Chapter 11 (Flesh and Blood)

Start from the beginning
                                    

Panay ang tingin niya kay Jaxon pero nanatiling blangko ang mukha nito.

"May itatanong sana ako. Sana ay...masagot mo," aniya nang hindi makapagpigil sa katahimikang namamagitan sa kanila.

"It depends on your question, Miss Seiranel," magalang na tugon nito.

"Iyong nangyari kanina sa...kusina. 'Yong babae, bakit nakahandusay siya at—"

"She's new here. Siguro ay nawala sa isip niya ang mga tinuro sa kaniya at kung ano ang mga bawal sa pamamahay na ito. Ilang taon naming pinagbabawal sa pamamahay na ito ang kutsilyo. Sir Hunter turns into a different person whenever he sees one. He was traumatized by it," diretsong sabi nito.

Trauma? Sa kutsilyo?

Nakakaintinding tumango siya at hindi na ulit umimik pa. Kaagad siyang bumalik sa loob ng kuwarto niya matapos kumain.

Napapabuntong-hiningang pabalik-balik na naman siyang naglalakad doon. Panay rin ang bukas niya ng pinto, umaasang bubukas ang pinto sa kaharap niyang kuwarto.

Malungkot siyang napabuntong-hininga at nagpasyang maligo. Nang matapos sa pagligo ay umaasa siyang makakatulog siya kaagad pero hindi pa rin siya mapakali.

Muli niyang tinungo ang pinto at binuksan iyon. Nanlaki ang mga mata niya at biglang napaatras nang sumalubong sa kaniya si Hunter.

Mabilis niya itong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Nang makabawi siya sa pagkabigla ay nagsalita siya.

"Ayos ka lang ba? Kumusta ang sugat mo sa—" hindi niya natuloy ang sasabihin nang biglang humakbang ang binata at basta na lang pumasok sa loob ng kuwarto.

Kasabay ng pagsara nito ng pinto ay ang mariing pagsakop nito ng halik sa labi niya. Bago pa man siya makatugon sa halik ng binata ay sinapo ng magkabilang kamay nito ang mukha niya.

"I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry for hurting you. I'm really sorry," sunod-sunod itong nagsalita habang pinagdikit ang noo nilang dalawa at mariin itong nakapikit.

Gulo-gulo ang buhok ng binata at wala pa itong suot na tsinelas sa mga paa. Hinihingal at pinagpapawisan din ito na tila ba nagmamadaling pumunta rito sa kuwarto niya pagkagising pa lang nito.

Dahan-dahang umangat ang kamay niya at masuyong hinawakan ang pisngi ng binata. Unti-unti itong nagmulat ng mga mata at malungkot na tiningnan siya sa mga mata.

"Ayos lang ako, Hunter. Alam kong hindi mo iyon sinasadya. Naiintindihan ko," aniya sa mahinang boses habang titig na titig sa mga mata nito.

Dahan-dahang bumaba ang tingin nito sa leeg niya at mariing napamura. Masuyong naglandas ang daliri ng binata sa leeg niya.

"I hurt you. I'm really sorry," anito sa mahinang boses habang titig na titig sa leeg niya.

"Ayos lang ako," muling sabi niya.

Napabuntong-hininga ang binata at masuyo siyang hinawakan sa kamay. Naglakad ito patungo sa kama at umupo roon. Masuyo siya nitong kinandong sabay angat sa nakalugay niyang buhok.

Maingat nitong hinalik-halikan ang leeg niya na tila ba iyon ang paraan nito para matanggal nito ang kapangahasang ginawa.

"Hunter, ayos lang ako. Pangako," aniya para tumigil na ito sa ginagawa.

Napabuntong-hininga ito at binaon ang mukha sa dibdib niya na tila ba isa itong bata na nilalambing siya dahil may kasalanang ginawa.

Mahina siyang natawa sa inaakto ng binata. Ngayon lang niya nakitang ganito si Hunter.

"You're laughing at me," akusa nito nang umangat ang tingin sa kaniya pero nakasubsob pa rin sa dibdib niya.

"Hindi lang ako makapaniwala. Ang akala ko ay hindi ka marunong lumambing," aniya habang mahina pa ring natatawa.

Umayos ito ng upo at masuyong sinakop ng halik ang labi niya. Kaagad niya iyong tinugon hanggang sa unti-unti iyong lumalim. Halos malunod siya sa halikan nila ng binata. Ayaw siya nitong bitawan at mas lalo lang lumalalim ng halik nilang dalawa.

Kaagad siyang nakaramdam ng matinding init sa katawan. Para siyang nasusunog. Tila nasasaktang napaungol siya.

"H-Hunter..." nasasaktang bulong niya.

"Yes, baby?"

Hingal na hingal niyang hinubad ang suot na damit sa harapan ng binata at nag-umpisang gumiling sa kandungan nito.

"You need me," bulong nito habang titig na titig sa mukha niya.

Tila nalalasing na tumango siya, hirap na hirap sa sitwasyon niya ngayon. Kung hindi pa kikilos ang binata ay siguradong kusa niyang paliligayahin ang sarili.

Sinapo ng binata ang mukha niya.

"Listen, baby. Don't let someone touch you the way I do, okay? It's dangerous, you know that," anito sa mariing boses.

Hindi niya alam kung guni-guni lang ba niya ang nakitang takot na dumaan sa mga mata nito. Mabilis siyang tumango at awtomatikong hinawakan ng sariling mga kamay ang malulusog niyang dibdib. Malakas siyang napaungol at tila napapaso.

"Hunter...p-please..." wala sa sariling pakiusap niya.

Ang mga kamay niyang nilalaro ang magkabilang dibdib ay inalis ng binata. Awtomatiko siyang napaliyad nang maramdaman ang sarap na dulot ng mainit na dila ni Hunter sa dunggot niya.

Malakas siyang napaungol at napasabunot sa buhok ng binata. Mas pinagduldulan niya ang dibdib sa binata at mas dinama ang mapangahas na dila nito.

Sa nanginginig na mga kamay ay hinubad niya ang saplot ng binata. Mabilis nitong hinila ang suot niyang shorts hanggang sa tuluyan na siyang walang saplot sa katawan.

Sinapo niya ang mukha ng binata. Nagkatitigan silang dalawa.

"Akin ka lang," mariing sabi niya.

Tila nahipnotismong tumango ito.

"I'm only yours, baby," anito habang hinahaplos ang buhok niya. "I will always be yours," bulong nito.

"Pangako?"

Muli ay tumango ito at kumilos. May kinuha ito mula sa drawer malapit sa kanila. Kinuha ng binata ang kamay niya at pinahawak sa kaniya ang hawak nitong ballpen. Napasinghap siya nang walang pag-aalinlangang iginiya ng binata ang kamay niyang may hawak na ballpen patungo sa dibdib nito at ibinaon iyon doon. Dahan-dahang dumugo ang dibdib ng binata.

"I promise with my flesh and blood," mahinang tugon nito at umangat ang sulok ng labi.

To be continued...

A/N: As promised, updates every Saturday and Sunday.😘

Isla Fontana Series #4: Ruthless Slave (COMPLETED)Where stories live. Discover now