𝐃𝐄𝐒𝐓𝐈𝐍𝐄𝐃 𝐓𝐎 𝐌𝐄𝐄𝐓 𝐘𝐎𝐔

Start from the beginning
                                    

"Wala naman tayong magagawa, sa mga ganitong buwan talaga dumadalas ang pag-ulan. 'Di bale, bago naman matapos ang taon siguradong magkakaroon pa ng meteor showers." Bahagyang lumingon si Eunice sa binata saka matipid na ngumiti.

"Eunice!" tawag ni Yhuri sa dalaga habang paakyat sa dereksyon nilang dalawa ng binata.

"Hi Sir Tyrone," bati n'ya sa lalaking ng kaibigan habang nakayuko ng bahagya, ngumiti naman ang binata at marahan din na yumuko. "Kanina ka pa d'yan, 'di ka pa ba tapos? Nariyan na 'yong mga bisita," Baling naman kay Eunice ni Yhuri.

"Ah, sige susunod na lang ako, mauna ka na doon para may mag-asikaso sa kanila." Eunice responded, tinanguan naman ito ni Yhuri bago magsimulang bumaba ng hagdan.

"Mauna na rin ako, see you later." Paalam rin ng binatang tinawag ni Yhuri kanina na Tyrone saka sumunod na rin kay Yhuri na bumaba.

Pagtapos iligpit ni Eunice ang mga ginamit nito sa paglilinis ay agad na rin siyang sumunod. Naabutan nito sila Denver at Yhuri na nakatayo malapit sa pintuan ng resto kasama si Mr. Enrico, ang manager ng restaurant kausap ang kumpare nito na tinutukoy kanina.

"Everyone," pagtawag ng manager namin sa atensyon nilang tatlo. "I want you to meet our special guest for tonight, the CEO of Dela Fuentes Group of Companies Fernand Dela Fuentes and Chairman of Westeria Fashion Kendrick Del Fierro." Pagpapakilala n'ya sa mga ito kasabay ng palakpakan nila Yhuri.

"T-teka, Chairman ng Westeria Fashion? S-s'ya?" tanong nito sa isip habang nakatingin sa lalaking ipinakilala ng manager nila na si Kendrick Del Fierro, ang binatang lasing na lasing sa resto noong isang gabi. Agad naman umiwas ng tingin si Eunice ng mabaling sa kan'ya ang mapupungay na mata ng binata. Ngunit nadako ang pansin nito sa babaeng mahigpit na nakakapit sa braso ng binata.

"Nakausap ko kanina si dad, sabi n'ya susunod na lang s'ya as soon as they finished their meeting with Taiwanese Investor." Singit ni Tyrone sa mga ito. Muling nadako ang atensyon ni Eunice sa babaeng mahigpit pa rin ang kapit kay Kendrick at matipid na nakangiti. She has a blonde wispy curled shoulder length hair, na bumabagay sa hulma ng mukha nito. She look so perfect with her vintage elegant pink puff sleeves match to her bright red lips and golden light skin.

"Masyado talagang workaholic si Uncle Agustin, right Kendrick?" sabat ng dalaga na ikinangisi ng mga ito sabay hawi ng buhok patalikod.

"Ihahatid ko na kayo sa VIP Room, at ipapahanda ko na sa mga staff ko ang lahat ng bilin n'yo." Saad ng manager. "This way sir." Magalang na turo nito habang nakalahad ang kamay pataas ng hagdan kung nasaan ang VIP Room ng resto. She started to walk upstairs with perfect poise on her ankle strap high heels, na animo'y hindi man lang nahihirapan kahit kaunti, tila isang model na sanay na sanay sa paglakad sa entablado.

"Lakas ng dating ni Ms. Maxine," sambit ni Denver na nakasunod pa rin ng tingin sa babaeng tinawag n'yang Maxine.

"Usap-usapan, kakauwi lang n'ya galing Australia. Napakaganda n'ya 'di ba Eunice?" Gatong pa ni Yhuri sabay baling kay Eunice.

"Hmm, bakit ako?" gulat na responde nito.

"We're just asking your opinion, ito naman." Sambit pa ni Yhuri sabay tapik sa balikat ng dalaga. "So what do you think?" ulit nito.

"Ewan," matipid na sambit ni Eunice.

"Anong ewan? Ang ganda kaya." Saad ni Denver sa dalaga.

"Kung ako ang tatanungin n'yo, mas maganda pa rin 'yong babaeng hindi lang puro ganda, dapat 'yong mabait din at marunong rumespeto sa kapwa." Umalingaw-ngaw sa loob ng resto ang malakas na palakpakan ng dalawa habang natatawang nakatingin kay Eunice.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 31 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐁𝐄𝐘𝐎𝐍𝐃 𝐒𝐄𝐂𝐑𝐄𝐓𝐒Where stories live. Discover now