"Ano?"

"Mommy, naman."

"Siguraduhin mo lang." nambabanta niyang ani. "Ibaba ko na ang tawag."

"Sige po, 'mmy."

Nang maputol na ang tawag ay kaagad kong kinurot ng sobrang lakas ang kamay ni Jetty na nakahawak sa dibdib ko. Umatungal siya sa sakit at kaagad napabitaw sa pagkakahawak sa aking dibdib.

Tumayo ako at hinarap siya. Kinuha ko ang unan at pinaghahampas ang iba't-ibang parte ng kaniyang katawan.

"Gago ka, Jetty! I was in the phone call with my mom tapos nanghahawak ka na lang bigla! Ang bastos mo! Nangmamanyak ka na naman! Ang manyak mo! Kahit may sakit ka ang manyak mo pa rin!" singhal ko habang patuloy pa rin sa paghampas sa kaniya.

Huminto ako sa paghampas nang mapansin kong hindi siya gumalaw. Tahimik din siya. Ipinatong ko ang aking isang tuhod sa kama at dinukwang siya upang siyasatin kung may nangyari ba sa kaniya. Nakapikit siya.

"Jetty, ayos ka lang ba?"

Sinalat ko ang kaniyang noo pero hindi naman siya mainit. Hindi gaya kahapon na nakakapaso ang init niya. Kagagaling niya lang tapos hinampas ko ng maraming beses. Napasobra kaya ang paghampas ko?

Napahiga ako sa kaniyang ibabaw nang bigla niyang hawakan ang kamay kong nakasalat sa kaniyang noo at hinila ako palapit sa kaniya. Kinulong niya ako sa kaniyang bisig ng sobrang higpit.

"Jetty!" naiinis kong bigkas.

Naloko na naman ako ng lalaking ito!

Pinanggigilan niya akong niyakap. "Good morning, Gaily. I love you."

"Walang good sa morning, Jetty, kung niloloko mo ako ng ganito kaaga!" nakasinghal kong ani.

Tumawa siya at hinalikan ang ulo ko. Napangiti na rin ako. Ang sarap pakinggan ng tawa ng lalaking ito. Nakakawala agad ng inis.

"Sorry. Masaya lang ako na ikaw ang una kong nakita sa pagdilat ng aking mga mata. Matagal ko na itong hinangad na matutulog tayo sa iisang kama. Tapos gigising na ikaw kaagad ang masisilayan ko."

"Magaling ka na nga talaga, Jetty, kasi balik kasweetan at kamanyakan ka na naman." pabiro kong sabi.

He chuckle. "Gagaling ka talaga kung magdamag mong kayakap ang nag-iisang antidote sa buhay mo."

"Ang aga-aga tapos naglalandian na kayo! Lambingan ba ang agahan niyo?"

Napabangon ako kaagad galing sa pagkakahiga sa dibdib ni Jetty nang marinig ko ang nakasigaw na boses ni Tita Crystal.

Tumayo ako at nahihiyang hinarap ang mga magulang ni Jetty. Nandito rin pala si Tito.

Nakita kong ngumisi si Tito at tumingin kay Jetty. "Naglagnat-lagnatan ka ba, Jett, para lang makayakap ng matagal dito kay Gail?"

"Parang gano'n na nga Dad. Lumabas nga kayo. Nakagambala po kayo ng tao."

"Ayus, 'nak, sinasabi mo lang iyan para magkaroon kayo ng solo time ng nobya mo. Soon, kung magkakaanak na kayo ay panigurado hindi na kayo magkakaroon ng solo time." ani Tita.

Naramdaman kong bumangon si Jetty. "At bakit?" tanong niya.

"Aba'y may chikiting na kayo. Ang suwerte mo naman kung ikaw pa ang uunahin kaysa sa anak niyo." sagot ni Tita.

"Natural, Mom, ako ang uunahin. Bago sila dumating ay ako ang naunang dumating sa buhay ng Mama nila."

"Kung darating ang panahon, Gail, ay huwag mong pagbibigyan itong si Jett. Hahahaha." Natatawang baling ni Tita sa akin. "Siya nga pala, bumaba na tayo upang mag-agahan. Ngayon darating ang ama mo, 'nak."

After the Sorrow 2 ✓Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz