KABANATA XXIV

856 37 7
                                    

Sobrang yamot na yamot ako sa nangyari kanina sa bahay nakakasira ng araw dahil ke-aga aga ay bangayan ang naririnig ko. Habang nasa biyahe ako ay tinawagan ko si Emily para i-cancel lahat ng meeting na meron ako at nag sabi ako na hindi ako makakapasok ng trabaho ngayong araw.

Iniliko ko ang sasakyan ko at sinundan ko sa mall sila Gianna.

Mabilis akong nakarating sa mall at nakita ko sa malayo si Manang Pasing at Gianna na papapasok sa loob ng mall kaya agad kong pinark ang sasakyan ko sa malayo upang hindi ako makita ni Mang Robert at dahan-dahan akong pumasok sa loob ng mall para silipin kung anong ginagawa ni Gianna.

Nasa malayo lang ako na pwesto ngunit mula sa malayo ay natatanaw ko pa rin si Gianna na pumasok sa isang department store. 

Patago-tago ako sa mga damitan ng mga oras na ito ng nakita ko siyang masayang namimili ng damit na pang babae at mga damit na pang lalaki. Napakunot ang noo ko dahil sa dami ng kinuha niyang damit at yung damit ng lalaki ay hindi pang size ko.

"Meron po ba akong maitutulong sa inyo?" bigla nalang na tanong ng isang sales lady sa akin.

Nagulat ako sa pagsulpot ng babae kaya agad akong nagtago sa ibang lugar.

"Wala akong kailangan." mahinang sambit ko sa kanya sabay alis sa tabi niya.

Nakatuon lang ang paningin ko kay Gianna hanggang sa narinig ko siyang nagsalita.

"Magugustuhan kaya ito ni Inay at Itay?" nakangiting sambit niya habang nakatingin sa mga damit na buhat-buhat niya.

"Para pala ito sa magulang niya." nakangiting sambit ko.

Lumakad muli si Gianna sa loob at nakakita siya ng isang malaking picture frame. Nakangiti siya dito at sabay hipo sa tiyan niya.

Nalungkot ako ng makita ko siyang maluha-luhang nakatingin sa picture frame habang nakahawak sa tiyan niya.

"Pinapangako ko sayo na Gianna na poprotektahan kita kay Celine kahit anong mangyari." seryosong sambit ko sa sarili ko.

Habang nag hahanap si Gianna ng mga damit ay lumapit sa kanya si Manang Pasing at pinapakita ang damit na hawak nito.

Nakangiting inabot ni Gianna ang mga damit na dala-dala ni Manang Pasing at sabay pumunta sila sa cashier para magbayad nito.

Sobrang saya ng dalawa na magkasama sila parang sobrang lapit nilang dalawa. Pagkatapos mag bayad ni Gianna sa cashier ay hinawakan niya sa braso si Manang Pasing at lumabas na sila sa loob. Nakatingin lang ako sa kanila habang papalayo sila sa akin.

Sinusundan ko lang silang dalawa ng mga oras na ito hanggang sa pumunta si Parking.

"Hindi na sila mag go-grocery?" tanong ko nalang bigla.

Pagsilip ko sa kanila sa parking ay nakita kong pinapagalitan ni Manang Pasing si Mang Robert kaya nagtago ako sa mga sasakyan dito at tiningnan ko lang sila kung anong gagawin nila. Pinasok na nila sa loob ang mga pinamili nila at pumasok muli sila sa loob.

"Siguro mag gogrocery na sila." sambit ko.

Lakad sila ng lakad na tatlo hanggang sa makapunta na sila sa grocery para mamili ng mga pagkain sumunod lang ako sa loob ng grocery at nag panggap na mamimili din. Panay ang kuha ni Gianna ng mga junkfoods at mga process foods kaya napapailing nalang ako sa kanya.

Parang mag ina ang turingan nila Gianna at Manang Pasing talagang napakalalim ng samahan nilang dalawa.

Lumipas ang kalahating minuto ay natapos na silang mamili sa grocery akala ko didiretso na sila sa parking para umuwi ngunit pumasok silang tatlo sa isang restaurant at masaya silang kumain na tatlo doon.

Nakangiti lang ako sa kanilang tatlo habang pinag mamasdan ko kung paano tratuhin ni Gianna ang mga kasama namin sa bahay. Sobrang swerte ko sa asawa ko ngunit sobrang malas naman niya sa akin dahil ako ang napangasawa niya.

Nakakagutom pag masdan ang tatlo kaya umalis na ako sa mall at tumungo na ako sa opisina ko.

Akala ko hindi na ako papasok sa trabaho ngunit heto ako ngayon at nag ba-biyahe papunta sa trabaho ko.

Lumipas ang ilang minuto sa daan ay nakadating na ako sa trabaho ko. Agad akong sumakay sa elevator at tumungo sa opisina ko.

Pagbukas na pagbukas ng elevator ay madali akong lumabas dito para makarating sa opisina ko. Habang papasok ako sa opisina ko ay gulat na nakatingin sa akin si Emily.

"Akala ko ba hindi ka papasok?" gulat na tanong niya sa akin.

"Wala eeh. Nahihiya akong lumapit kaya umalis nalang ako at pumunta nalang ako dito," seryosong sambit ko sa kanya.

"Pumunta pala sa opisina mo si Celine at galit na galit siya ng malaman na hindi ka papasok," sambit ni Emily sa akin.

"Wala akong pake sa kanya." inis na sambit ko kay Emily sabay pasok sa loob ng opisina ko.

Tinapon ko sa upuan ang coat ko at umupo na ako sa upuan ko. Wala akong maisip kung anong gagawin ko dito dahil lumilipad na naman ang utak ko kay Gianna. 

"Lalo mo akong binabaliw Gianna!" inis na sambit ko habang hipo-hipo ang ulo ko.

Habang urat na urat ako kakaisip kay Gianna ay biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ito at nakita kong tumatawag sa akin si Celine.

"Peste!" inis na sambit ko habang paulit-ulit na dine-decline ang tawag ni Celine.

Lumiyad ako sa upuan ko at huminga ako ng malalim. Ipinikit ko ang mata ko at sinimulan kong hanapin ang tulog ko ng biglang bumalagbag ang pinto ng silid ko.

Nakapikit lang ang mga mata ko habang galit na galit na si Celine na pumasok sa opisina ko.

"Kanina pa ako tumatawag sayo Lucio bakit hindi mo sinasagot?" galit na tanong niya sa akin.

Nakapikit lang ang mga mata ko ng mga oras na ito habang patuloy kong kinukuha ang tulog ko.

"Hindi mo ako kakausapin?" galit na tanong niya muli sa akin. , "Lucio! Ano ba! Dala-dala ko ang anak mo pero lagi mo akong iniistress!" galit na sambit niya sa akin.

Hindi ko pa din pinapansin si Celine ng mga oras na ito at hinahayaan ko lang na maputol ang litig niya kakasigaw sa akin.

Sobrang toxic na tao ni Celine sobrang nakakadala kung bakit hinayaan ko pa siyang bumalik sa buhay ko at sirain kung anong meron sa amin ni Gianna.

Pinagtatapon ni Celine ang mga gamit ko sa sahig at pinag babasag niya ang lahat ng makita niyang pwedeng basagin dito hanggang sa si Emily na ang pumigil sa kanya.

"Celine, Hindi ka ba naaawa sa anak mo? Kapag nakunan ka mas lalong mawawalan ka ng karapatan kay Lucio kaya kung ako sayo bumalik ka na sa opisina mo kung ayaw mong makunan ka dito." galit na sambit ni Emily kay Celine.

Walang pake si Celine kay Emily kaya patuloy siya sa ginagawa niya hanggang sa pinilit ni Emily na lumabas si Celine sa opisina ni Lucio. Kinaladkad niya papalabas ng opisina si Celine at pinilit na bumalik sa opisina nito.

Ilang minuto din silang nagbuno na dalawa hanggang sa nagkaroon na ng kapayapaan ang loob ng opisina ko.

Nakapikit lang ang mga mata ko ng mga oras na ito hanggang sa nakatulog na ako.

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONEWhere stories live. Discover now