“Hoy awatin niyo sila ano ba!”

“Guise can you please tawag for help na!”

“Ano ba h'wag nga kayong tumawa!awatin niyo!”

“Hayaan mo siya.Hindi naman kayo ang mapaparusahan eh.Siya naman.”

“Yeah right.Ang transferee na mayabang ay dapat maturuan ng leksyon.”

Ibat-ibang opinyon at sigawan ang narinig ko pero wala na akong pakealam pa.Susuntukin na sana ako ng isang lalaki sa likod ko pero may pumatid sa kaniya kaya naman ay tumilapon ito.Agad namang nagulat ang iba at nag-iisahang tumakbo.

G*go talaga.Akala siguro nila ay hindi ko sila papatulan.Aba hindi yata nila ako kilala.Wala akong laban na inuurungan.

I turn around at tinignan ko kung sino iyon at laking gulat ko nang makita ko si Tristan na seryosong nakatingin sakin.Lumunok ako ng ilang beses dahil sa uri ng tingin niya.

“T-tristan…”dahan-dahan siyang lumapit sakin at hinawakan ako sa braso.Naramdaman ko nalang na naglalakad na pala kami sa labas ng cafeteria.Nawala na rin ang gutom ko dahil sa nangyari.

“Let go of me!”pilit kong inaagaw ang braso ko sa pagkakahawak ni Tristan pero masyado siyang malakas.

“Shut up woman!”malamig nitong sagot.

“Ano ba Tristan bitawan mo nga ako!”he stopped walking and let go of my hand.He turn around at ngayon ay magkaharap na kami.I can't figure out what he's thinking right now.Masyadong malamig ang uri ng tingin niya sakin na mas lalong dumagdag sa kabang nararamdaman ko ngayon.

“Are you Crazy?”sabi nito sakin.

“What?anong baliw?ako baliw?baka ikaw!”sagot ko sa kaniya sabay turo sa kaniya.He chuckled and looked at me seriously.

“Earlier.Yung gulong ginawa mo.Hindi mo alam kong among consequences non Shianna.”

Consequences?may ganun ba?sa old school ko yung consequences lang naman kapag nakikipag-away ako ay malilipat ako ng school.Kung ganun rin mangyayari ngayon.Pwede naman akong humingi ng tawad sa dean para matapos na at hindi ako malipat ng school.Nakakapagod na kasing palipat-lipat eh.

Umirap ako sa hangin at tinalikuran si Tristan pero bago pa ako makaalis ay may sinabi siya na naging dahilan ng kaba ko.

“Be ready.Face the consequences.Sana maawa sayo ang Dean.”yun lang ang sinabi niya at nauna nang umalis.Ako naman ay nakatayo pang at nakatulala at iniisip kong anong meaning nang sinabi ni Tristan.

Stanley's P.O.V

Inip na inip na ako sa boses ni Rian.Kanina pa kasi siya reklamo ng reklamo at dada ng dada.Sumasakit na ulo ko sa boses niya.Dinaig pa yung volume ng ipods ko sa boses niya.

“Can you please shut up Rian?and lower down your voice too.Marunong ka naman sigurong nahiya diba? look around you.Pinagtitinginan ka na dahil sa boses mo.”sita ko kay Rian pero inirapan lang ako nito.Hayst,sumasakit na ulo ko sa taong 'to.Hindi ko talaga alam kung kelan nagmamatured si Rian.Habang tumatagal mas lalong nagiging childish.

“Eh ang tagal kasi ni Shianna eh!sabi niya susunod siya agad pero hangang ngayon wala pa rin siya.”nakangusong sabi nito.Napailing nalang ako sa ugali ni Rian.Magsasalita sana ako pero nakita ko si Shianna na papasok na ng cafeteria at pumunta na sa pila.

“Ayun siya Rian.Kaya tumigil ka na dyan.”I told him.Agad namang lumingon si Rian at saktong namang pagalingon niya ay natumba si Shianna dahil may tinulak dito.

“Aba g*go yun ah!”Tatayo na sana si Rian pero sinenyasan ko sina Steve at Stephen na hawakan si Rian sa braso na agad naman nilang ginawa.Pilit na kumawala si Rian sa pagkakahawak ng magkambal pero hindi niya magawang kumawala.

“Stop it Rian!”sita sa kaniya ni Adrian.Ako naman ay seryosong nakatingin lang kay Shianna at nabigla kami dahil sobrang bilis ng pangyayari.Napatumba ni Shianna ang mga estyudanteng lalaki.Aaminin ko na amaze ako sa ginawa niya.Ngayon palang kasi ako nakakita ng babaeng mas malakas pa sa lalaki kung makipaglaban.I looked at Zander pero wala man lang niisang reaction sa mukha nito.Siguro alam na niyang marunong makipaglaban si Shianna.Malamang pinsan niya ito.

“Let Go of me Steve!ano ba Stephen bitawan mo ako!lalapitan ko lang si Shianna!”pilit na kumala si Rian.

“Stop it Rian.Hwag kang sumali Jan.Alam mo.naman ang mangyayari diba?”sabi ni Vince kay Rian.

“Oo nga Rian kaya kung ako sayo tumahimik ka.nalang dyan.”sunod namang sabi ni Lyxe.

May lalaking susuntok sana kay Shianna at hindi niya ito napansin.Hindi ko alam pero bigla nalzang akong tumayo at lalapitan sana si Shianna pero may nakauna na sakin and it's Tristan.Sumali na rin siya gulo at pagkatapos ay hinawakan niya si Shianna sa braso at hinila niya ito palabas.Umupo nalang ako ulit at pinagmasdan silang dalawa na palabas ng cafeteria.

“Good luck for the both of you…”bulong ko sa sarili ko.

|A Q U A V I A M O U R |
[TOGOSZ]

S1:The Only Girl of Section Z | COMPLETEDWhere stories live. Discover now