"Doctor," Saad ko at bahagyang natawa. Hindi ko alam kung bakit Doctor ang gusto ko. "Pero kung hindi ako papalarin, pasyente nalang." I shrugged.

Pero kung hindi talaga ako papalarin maging Doctor, hindi ako papayag.

"Gusto mo ngayon maging pasyente kana?" Ngumiti siya nang nakakaloko.

Nagsalubong ang kilay ko. "E, ikaw? Gusto mo ngayon maging pasyente kana rin?" I fired back.

"Joke lang naman! Hindi ka naman mabiro."

I rolled my eyes.

"Ikaw Ryuu? Anong pangarap mo?"

Nakita ko kung paano siya matigilan pero agad din siyang ngumiti sa 'kin. "Gusto kong maging lawyer someday!" Masigla niyang sabi sa 'kin.

To be a lawyer, huh?

"Why do you want to be a lawyer, Ryuu?" I asked.

Nakakapagtaka lang dahil gusto niyang maging lawyer. I mean, okay lang naman na maging lawyer siya, lahat naman pwedeng maging lawyer kung gusto nila pero nagtataka talaga ako kung bakit lawyer ang gusto niya?

But instead of answering my question, he just smiled at me. Ayaw niyang sabihin kung bakit?

Narinig kong bumulong siya at sapat na iyon para marinig ko.

"I want to bring justice especially to my mother." He whispered.

I remember when I asked him what his dream was and when he said he wanted to be a lawyer, I asked him why but he just kept smiling at me.

Now, I understand why he wants to be a lawyer.

He wanted justice for his mother's death. Hindi lang para sa Mommy niya, kundi para na rin sa iba.

He was able to cope with all the pain on his own and without the help of others.

Pero kung titingnan mo siya, he doesn't seem to have any pain to go through.

Parang wala siyang problema.

"Nahuli niyo ba ang mga gagong 'yon?" Tanong ko.

He shook his head and smiled bitterly. "Hindi ih. Matagal ng sarado ang kaso pero nung pinuntahan ko si Mommy sa puntod niya kanina, nangako ako. Nangako ako na huhulihin ko ang mga pumatay sa kaniya at bubuksan ang kaso kapag naging ganap na Attorney ako. Bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay niya, ako mismo ang mag hahanap ng hustisya para sa Mommy ko na hindi nila naibigay."

Palihim akong napangiti.

Kinuha ko ang panyo na nasa bulsa ko at pinunasan ang mukha niya na basa ng luha.

His nose is red from crying.

"I will help you. We will bring justice to the death of your mother. Let's catch them." Ngumiti ako sa kaniya.

"Ha? Anong-" I cut off what he was supposed to say.

I slightly bit my lower lip bago muling mag-salita. "Those who killed your mother... Let's hunt them together, Ryuu."

Natigilan siya at nanlalaki ang matang nakatingin sakin, hindi makapaniwala.

"Will you let me stay by your side until you give justice to your mother? No-I will stay by your side until the end."

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now