Kabanata 1

54 5 0
                                    

- AZRA -

Limang taon na ang nakakalipas simula ng umalis si Azul. Wala kaming balita sa kanya at isang taon nadin ang nakaraan simula nang tumigil siya sa pagpapadala ng sulat. Matagal ko nang hinanda ang sarili,alam kong dadating din ang panahon na'to. Azul is probably dead.

And now is my turn.

"Azel,ikaw na ang bahala kay Mama pati sa mga kapatid natin."sambit ko at inihanda ang bangka na gagamitin. Nakatayo lamang si Azel sa dalampasigan, hindi kumikibo at nanatiling nakayuko,tinititigan ang paang nababasa ng malumanay na alon.

"Azel."tawag kong muli ngunit tahimik padin itong nakayuko. Napabuntong hininga nalang ako. I jumped off the boat and walked towards him.

"Azel,alam mo na ang sasabihin kila Azalea at Azro kapag hinanap nila ako,diba?"tukoy ko sa dalawa naming bunsong kapatid. Lima kaming magkakapatid,panganay si Azul at pangalawa ako. Si Azel ang pangatlo kaya siya lang ang maaasahan ko ngayon.

"Ate..babalik ka din diba? You're coming back with kuya Azul right?" Azel cracked a voice,nag angat ito ng tingin. Madilim man ang paligid,malinaw padin sakin ang luha sa gilid ng kanyang mga mata.

Coming back..with Azul.

Napangiti ako ng mapait. Ipinatong ko ang kamay sa kanyang ulo at ginulo ang kanyang buhok. Namumula ang mga mata nito,natatawa kong pinunasan ang uhog na tumulo sa kanyang ilong.

"Yeah. I promised. Kakaladkarin ko pabalik si Azul, I'll succeed finding a medicine for Mama. That's why you need to take care of our family while I'm away. Tahan na."

Isang pangako na walang kasiguraduhan. Hindi ito nalalayo sa isang kasinungalingan. Pero kung ito ang makakatulong kay Azel para mapagaan ang loob niya,wala akong pagpipilian kundi ang lokohin siya.

I feel bad for passing him this big responsibility at his young age. Azel is only fifteen but I need to do this. Kailangan kong maghanap ng gamot para sa sakit ni Mama. Ayon kay Aling Esya,limang taon nalang daw ang itatagal niya.

"Don't forget that promise,Ate."pagtahan nito,niyapos niya ako sa isang yakap at malugod ko itong ibinalik sa kanya.

"Kailangan ko nang umalis. Alagaan mong mabuti ang mga kapatid natin at si Mama."huling bilin ko bago sumakay sa bangka. Pinaandar ko ang makina nito. Hindi nagtagal ay palayo na ng palayo ang pangpang.

Natanaw ko ang pagkaway ni Azel kaya kinawayan ko ito pabalik. May isinisigaw siya pero hindi ko ito marinig dahil sa ingay ng makina. Kalaunan,ang maliit na isla ay tuluyan ng sinakop ng makapal na hamog.

Madaling araw palang. Malamig at presko ang hangin. Pinapanood ng mga bituin ang mumunti kong byahe.

Pinili kong maglayag sa ganitong oras dahil kalmado ang dagat. At isa pa,matatakasan ko sila Azalea at Azro dahil paniguradong mahimbing ang tulog nila ngayon. Magmamaoy kasi sila at baka hindi pa ako makaalis sa oras na makita nila akong lumisan.

Maliit at liblib ang Siamiz Island,hindi lang ito kulang sa kagamitan,wala din ditong mga manggagamot.

Actually,sinubukan naman naming dalhin si Mama sa ibang isla para maghanap ng manggagamot pero iisang sagot lang ang natanggap namin sa kanila. Mama's illness is incurable.

Halos nawalan na kami ng pag-asa noong mga panahong iyon lalo na si Papa. However,while desperately looking for a way to cure Mama's illness,we heard a rumor.

A rumor that there's this place called Eden. An island of paradise filled with different magical plants. Naroon daw ang puno ng prutas na nagpapagaling ng kahit anong karamdaman.

We're kids back then so we believed.

Walang limitasyon ang pagkadesperado ni Papa 'non kaya kahit alam niyang hindi totoo,kahit alam niyang imposible at kahit alam niyang walang kasiguraduhan. He set sail to find that place called Eden.

Papa left us to Azul. Azul took care of us.

Hindi bumalik si Papa. There's no news about him. Ilang taon ang lumipas nang tanggapin naming patay na siya.

Alam ni Papa na delikado ang gagawin niyang paglalakbay kaya bago siya umalis,ibinilin niya ang huling kahilingan kay Azul.

Azul did the same thing. When I reached the age of thirteen,he passed me the responsibility of looking for my Mama and our little siblings. Azul left to find Eden.

And then,Azul didn't came back.

The moment he left the Siamiz Island, I already considered him dead. Naging tama ang hinala ko,limang taon na ang lumipas pero hindi parin siya bumabalik. Wala nadin kaming sulat na natatanggap mula sa kanya.

At ngayon,walang pinagbago. Heto't narito ako para sundan ang mga yapak nila. Hindi na ako magugulat kung bigla nalang din ako bawian ng buhay at mag meet up kaming mag-aama sa langit.

Eden. Yan lang ang alam ko tungkol sa isla na dapat kong puntahan. Hindi ko din nga alam kung nag eexists ba ang lugar na yan o hindi. Wala akong mapa,wala din akong plano.

Gusto kong matawa. Ang paghahanap ba talaga sa Eden ang dahilan kung bakit ko nilisan ang islang Siamiz o sa kadahilanang gusto ko lang takasan ang realidad at mabigat na responsibilad?

It pains me to see my mother laying on the bed like a corpse. It pains me to see my siblings grew up without parents.

This is the last chance. Limang years nalang ang natitira kay Mama. May dalawang resulta ang byahe kong ito.

It's either I find Eden and the cure within five years or I die in the process.

Alin man sa dalawa,ito na ang huling tyansa. The cycle will stop. Azel will not abandon the family to find Eden because Mama might be dead by that time or it's too late. O kaya naman...Azel wouldn't need to abandon the family because I suceeded finding the cure. The second phrase is too good to be true so let's go with the first.

Bata palang ako,palagi ko nang kinokonsidera ang mga posibleng masamang mangyari. I always expect for the worst so that I won't be getting my hopes up. Para sa huli...hindi ko na kakailanganing ma disappoint o masaktan.

Napatunayan ko na tama lang ang ginawa kong iyon dahil ngayon ay madali nalang para sa aking tanggapin kung sakaling makumpirma nga talaga na patay na si Azul.

Mabilis na nagdaan ang tatlong araw. Sa tatlong araw na paglalakbay ko sa gitna ng malawak na dagat,sa wakas ay tanaw ko nadin ang isang isla. Pinatay ko ang makina at nagsimulang magsagwan.

Habang hinihintay ang pagbabalik ni Azul. Hindi ko sinayang ang five years para sa wala. I trained for survival. I can lasts three days of not eating and sleeping. Dahil 'don,walang kabawas bawas ang supplies ng pagkain at inumin ko. I need to save money. Delikado din ang matulog ng gabi sa gitna ng karagatan,malay ko ba kung anong mangyari.

Katulad nalang nito..

Umuga ang sinasakyan kong bangka. Ang patag na alon ay bigla nalang nagwala. Tumayo ako at maingat na siniguridad ang balanse.

Isang halimaw ang nagpakita. The monster have long, narrow body with long dorsal and anal fins. It has no scales.

A giant eel!

Napapikit ako nang magpakawala ito ng malakas at matinis na ingay.

Before it could attack and swallow me wholly, I leaped off the boat. Hindi ko inaksaya ang mga sandaling nasa ere,umikot ako at malakas itong sinipa diretso sa kaliwang mata.

Sapat na ang ginawa ko para bumagsak ang igat sa dagat. Dahil dito ay gumawa ito ng malalaking alon.

I guess the years I spent kicking the trees down finally paid off.

Horizon Pirates Where stories live. Discover now