“Tayong dalawa lang sa liblib na lugar na ito.” Nakataas-baba ang dalawang kilay niyang sambit.

Kanina pa ang lalaking ito. Mukhang araw niya ngayon. Mukhang nasa mood siyang mangmanyak.

Bumaling ako sa phone. Mamaya ka lang, Jetty. Tingnan natin kung sino ang unang titiklop. I set the camera into 5 seconds timer and fingerprint shooting para mas madali lang.

Humarap ako sa kaniya. Nakapameywang siya habang nakangising nakatingin sa akin. Tiningnan ko siya sa mata at lumapit sa kaniya.

“Really, Jetty? Sigurado ka na bang gagawin natin iyon? Handa ka na ba?” Hinagod ko ang aking kamay sa aking leeg at dibdib sa paraang inaakit siya. “Kasi ako,” tumayo ako sa kaniyang harapan. Nakita kong unti-unting nawala ang ngisi sa kaniyang labi. Humawak ako sa kaniyang balikat at pakiliting idinausdos pababa sa kaniyang matipunong dibdib. “ready'ng-ready na.”

Inikot ko ang aking isang kamay sa kaniyang batok at lumundag nang bahagya at pa-bridal style na nagpakarga sa kaniya. Kaagad niya akong sinalo. Lumingon ako sa camera. Itinaas ko ang aking kamay at iniharap ang palad ko sa camera. Kaagad gumana ang timer nang ma-detect nito ang darili ko.

“Ready'ng-ready na ako sa camera, Jetty! Smile!” Nakangiti akong nakatingin sa camera. Ang isang kamay ko ay nakataas habang ang isa ay nakakapit sa batok ni Jetty.

“Silly.” natatawang bulong ni Jetty at hinalikan ang ulo ko.

At iyon ang nakunan ng camera.

Bumaba ako sa pagpapakarga sa kaniya. Lumapit ako sa phone at kinuha ito. Tiningnan ko ang larawan namin. Hindi nga ako nagkamali. Iyon nga ang nakuhang larawan. Naka-bridal style akong nakakarga sa kaniya habang siya naman ay nakahalik sa ulo ko. Maganda naman tingnan. I find it cute and sweet.

“Ang cute natin tingnan, Jetty.” sambit ko.

“Mas cute ka.” tugon niya.

“Maganda ako.” ani ko.

“Always.”

Tiningnan ko siya. Naglakad siya papunta sa nakalatag na picnic blanket at umupo roon. Tumingin siya sa akin. “Bring that basket.” saad niya.

Binitbit ko ang basket papunta sa kaniya. Ibinaba ko sa kaniyang gilid at umupo ako.

Hawak-hawak ko ang kaniyang phone. Pumunta ako sa kaniyang gallery upang tingnan ang mga larawan doon.

“Ba't mga stolen pictures ko ang laman ng gallery mo, Jetty? Kailan mo ito kinuha?" tanong ko habang isini-swipe ang mga larawan.

Hinawakan niya ako sa aking magkabilang braso at hinila ako pasandal sa kaniyang dibdib.

“Everyday.” sagot niya.

“Mapupuno ang phone mo.”

Naramdaman kong hinalikan niya ang tuktok ng aking ulo. “I always buy memory card na may malaking GB. And I transferred all your photos to the card. Kapag napuno na ang memory card ay tatanggalin ko ito at lagyan na naman ng panibagong memory card ang phone.” sagot niya.

Tiningala ko siya. “Kung araw-araw mo akong kinunan ng larawan edi ilan na ang nalikom mong memory card?” tanong ko.

Nanggigigil niyang ikiniskis ang kaniyang mataas na ilong sa noo ko. “Hindi na mabilang. Nasa treasure box ko inilagay ang lahat ng mga bagay na may kaugnayan sa iyo.”

Ibinaba ko sa gilid ang phone. Hinawakan ko ang kaniyang kamay na nakayapos sa akin. Tumingin ako sa mga puno.

“I love you, Jetty.” sambit ko.

After the Sorrow 2 ✓Место, где живут истории. Откройте их для себя