Pero yung last na narinig ko na ex-bestfriend raw ni Ivan.May best friend pala dati si Ivan?pero bakit wala naman siyang nabanggit sa'kin tungkol dun?di kaya may tinatago siya sa'kin?Pero bakit naman nagsisikreto sa'kin si Ivan eh yung promise namin to each other na walang taguan ng sekreto.Di bale tatanungin ko nalang siya mamaya.

“Why are you here?” seryosong tanong ni Tristan kay Irene.

“Why?hindi ba pweding makisabay sa inyong na magsnacks?and besides ginagawa naman natin 'to noon ah.So?I don't see anything wrong with that.” nakangiting sagot ni Irene.

“Noon yun.Hindi na ngayon.” seryosong ani ni Tristan. “Shia...” natigil ako sa pagsubo ng Burger nang tawagin ako ni Tristan sa nickname ko.Minsan ko lang siyang narinig na tinawag ako sa pangalan ko ba yun dahil usually Shianna naman talaga tawag niya sa'kin,minsan naman mega phone.Dahan-dahan ko siyang nilingon at nang magtama ang mga mata namin ay umiwas ako agad.Para kasing naiilang ako mga tingin ni Tristan.

“May kailangan ka?” tanong ko nang hindi nakatingin sa kaniya.

“Come with me.” he said and made my forehead creased.

“Huh?Bakit naman ako sasama sayo eh di pa ako tapos kumain ah.” sagot ko sa kaniya pero hindi ko pa rin siya nilingon.

“Are you uncomfortable with me?” takang tanong nito.

“Anong pinagsasabi mo dyan?Bakit naman ako maiilang sayo?Pssh...” sagot ko kay Tristan sabay irap sa hangin.

Hindi naman ako naiilang e,slight lang.Pero mas iniisip ko yung pagkain sa harapan ko.Sayang itong burger,fries,coke,ice cream,sandwich at iba pang pagkain na nasa harapan ko ngayon.Mas importante pa rin yung pagkain sa'kin noh.

“If that's the case.Then,go out with me.” Tristan said all of a sudden.Natigil ako sa pag-nguya at gulat ko siyang nilingon,muntik pa akong mabilaukan sa sinabi ni Tristan.

Ano raw?go out with him?out as in Date?ano na naman ang nakain nito o kung ano mang dem*nyo ang sumapi sa kaniya.

“What are you saying Tristan.Stop it,pinagtitinginan na kayo ng mga students.” di makapaniwalang sabi ni Lyxe kay Tristan.Tama si Lyxe,pinagtitinginan at pinagbubulongan na kami ng mga students sa paligid.Medyo nagmumukha na kaming artista eh.Hate ko pa naman maging center of attraction.

“Anong pinagsasabi mo dyan?” takang tanong ko kay Tristan.Napalingon ako kay Stanley at pati rin siya ay nagulat sa sinabi ni Tristan.Sino ba naman hindi magugulat dun?maski nga siguro alikabok magugulat rin eh.

“I said go out with me.” ulit nitong sabi.

Sige ulit-ulitin mo pang sabihin.Ipalandakan mo sa buong campus yang pinagsasabi mo.Jusko ako yung nahiya sa pinagsasabi nito.Nawalan na rin ako ng ganang kumain.

“That's nonsense Tristan!why would you date someone like here?” di makapaniwalang sabi ni Irene.Pero parang iba yung way ng pagkakasabi niya eh.Parang pinapamukha niya sa'kin na walang makikipagdate sa tulad ko.Bakit?hindi naman ako pangit ah.Uminit na rin yung ulo ko dahil sa sinabi ni Irene.Para na rin niya kasi akong pinapahiya.

Kung plano man 'to ni Tristan para ipahiya ako sa buong campus then I won't accept his bait.Hindi niya ako ma-uuto.Tumayo ako at humarap kay Tristan.

“Kung boring ka na sa buhay mo.Bilangin mo nalang yung butil ng isang sakong bigas.Tandaan mo 'to Tristan.H'wag ako yung pagtripan mo.Maghanap ka nalang ng ibang mapagtripan mo.” seryoso kong sabi sa kaniya at nilagpasan siya.Binangga ko pa yung balikat niya para dama niya na hindi ako natutuwa sa mga ginagawa niya.

Now I realized.Kaya pala ang bait niya sa'kin this past few days.Ito pala yung dahilan.Para ipahiya ako sa buong campus.Kung ayaw niya ako sa section nila pwede niya naman sabihin sa'kin eh.Kasi ang isasagot ko sa kaniya?hindi ako aalis sa Section Z.Lalo na ngayon na naging kaibigan ko na sila Rian,Rylle at pati na rin si Vince lalo na si Stanley.Manigas siya,hindi ako aalis sa Section Z kahit ano mang mangyari.Manigas siya tulad ng utot na pumasok sa ref hmmp.

I took my phone out of my pocket and dialed Ivan's number.After ng ilang segundo ay sinagot niya ito.

[“Hello Shianna.Napatawag ka?”]

“Mag-usap tayo mamaya.Same place,dun sa tambayan natin sa park.” ma-awtoridad kong sabi kay Ivan.Hindi ko na hinintay pang sumagot siya,binaba ko na ang tawag and I shutdown my phone.Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at hindi alintata kong ano at sino man ang mabangga ko.Naramdaman ko rin ang malamig na likidong dumaloy sa pisngi ko.Lakad lang ako ng lakas hangang sa napatigil ako dahil nabangga ang noo ko.Tinignan ko kung ano iyon at nagtaka ako na isa itong kamay na nakaharang sa puno.Kung hindi ito hinarang ang kamay na iyon ay malamang nabasag na yung noo ko dahil sa puno talaga yun tatama.Nilingon ko ang nagmamay-ari ng kamay na iyon.Kumunot ang noo ko dahil hindi ko naman siya kilala pero hula ko 4rth year high school rin siya pero ibang section yata.

“Thankyou...” pagpapasalamat ko sa ginawa niya.

“Don't say thankyou.I was protecting the tree.Ang tigas kasi ng noo mo,parang bato,baka mapano yung puno.” sagot nito sabay mahinang hampas ng noo ko pagkatapos ay tumalikod na ito nang may tumawag sa kaniya.Nawala ang reaksyon ko sa mukha dahil sa sinabi niya.

Wow ah,salamat nalang sa lahat.Akala ko pa naman noo ko yung prinotektahan niya.Yung puno pala.Tree lover tss...

Pero saka ko lang na realized yung tumawag sa kaniya.Pamilyar kasi yung pangalan.

Travis...

|A Q U A V I A M O U R|
[TOGOSZ]

A/N:Chapter 40 will be updated tonight...

S1:The Only Girl of Section Z | COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora