Humiga ko sa kama ko at natulog na muli ako. 

Kinabukasan madilim-dilim pa nang lumabas ako sa silid ko nito kaya tumungo na ako agad sa kusina upang mag kape.

Tahimik pa ang kapaligiran nito at walang katao-tao sa labas kaya ako na lang mismo ang nag timpla ng kape ko. Habang nag titimpla ako ng kape ko ay may kakaibang hangin ang dumaan sa aking likuran.

Nangilabot ang buong katawan ko dito kaya napatingin ako agad sa likuran ko at nakita ko si Lucio na nakaupo sa sulok.

Napatitig ako sa kanya nito at lumapit ako sa kanya.

"Hindi ka pa rin umuuwi?" iritableng tanong ko sa kanya.

"I can't go home without talking to you 'yung tipong walang galit at sumbatan," sabi niya sa akin.

"Ano bang gusto mong mangyari? Gusto mo bang makasama ang anak mo?" tanong ko sa kanya. "Sige ibibigay ko ang rights mo na makasama ang anak mo,"

"Hindi lang si Bella ang gusto kong makasama,"

"Ayan ang hindi ko mabibigay,"

"Maghihintay ako hanggang sa mapatawad mo ako tatanggapin ko lahat ng galit na 'yan,"

"Walang katapusan ang galit ko sayo Lucio. Sana naman maintindihan mo 'yun na tapos na ang lahat sa atin. Palayain mo na ako Lucio gusto ko na ng buhay na maayos ayoko na ng natatakot ako,"

"Ipaglalaban kita at ipagtatanggol,"

"Bakit ngayon pa? bakit ngayong kaya ko nang mabuhay na wala ka? Alam mo ba kung anong nangyari sa akin sa loob ng walong taon? Huh Lucio?"

"Paano ko  malalaman kung iniwan mo ako ng walang sabi,"

"Paano ko sasabihin sayo kung ikaw nga mismo hindi naniniwala sa akin? Gusto niyo pang ipapatay si Bella dahil sa katangahan mo!"

"Niloko niya ako wala akong kaalam-alam sa nangyari,"

"Wala kang alam kasi nagtatangahan ka at nagbubulag-bulagan! Hindi mo ako inisip Lucio dahil ang mahalaga lang sayo ay ang sarili mo!"

"Alam ko sobrang laki ng pagkakasala ko sayo pero sana naman pakinggan mo ako. Hindi ko ginusto na maging ganito ang nangyayari sa ating dalawa. Mahal na mahal kita Gianna ikaw lang ang mahal ko,"

"Mahal mo? Paano mo nasabing mahal mo ako eeh pinatira mo ang kabit mo sa bahay mo,"

"Nalugi ang kumpaya Gia,"

"Mag asawa tayo Lucio pero hindi mo sa akin sinabi 'yang mga 'yan. Bakit kailangang si Celine ang unang makaalam? Bakit sa kanya ka agad lumapit imbis na sa akin?"

Hindi ako masagot ni Lucio kaya't ako na lang rin ang sumagot sa tanong ko.

"Aaah... Oo nga naman bakit mo nga kasi sasabihin sa akin na nalulugi na ang kumpanya mo eeh wala naman akong maitutulong noon? Sino ba naman ako 'di ba? Isa lang naman akong probinsyana na naghangad na makapag aral sa Manila tapos nag pakasal ako sa taong hindi ko naman kilala," natatawang kwento ko sa kanya. "Ano naman kasing panama ko sa one greatest love mo na sobrang yaman at sobrang ganda?"

"Hindi sa ganun 'yun,"

"Eeh ano! Bakit hindi mo masabi sa akin? Bakit kailangang ipagkanulo mo ang sarili mong asawa sa impaktang 'yun?"

"Kasi,"

"Kasi ano? Sabihin mo Lucio! Sabihin mo para maliwanagan ako!"

"Nahihiya ako na sabihin sayo." malungkot na tugon niya.  

Hindi ko alam kung bakit bigla akong tumawa ng malakas sa sinabi niya parang kasing nakakatanga lang.

"Alam mo nakakatawa ka! Nahihiya ka sa akin? Bakit?"

"Nahihiya ako kasi gustong mabigyan ka ng magandang buhay pero naging fail ako! Si Celine ang una kong nilapitan dahil alam kong matutulungan niya ako agad pero hindi ko naman alam na may masama siyang plano sa ating dalawa. Hindi ko alam na gusto ka niyang patayin!"

"Ngayon alam mo na? Alam mo madali lang magawan ng paraan 'yung pagkalugi mo eeh pwede ka naman lumapit sa mga kamag anak mo nandyan lang naman 'yang mga 'yan para tulungan ka pero hindi mo ginamit ang kokote mo,"

"Oo na mali na ako kaya nga sinusubukan kong itama ang lahat ngayon,"

"Huli na ang lahat Lucio hindi mo na kayang itama ang mga pagkakamali na ginawa mo sa akin,"

"Kaya ko at kakayanin ko,"

"Ang tiwala at pag mamahal ko sayo ay parang bula naglaho na lang bigla. Alam mo kung anong natira?"

"Ano?"

"Poot, galit at pagkasuklam."

Lumapit sa akin si Lucio at hinawakan ang aking kamay ngunit tinanggal ko ulit ito at inaya ko na siyang umalis sa aking bahay.

"Lucio, you may now leave and please tigilan mo na ako. Ako na ang bahala sa kaso ko dahil laban ko lang 'to." seryosong sabi ko sa kanya.

Hinintay ko na makipag argumento pa sa akin si Lucio nito ngunit hindi na siya nagsalita pang muli at umalis na siya sa aking harapan at lumabas ng pinto.

Habang papalayo si Lucio sa akin ay parang gusto ko siyang pigilan ngunit pinipigilan ako ng aking utak sa gusto kong gawin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONEWhere stories live. Discover now