Chapter 1

1.4K 42 0
                                    

Miracle's POV



I'm Miracle Jadde  Alonzo, at nandito ako sa harap ng airport nagdadalawang isip kung itutuloy ko ba yung pag uwi o hindi.



Andito ako sa Sydney Aiport to be exact, it's been 4 years nung huli akong napadpad dito, noong first time ko dito nagdadalawang isip din ako kung tutuloy ba ako sa pagtira dito pero ngayon naman nag dadalawang isip ako kung tuluyan ko na bang iiwan ang Australia.



A lot of things happened here dito ko binago ang buhay ko, dito ko binago ang buong pagkatao ko, dito ako natuto ng kung ano ano, at dito ako nag move on.



Nahinto ang pag alala ko sa nakaraan ng biglang mag ring ang phone ko, tinignan ko ito at nalamang galing pilipinas ang call at nang makita ang caller id ay sinagot ko kaagad. 





"Hello?"

"Hey Cley, alam kong nagdadalawang isip ka but please tumuloy ka na, i miss you i know a lot of things happened pero alam kong makakaya mo please don't be stubborn baka malate ka pa sa flight mo, ako ang susundo sayo." Mahabang sabi ni Kuya, nakuha nya pang tumawag eh mahal yung pang international na call tsk.



"Simula ba nung umalis ako naging work mo na ang pagiging manghuhula? Nga pala salamat at pinaalala mo na flight ko ngayon, muntik na akong pumara ng sasakyan para makauwi ako sa bahay ko eh. Meron pa akong isang oras bago ang flight wag kang mag alala uuwi ako gaya ng sinabi nyo." Pagkasabi ko noon ay binaba ko na ang call nakakahiya na din sa mga taong nakatingin sakin, nasa may gitna pa naman ako sa harap ng airport. No choice kailangan ko nang umuwi, saka ako pumasok sa airport.



•••



7 hours and 12 mins, ganon katagal yung nilagi ko sa langit. Kakalapag lang ng eroplano pagkatapos noon lumabas na din ako, marami akong mga nakakasabay na taga ibang bansa meron namang mga Pilipino din. Habang hinahanap ang taong magsusundo sakin may nabanggga akong babae maganda, maputi, at singkit sya mukang galing ibang bansa.



"Omy I'm so sorry I didn't mean to hit you."



"It's okay, I'm fine. Are you a tourist?" Tanong niya.



"Nope, I just came home from Australia." Sagot ko.



"Hala are you pinoy pala? By the I'm Kim." She offered her hand kaya tinanggap ko.



"Filipino ka din pala, ako nga pala si Miracle. Saan ka pala galing?" Tanong kong muli.



"Sa Korea, hmm vacation tapos kakauwi ko lang." Siguro may bahay siya doon.





"Cleyyyyyy."




Natigilan kami sa paguusap dahil sa sigaw na yun. Letcheng lalaki to kung makasigaw parang babae




"Sige Kim dito na ako, someone's calling me na eh. Nice meeting you, See you around!" Paalam ko.



"Nice meeting you too. Bye!"




Nang makalayo siya ay saka na ako lumapit sa kuyang kong siraulo, naka busangot lang ang muka ko kasi naman walang hiya sumigaw pa ng pagkalakas pinagtitinginan tuloy siya ng mga tao jusko.



Nang makalapit ako sakanya ay bigla nya nalang akong niyakap ng pagkahigpit higpit.




"Awww namiss kita baby sister ko. Kamusta? Okay ka lang ba? Ano may umaway ba sayo doon? Magsalita ka ano may bubugbugin ba si kuya? Magsalita ka." Minsan talaga napapaisip ako kung nasa tamang pag iisip pa ba ang kuya kong ito o tuluyan nang nagkasayad sa utak.




Heart Less (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon