Muli kong inangat ang kamay ko ng humarap sa Ina ni Thaigo

Nagulat ako ng lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit

"Welcome to the family, Eris" she gently said while caressing my back

Agad na nawala ang kaba ko dahil sa sinabi niya. Akala ko hindi niya ako tatanggapin! Mukha kasi siyang galit. Natakot tuloy ako.

Niyakap ko naman siya pabalik

"Finally, finally! Magkakaapo na kami" maligaya nitong sabi ng kumalas na siya mula sa pagkakayakap sa akin

Nagkatitigan naman ang mag ama sa gilid namin at nakita ko ang pag ngiti ng ama ni Thaigo sa kanya

"And look at you!" sabi niya at hinawakan ang magkabila kong pisngi " You're so beautiful!" at binalingan niya si Thaigo " Ang galing mong pumili, anak" nakangiti nitong wika habang hindi naman nagbago ang seryosong mukha ni Thaigo

"Mom..." tamad na wika ni Thaigo

Muli akong binalingan ng kanyang Ina

"I'm Andrea but call me mommy, okay?" binalingan niya ang kanyang asawa "and this is my husband Tony, call him Dad, too" she beamed

Napasulyap naman ako kay Thaigo bago tinanguan ang kanyang Ina

Binaba niya ang kamay ko at hinawakan ang kamay ko

"How did you two meet? I want to hear the whole story!" I can see the excitement on her face

But can we tell her how we met? Na naka one night stand ko lang ang anak niya kaya ako nabuntis at nandito ngayun???

Hindi naman ako nakasagot

Sumulyap ako kay Thaigo

He cleared his throat and held my wrist " Eris must be hungry. Kumain na po muna tayo" pag-iiba ni Thaigo sa usapan at nagtungo kami sa dining area

Habang kumakain kami ay panay ang tanong sa akin ng Mommy ni Thaigo

Madaldal pala siya

"Wait, so it's a boy? nakaisip na ba kayo ng pangalan?"

"wala pa po " sabi ko

"Ikaw anak? any suggestion for your son's name?"

"Matagal pa siya manganganak Mom at bahala na si Eris sa ipapangalan niya sa anak namin" sinulyapan niya ako

"Oh,okay but... what about the wedding?" she enthused

Napaangat ng tingin ang Ama ni Thaigo sa amin. Parang hinihintay nila ang sagot namin

Thaigo cleared his throat. "We.... already talk about that"

Tumango naman ako bilang pag sang ayon

"When?" nakangiting wika ng Ina niya

Nagkatinginan kami ni Thaigo

"kelan mo gusto?" tanong niya sakin

"h-ha?.. uh..." napatingin ako sa mga magulang niya " k-kayo po bahala"

"Next month, then!"

kunot noo akong binalingan ni Thaigo." Are you okay with it?" tanong niya sa akin

"Of course naman, hijo and besides mag kakaanak na kayo hindi ba? kaya dapat lang na ipakasal kayo sa lalong madaling panahon and" tiningnan ako ng Ina ni Thaigo "Maliit pa ang tiyan ni Eris, mas mabuti iyon para sexy parin siya sa wedding gown niya, hindi ba hija?"

"uh... o-opo" sabi ko at napatingin kay Thaigo. Huminga lamang ito ng malalim bago sumandal sa upuan niya

____

Beautiful Mistake (Mafia Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat