LAST DAY

96 71 31
                                    

*******

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*******

The sun was already out when the fire went out in the garden. However, we didn't save anything or anyone. Napaluhod ako sa sahig habang nakatingin sa kabuuan ng garden habang patuloy na nahuhulog ang bubong at mga pader nito. Habang nahuhulog ang mga structure nito ay doon naman namin nakita ang mga sunog ng halaman at katawan ng mga kaklase namin. May iba sa kanilang nakataas pa ang kamay na para bang hanggang sa huling minuto ng buhay nila ay sinubukan nilang makalabas. Ang natatanging kaya lang naming gawin ay panoorin ang nangyayari mula sa malayo.

"Sila Chelsea" Umiiyak na sambit ni Andrea.

"Siguro last resort 'to ni Zero in case na mahuli siya" Saad ni Zeus.

"Napakagago niya talaga" Sambit ni William habang nakakuyom ang kamao nito.

"Bakit ba kailangang mangyari pa 'to? Kung kailan nahanap na natin kung sino ang pumapatay" Umiiyak na sambit ni Bea.

"Kung kailan huling araw na at makakalabas na tayo eh" Dagdag naman ni Jane.

"Wala na tayong magagawa. Bumalik na kayo sa mga dorm niyo at magkita-kita tayo sa canteen mamayang lunch para pag-usapan kung anong gagawin" Utos ni Raver sa lahat. Kahit na nanghihina, pinilit ng lahat na tumayo at tulungan ang isa't-isa.

"Ashley" Tawag ni Raver sa kaibigan naming namumugto pa ang mata.

"Bakit?" Tanong naman ni Ashley sa kanya habang sumisinghot pa.

"Can you stay behind?" Tanong ni Raver. Tumingin naman sa direksyon namin si Ashley kaya tumango na lang kami sa kanya. Naglakad siya papalapit kay Raver habang naglakad naman kami paalis ni Naomi.

Dahan-dahan ang naging paglakad namin at pareho kaming tulala pa kaya naman ng matauhan kami ay nasa tapat na kami ng dorm. Kasabay namin ang mga kaklase namin sa pag-akyat sa elevator at pagdating namin sa fourth floor ay agad kaming pumasok sa kwarto namin. Dumiretso ng higa si Naomi sa kama niya kaya naman sa cr na ako dumiretso para maligo.

Pagkalabas ko sa cr ay umupo ako sa kama ko at nakita ko si Naomi na nakahiga pa din kaya hindi na ako nagsalita at pinatuyo na lang ang buhok ko. Nakatakip ang braso nito sa mata niya at nakita ko kung paano may tumulong luha sa pisngi niya. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil kapag nakita ko siyang umiiyak ay paniguradong maluluha na naman ako. Ayoko nang umiyak. Sobrang sakit na ng mata ko.

"Si Zero na ba talaga ang pumapatay? Siya kaya yung pumatay kay Eric?" Pagbasag ni Naomi sa katahimikan namin.

"Probably since yung dahilan ng pagpatay niya ay may connect sa akin" Sagot ko dito. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka kasalanan ko ang lahat ng ito kahit na hindi ko naman ginustong magustuhan niya ko. Kasi alam kong ako ang punot dulo ng lahat. Kung hindi ba nangyari yun sa akin dati ay hindi magiging ganito ang lahat? Kung hindi ko ba kinakausap si Zero, hindi kaya siya magkakagusto sa akin at hindi papasok sa utak niya na gumawa ng ganito?

HUNTER OR PREYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon