Mahaba ang sinabi ni Maddie pero ang tumatak sa akin ay iyong sinabi niyang mahal ko pa. Mahal ko pa nga ba?

Bumuntong-hininga ako gulong-gulo na din ako,isang gabi palang Mula ng bumalik ako para na akong mabubuang,paano pa ako sa mga susunod na araw?

"Woi anong drama?". Napatingin kami sa pinto ng marinig iyon,si Ponggay.

"Tss wag mo ng itanong ponggay". Si Deanna na galing din sa loob.

Humaba ang nguso ni Ponggay at binelatan si Deanna.

"Anyway Bea,kailangan ko ng umuwi hinahanap na ako ni Teresa eh". Ngumiti naman ako,as much as I want to spend more time with them,I know they have so much to do pa.

"Okay,ingat ka Pongs,hmm say hi to Teresa for me". Sabi ko at lumapit sa kaniya,niyakap ko siya at hinalikan ng bahagya sa pisngi.

"Hmm Bei actually ako din eh,may training kasi bukas...ahm why don't you come tomorrow? 8:00 am daw ang training sabi ni Coach punta ka Bei I'm sure coach would be happy to see you". Napaisip ako

"I'll think about it Mads". Sabi ko at niyakap na din siya.

"Ate Bea ako din eh,kina Ponggay kasi ako matutulog". Ani Deanna at yumakap na din sakin.

"Hoy! Anong tulog-tulog kanina lang inaaway moko ha!". Si Ponggay

"Nagpaalam na ako sa parents mo,paki ko ba sayo?".

"Tsk Tara na nga,paghilom Deanna Saba kayka". Si Maddie

"Nyenye". Ani Deanna at sumunod na

Pumasok na kami sa loob ng entertainment room only to find Kianna and Kat sleeping.

"Taray ng mga 'k' tulog ". Si Ponggay

Nilapitan ko naman ang dalawa at ginising,nang magising ay agad na din silang nagpaalam. iisang kotse lang pala ang dala nila at Kay Kianna yun.

Ng makaalis sila agad akong naupo, pakiramdam ko pagod na pagod ako,lalo na Ang puso ko. Sa tagal ng pagkakaupo ko ay halos mabalikan ko lahat ng nangyari ngayong araw. Lahat ng usapan Lalo na namin ni Maddie ay naisip ko pa. Tama si Maddie,my son should always be my priority.

Huminga ako ng malalim bago tumayo,niligpit ko ang kaunting kalat ng mga kaibigan ko bago lumabas ng entertainment room,pumunta ako sa kwarto ko,bago yun nadadaanan ko pa ang jersey ko na pinaframe nina mom.

Napangiti ako, you've been missing the court for so long BDL. Ngumiti ako ng mapait,how I miss playing though. But I know there is still a chance na dadating sakin,for now I should focus on my son.

Dumiretso na ako sa kwarto ko,I can't help but smile. My room is still the same,pero alam kong nilinisan to. My bed,my study table the photos it's still the same. Nakangiti akong gumalaw-galaw,there's no place like home indeed.

Binuksan ko ang cabinet ko at natigilan,I saw the 3 paperbags na bigay sakin ni Thirdy nun,it's a paperbag filled sanitary napkins. Napailing ako,ngayon ko lang naramdaman ang hiya ng maisip kong si Thirdy pala ang bumibili ng mga sanitary napkins ko noon. What a shame Bea.
Tss memories nga naman, I closed the cabinet and went to my walk in closet,kumuha ako ng damit doon para magpalit good thing these clothes still fits  me.

Nakatulog na din ako after magpalit,though nakakapanibago na Wala akong katabi dahil ang anak ko kinareer ang pagsama sa grandparents niya.

••••••

Gabi na akong dumating galing sa training ko,pagod na pagod ako kaya bitbit ang duffle bag pumasok ako sa bahay only to see everyone sitting on the dining table and looking at me. I weird ng tingin nilang lahat,si Mama,si Kuya Keifer,si Dad at Lalo naman si Dani.

LAST FIRST NIGHT ( A ThirBea Fanfiction )Where stories live. Discover now