yung feeling na #2

434 8 0
                                    

---

alam mo yung feeling na lihim kang nagmamahal sa isang tao?

na ayaw mong sabihin sa kanya yung nararamdaman mo kasi natatakot kang may masira sa pagsasamahan niyo?

natatakot ka na kapag inamin mo sa kanya baka tuluyan siyang lumayo?

na kapag sinabi mo baka magkailangan lang kayo sa tuwing magkakasalubong.

sa corridor, sa hallway, sa school, o kung saan pa yan.

minsan naiisip mo rin naman na baka akala mo lang talaga na ayun ang mangyayari pero wala eh, bumabalik ka pa rin pag-iisip na baka may posibilidad na layuan ka nga lang niya.

na hanggang tingin ka nalang talaga sa malayo at laging nagtatago.

At kapag nagka-gf/bf naman siya, kunwari masaya ka para sa kanila, na ngumingiti ka tuwing nandiyan sila. inaasar asar mo pa.

pero kapag ikaw nalang talaga mag-isa, iniiyak mo yung sakit na nararamdaman mo kapag nakikita mo silang magkasama at halatang puno ng pagmamahal sa isa't-isa.

isa nanamang OUCH! </3

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

a/n: oh sinong nakarelate? :)

Thanks for reading :*

Love. Love. Love.

--princesscj27

Yung feeling na..Where stories live. Discover now