Chapter 10: Outlet

14 0 0
                                    

"Have you seen the news? Yung ilang araw na hinahanap nilang murderer ay nakatakas daw ulit"

"Oo nga raw. Sobrang gulo nga dahil naghabulan pa sila ng mga pulis pero bigla naman daw nawala"

"Nakakatakot. Full alert tuloy ang city at pinag iingat lahat"

"Baka naman may powers 'yon kaya nawala bigla"

"Sabi sa'yo tigil mo na bisyo mo eh"

Nailing nalang akong nakikinig sa kanila. Isn't that what Tita Snow talking about and Sage probably handled that case? I hope they'll be safe.

"Lalim naman ng iniisip mo. Huwag mo sabihing iniisip mo recit kanina? Character development yan? Hindi ka naman nag aaral ng seryoso" Asar ni Kleo nang mahuli akong nakatulala

"Tss. Shut up" kunot noo kong sagot

"Paano mo ba nagagawa 'yan? Ang effortless mo mag aral pero nakakasagot sa lahat ng tanong. Ginisa ka pa kanina at umabot ng isang oras hanggang dismissal Q and A niyo ni Prof"

"I have my best tutor kasi" I said at tumingin kay Lily na nagsusulat at napalingon din sa amin.

"Luh. Hindi ah. Effort mo 'yun kaya don't give me the credit" she said at ngumiti sa amin.

Tanginang ngiti 'yan. Mala anghel.

"15 minutes na lumipas! Hindi na ata darating si Prof. Uwi na tayo" Sabi ng blockmate ko sa harap

"Baka darating pa 'yun! Dito muna tayo" alma naman nung isa. Basta ako inaantay lang si Lily sa desisyon niya.

"Nag text si Prof. May meeting daw sila so umuwi na daw tayo at mag iingat" our class mayor said kaya nagdiwang naman ang mga ito. Ang babaw ng kaligayahan eh.

"Let's go, hatid na kita. It's dangerous pa naman" Ani ko kay Lily

"Sorry, Xy. Ihahatid ako ni Vin ngayon dahil tapos na class nila eh. Mauuna na ako ah?"

"Okay, take care" walang gana kong sabi

"Ingat, Lily babes"

Umalis na ito habang kumakaway sa amin at nang tuluyan na itong makalabas ay bumusangot ako.

"Olats ka na naman"

"Stfu. Kanina ka pa ah" sinamaan ko ito ng tingin.

"Ba't hindi ka nalang kasi umamin don para makapag move on kana"

"I can't risk our friendship nga. They're happy so I don't want to ruin that"

"Hi. Anong chismis?" Napatingin kami sa nagsalita at sinamaan ko rin ito ng tingin.

"Chismoso. Magsama kayo ng jowa mo" Ani ko kay Claide na pumasok sa room namin. Nagsi alisan na din 'yung iba kaya konti nalang kami dito.

Naiinis din ako rito eh. Napakadaldal. Nikwento ba naman kay Tito Alistair at Tita Snow pagiging baliw ko sa isang babae. Kahit pamangkin siya ni Tito ay masasapak ko pa din 'toh.

"Ang pait ata ng timpla mo?"

"Hayaan mo na, moo. Olats lang kasi" nakakarami na 'tong Kleo na 'to

"Hay nako. Reto nalang kita, Xy" bagay nga sila, parehong nakakabwesit.

"I don't trust you. I'll go ahead na sa inyo. Bye"

"Kaya hindi ka nagkakajowa eh!" Sigaw ni Claide so binato ko ng bottled water pero nasalo niya naman at nagtawanan sila. Mga demonyo.

Sumali muna ako ng practice bago umuwi at ang sakit na naman ng katawan ko pagkatapos mag drills. I need to destress kaso sinara daw ang mga bar for safety purposes dahil sa murderer na 'yon. Ang tanga naman kasi ng mga pulis at hinayaan lang nila makatakas. Nagpaalam ang teammates namin sa isa't isa so I also decided to go home early.

HirayaWhere stories live. Discover now