Chapter 7

201 3 0
                                    


Maaga akong nagising dahil ang bigat ng mga naka dantay sa'kin. Dahan dahan kong inalis ang nga kamay at paa nila para maka paghilamos na. It's already 5 Am dapat ay maaga talaga kaming gumising dahil mag be-beach kami. Malamang nag hahanda na sila sa baba.

"Daisy, Buti gising kana gisingin mo na rin silang lahat mamayang 6 ay aalis na tayo" Tumango lamang ako bilang sagot. Una kung pinuntahan sila Farra.

"Farra gumising na kayo aalis na tayo mamaya"

"FARRA!"

"Kanina pa ako gising ang ingay ingay mo!" Hindi ko na siya pinansin at bumalik na ulit ako sa kwarto.

"Drake, Avery gising na kung ayaw niyo maiwan. Avery baby gising na," Agad namang nag mulat ang bata

"Good morning Mommy"

"Good morning too baby"

"How about me?"Napatingin naman kami sa isa na bagong gising rin.

"Tumayo ka na nga dyan!"

"Where's my good morning?" Inirapan ko lang ito at binuhat si Avery papuntang banyo. Pinaliguan ko na siya para ready na siya syempre naligo narin ako. Bumaba na kaming dalawa dahil kami nalang ang hinihintay.

-🖤🤍-

"Sumakay na kayo sa van" Kaming mag pipinsan ay sa iisang van. Ang iba naman ay kani-kanilang kotse. Umupo ako sa pinakadulo ng van dahil mas comfortable ako dun.

"Hello, Ate Daisy" Napalingon ako sa girlfriend ng pinsan ko.

"Hello, Abigail! How are you? Matagal rin kitang hindi nakita" I'm older than her. She's only 18 years old while I'm 20. Hindi ko alam na kasama pala siya sa vacation namin. Well I'm close to her kaya walang problema.

"I'm good, Still pretty as before" Natawa nalang ako dahil sa sinabi niya. She's pretty, sexy and nice. Kaya swerte na ng pinsan ko sa kaniya no!

"Bakit dito ka sasakay?" Tanong ko kay Drake nang bigla nalang siyang tumabi sakin. May sasakyan naman siya bat pa siya sasakay dito.

"You're here, kaya dito na rin ako" Tss.

"Sus! Wag ka nga dyan! Chupi!" Pag tataboy ko sa kaniya pero huli na kasi naka-andar na ang van.

Yung jacket ko! Naiwan! Napa yakap  nalang ako sa sarili ko dahil sa lamig. Naiwan ko sa couch yung jacket. Kakainis naman.

"Here, use my jacket" Nagtaka naman ako pano niya nalaman. Oo nga pala yakap yakap ko ang sarili ko.

"K. Thanks." Sinuot ko ang jacket niya na may naka printang "Drake Martinez" sa likod. Halatang sa kaniya nga ito.

-🖤🤍-

"Akin yan! Wag kang mang-agaw Daisy!" Hindi ko pinakinggan ang sinabi ni Isaac kasi inagaw ko ang dapat papatayin niya. We're playing mobile legends.

"Ano ba yan Daisy! Nang aagaw ka!"

"Ako naman ang nauna dun!" Pakikipag talo ko.

"Ako! Kill steal ka" Naiinis na ani nito.

"Ako! Diba Drake? Diba? Umayos ka!" Pag babanta ko sa kaniya. Dahil kasama rin siya sa laro namin. Malamang kakampihan niya ako.

"Yeah, Nauna si Daisy. So stop it." Wala ng magawa si Isaac dahil si Drake na mismo ang nag sabi.

"See! Blee" Inirapan niya nalang ako dahil wala na siyang magawa. Deserve! Sinimangutan niya lang ako at inirapan.

Loving Uncle DrakeWhere stories live. Discover now