

"Ang ganda pre! Mas maganda pa sa jowa ko"

Naestatwa ako ng malagpasan na niya kami. Agad naman akong sumunod sa kanya.

Ang bilis niyang lumakad!

Hindi ko alam kung bakit ko ba siya sinusundan, kusa kasing humahakbang ang mga paa ko na parang gustong gusto ko siyang habulin.

"He's here! Guys! Waaa! love you Ty!"

Naagaw naman ng kagwapohan ko ang atensyon ng karamihan kaya mas umingay lalo ang boung paligid.

"Gosh! He's so handsome. Marry me Tyler!"

Nakakuha ako ng tsamba para makausap siya kaya agad ko siyang hinawakan sa balikat.

"Hey Miss--"

What the heck! Ouch!

"Shet! Watapak!"

"Omg!She's crazy!"

"God!Si Vice President!"

"Boom bagsak! Three point haha."

Napahawak ako sa likod ko saka galit ko siyang tininganan. Hindi ko maintindihan kung ano ang reaksyon niya. Natatawa o Nagtataka?

Tsk. Kainis. Minus pogi points!

Highschool LoverWhere stories live. Discover now